Pangarap ng maraming young professionals at maging ng maliliit na pamilya na magkaroon ng sariling tahanan.
Gayunpaman, kung ang suweldo ay sapat lang para sa pambayad ng bills at pagkain sa araw-araw, naiisantabi ang planong pagkakaroon ng sariling bahay.
Maiisip lang itong muli kung meron nang ipon kahit pang-downpayment man lang.
At siyempre, masalimuot ang mga proseso kapag bibili ng property.
Pero paano kung may mabibili kang bahay na ang presyo ay kasinlaki lang ng iyong buwanang renta?
Maitatanong mo, totoo ba iyan?
Totoo.
Sa pamamagitan ng CUBO Modular.
Ang CUBO Modular ay isang Filipino company na gumagawa ng sustainable at abot-kayang tahanan mula sa materyales na “engineered bamboo.”
MAS MURA AT MABILIS ANG CONSTRUCTION
Nakapanayam ng Summit OG ang co-founder at CEO ng CUBO na si Earl Forlales.
Pagbabahagi ni Earl, “CUBO is a manufacturer of engineered bamboo house kits.
“We produce the houses off-site, deliver them on the project site by trucks, and assemble them very quickly.”
Para mayroon kayong idea, kasinlaki lang halos ito ng mga maliliit na bahay na binubuo sa American TV series na Tiny House Nation—Pinoy style nga lang.
Paliwanag ni Earl, “The main goal of CUBO is to help transition to sustainable building.”
Dahil parami nang parami ang mga kumpanya, kabilang na ang nasa engineering and home-building industries, ang nagsisimulang humanap ng mas environment-friendly para mai-deliver ang kanilang mga produkto, masasabing ang modular homes ang “the next big thing.”
Ang modular homes ay mga bahay na idini-deliver sa inyong lote na yari na o kaya ay “by panels.”
Sa ganitong uri ng bahay ay mas iikli ang panahong magugugol sa kontruksyon sa kalahati, at mapipigilan ang mga hindi inaasahan o karagdagang gastos.
Ani Earl, “Usually, there are a lot of problems that can arise when you build for one or two years, but with our modular system, the construction period can only be as short as one to two months, depending on the site or the size of your CUBO home.”
MATIBAY AT SAFE ANG MATERIALS
Karaniwang tanong ng mga nag-i-inquire sa disenyo ng CUBO ay kung matibay ba ito at magtatagal.
Ayon kay Earl, matatag ang engineered bamboo laban sa mga bagyo at natural calamities.
Mas heat resistant din ang kawayan kumpara sa ibang materyales, kaya mainam gamitin sa pagtatayo ng bahay sa mga bansang tropikal gaya ng Pilipinas.
“One of the top causes of fires is faulty electrical wiring,” ani Earl.
“To prevent that, we invest in a top state-of-the-art electrical system. Hindi iyan nakakakuryente kahit mabasa because we know it’s a risk for children.”
Nabanggit din niyang lumaki siya sa bahay kubo ng kanyang lola, at iyon ang kanyang naging inspirasyon para magtayo ng affordable and sustainable house.
BUHAY CUBO PLAN NA ABOT-KAYA
May in-house financing program ang CUBO para matulungan ang mga nangangarap magkaroon ng sariling tahanan sa presyong abot-kaya.
“We just released our Buhay CUBO Plan,” ani Earl. “Right now, we have them available between PHP5,000 to PHP8,000 per month.”
Kung hindi pa kayo nakapasok sa loob ng isang tiny house, iisipin ninyo marahil kung ang espasyo ay sapat ba para sa isang young professional na maraming abubot, o sa isang tipikal na pamilyang Pinoy na may apat na miyembro.
Sinamahan ni Earl ang Summit OG para sa isang exclusive tour sa loob ng kanilang Sarangani model, na nasa Amaya Coast Beach Resort sa Mariveles, Bataan.
Ang isang tipikal na CUBO home ay kayang maglaman sa loob ng mas maraming tao kaysa inyong inaakala.
Malaki rin ang espasyo para sa storage, at may puwesto pa sakali man na work-from-home kayo.
Naririto ang video ng tour:
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.