Lalaki, nakapagpatayo ng sariling bahay sa halagang PHP50,000

Nov 30, 2021
House P50,000
A little house with air-con built on PHP50,000 budget and completed in 25 days.
PHOTO/S: Facebook (Russel Simorio)

Maraming netizens ang humanga sa isang ama na naitayo ang bahay sa halagang PHP50,000.

Kinilala ang lalaki bilang si Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot, at mayroon silang dalawang anak.

Na-post sa Facebook ang mga larawan ng bahay na itinayo ni Henry: mula sa hollow blocks, semento, at plywood.

Ang PHP50,000 na ipon ni Henry ay galing sa mga pa-extra-extra niyang trabaho, ayon sa post ng news reporter na si Russel Simorio.

Ang nakamamangha pa kay Henry, nagawa niyang itayo ang simpleng tirahan sa loob ng dalawampu’t limang araw.

House P50,000

Continue reading below ↓

House P50,000

Sa kabuuang sukat na 14x16 feet, ang bahay ay may isang kuwarto, living room, kusina, at terrace.

Base sa photos ay nakabitan pa ng air-con ang bahay.

Maliit man ang sukat ng bahay ay walang dudang na-maximize ni Henry ang kanyang espasyo.

Sa mga nai-post na larawan, makikita ang before and after photos ng small house: mula sa balangkas nito hanggang sa pagpipintura hanggang sa finished product.

Continue reading below ↓

Ang paggamit ng pintura at makulay na wallpaper ay nagpaganda sa itsura ng loob at labas ng bahay.

Sa labas ay pinuno pa ito ng mga halamang nakapaso para dagdag dekorasyon. Ang cute!

House P50,000

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A little house with air-con built on PHP50,000 budget and completed in 25 days.
PHOTO/S: Facebook (Russel Simorio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results