Miss Q & A contestant, hindi nagwagi sa It’s Showtime pero winner sa totoong buhay

by KC Cordero
Sep 9, 2021
Hindi man napanalunan ni Exur Pastor Ranoa ang korona sa Miss Q & A sa It’s Showtime noong 2018, sa kanyang sipag at determinasyon ay nakamit niya ang mga pangarap sa buhay, kabilang na ang kanyang dream house. Photo courtesy of Exur Pastor Ranoa
PHOTO/S: courtesy of Exur Pastor Ranoa

Nakamit na ni Exur Pastor Ranoa ang kanyang pinapangarap na dream house.

Si Exur ay isa sa mga dating contestant sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime noong 2018.

Nakapasok siya sa semifinals ng naturang show.

Walong korona ang kanyang nakuha sa talakan, ngunit natalo ito kay Kristine Ibardoloza kaya naligwak siya at hindi umabante sa grand finals.

Continue reading below ↓

Tinanghal naman na kampeon si Juliana Parizcova Segovia.

Naka-pin sa Facebook ni Exur ang kanyang post noong May 11, 2021 tungkol sa ipinagawang bahay.

Mistulang before and after iyon dahil naroon din ang larawan ng lumang bahay nila.

Ang kanyang caption: “Thank you, Lord, after 7 months sa wakas natapos na din ang pinapangarap kong bahay para sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking mahal na ina na siyang inspirasyon ko sa lahat ng aking hirap at pagsusumikap!”

Continue reading below ↓

Nagbigay rin si Exur ng description tungkol sa kanyang property na two-storey modern residential house with roofdeck. May floor area ito na 120 square meters.

Nakatayo ito sa lote na may lawak na 200 square meters.

Mayroon itong apat na bedrooms, tatlong banyo, at may malawak na terrace bukod pa sa garahe at utility room.

May space din para sa kanyang Exur Collections Shop, make-up studio, at E Room (Exur’s Room, Executive Room, Entertainment Room).

Kung pagbabatayan ang mga description, napaka-cozy ng bagong bahay ni Exur.

Nangako siya na ipapakita maging ang interiors kapag tapos na ang construction ng bahay.

NAGSAKRIPISYO PARA SA MGA PANGARAP

Bago pa man sumalang sa Miss Q & A ng It’s Showtime ay sumasali na si Exur sa mga beauty contest.

Hindi man siya nanalo sa show, nang sumunod na taon ay siya ang tinanghal na Reyna ng Sidlakang Dabaw 2019.

Sa isang post ay nagbalik-tanaw si Exur sa kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pangarap.

Continue reading below ↓

Aniya, “Hindi biro ang hirap, pagod at luha para maisakatuparan ang lahat ng ito, pero para sa pamilya lahat kakayanin.

“Ilang beses mang pinaglaruan ng tadhana, ilang beses mang ako’y pilit na hinihila pababa, ngunit nanatiling mapagkumbaba at matatag sa pag abot ng aking pangarap!”

Pinasalamatan niya ang kanyang mga suki sa kanyang negosyo.

“Maraming salamat sa aming mga beloved clients sa Exur Collections na patuloy na tumatangkilik, nagmamahal at sumusuporta sa aking munting negosyo!”

Ang Exur Collections na business niya ay nagpaparenta ng mga gowns, suits, and costumes. Nakabase ito sa Davao City.

Hindi rin niya nakalimutang banggitin ang sinalihang contest sa ABS-CBN.

Ani Exur, “At sa Miss Q and A ng It’s Showtime sa malaking oportunidad na ibinigay sa akin na talaga namang nagpabago sa aking buhay!”

May shout-out din siya para sa masisipag na construction workers na bumuo sa kanyang dream house upang ang kanyang vision ay maging reality. “You guys are incredibly amazing!”

Continue reading below ↓

SILIP SA BAHAY NI EXUR

Noong August 19, ipinasilip na ni Exur ang kabuuan ng bahay.

Caption niya sa kanyang post: “As promised in my previous post, I’ll tour you around once the interior is done!

“And here it is!"

Continue reading below ↓

Ayon kay Exur, "modern minimalist" ang napili nilang style para sa interiors.

“We opted for a modern minimalist interior design perfect for a home where the heart resides, memories are created and laughter never ends. We also opted for neutral colors mainly, black, white, gray, and brown.”

Continue reading below ↓

"KUNG KAYA KO, KAYA NIYO RIN."

Marami ang nagse-share ng post ni Exur tungkol sa kanyang bagong bahay, at okay lang naman sa kanya.

Continue reading below ↓

Pagbabahagi niya, “Masaya ako na in my simple way, I was able to inspire everyone. Dahil kung kaya ko, kaya niyo din. At kung para sa iyo, ibibigay iyan ng Diyos samahan lang ng sipag at tiyaga.”

Payo niya para sa mga gaya niyang nais makamit ang pangarap: “Not to brag but to inspire na hindi pa huli ang lahat. Kung kaya ko, kaya niyo din.”

Continue reading below ↓

Para kay Exur, hindi isang karera ang buhay at hindi tayo dapat mangamba kung nauuna o nahuhuli.

“Ang mahalaga, kahit mabagal ay umuusad ka. Laban lang nang laban.”

Hindi rin aniya nakukuha ang tagumpay sa isang tulog lang, at dapat ay pinaghihirapan, pinagpapaguran, at pinagtitiyagaan.

“Kaya kung nahihirapan ka ngayon, ipagpatuloy mo lang iyan.

“Pipiliin mo lang kung ano ang karapat-dapat ilaan ang mga paghihirap mo.

“Kung gusto mo nang sumuko, isipin mo na lang ang dahilan kung bakit mo ito sinimulan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man napanalunan ni Exur Pastor Ranoa ang korona sa Miss Q & A sa It’s Showtime noong 2018, sa kanyang sipag at determinasyon ay nakamit niya ang mga pangarap sa buhay, kabilang na ang kanyang dream house. Photo courtesy of Exur Pastor Ranoa
PHOTO/S: courtesy of Exur Pastor Ranoa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results