Para maipatayo ang kanilang dream home, lumipat muna ng bahay ang mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.
For the longest time, nakatira si Luis sa isang posh subdivision sa Quezon City. Naibalita noon ibinigay ito ni Vilma sa kanya bilang pamana.
Pero pagbubunyag ni Jessy, “Pinapatibag po namin, hehe. From ground up as in wala.”
Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon sila na umupa muna ng bahay, at para na rin mapalapit kay Vilma Santos na may bahay sa Alabang.
“Yes po, and we moved closer po kay Momskie,” saad ni Jessy.
Humarap si Jessy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanyang contract signing bilang bagong celebrity endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic.
Ginanap ang event sa Manila House Private Club sa Bonifacio Global City noong November 24, 2021.
JESSY AND LUIS' RENTAL HOME
Simple lang ang rental home na nilipatan ng mag-asawang Jessy at Luis.
Doon daw sila titira for two years habang unti-unti nilang ipapagawa ang kanilang dream house doon pa rin sa Greenmeadows sa Quezon City.
Kuwento pa ni Jessy: "Actually, very rustic siya na minimalist. Ayaw namin ng maraming nangyayari.
"Actually, on our dream house, we want to take time, di ba?
"Sabi ko, let’s take time and get a nice rental home para hindi rin tayo haggard. Pero nakakatuwa kasi, talagang nakaka-excite."
Sa vlog ni Jessy noong November, ipinasilip niya ang ilang bahagi ng kanilang rental home.
Mayroon silang interior designer na nag-ayos ng iba nilang mga lumang gamit sa existing fixtures ng bahay.
Sa first floor matatagpuan ang living room na mayroong flat screen TV, kunsaan naglalaro ng games sina Luis at Jessy.
Sosyal ang kanilang dining area, pero sa ordinary days ay simpleng lutong-bahay ang paboritong kainin ng mag-asawa.
Minsan ay ipinakita nila na sinampalukang manok na puno ng malunggay ang kanilang lunch.
Nagtungo rin sila sa garden area kunsaan may naka-set up na gym equipment.
Ito ay bahagi pa rin ng living room kunsaan naka-display ang Ramon Orlina sculptures na pag-aari ni Luis. Hilig daw ni Luis ang mangulekta ng art pieces.
Bahagi naman ng rental home ang all-white dining table at light fixtures sa may kitchen.
Sa second floor ng bahay ay may office at walk-in closet kunsaan madalas nakatambay si Jessy.
DREAM HOUSE IN GREENMEADOWS AND REST HOUSE IN BATANGAS
Sa pagpapatuloy ng panayam kay Jessy, nagbahagi pa siya tungkol sa renovation ng bahay nila ni Luis sa Greenmeadows.
Ang Hongkong-based company na DEFT (Design Eight Five Two) ang gumawa ng architectural design ng dream house nina Luis at Jessy.
Sa naturang company din nagtatrabaho ang isa sa mga kapatid na babae ni Jessy.
"They’re really good," ani Jessy.
Bukod sa bahay nila sa Greenmeadows, plano rin ng mag-asawa na magpatayo ng bahay sa Batangas kaya ganado silang magtrabaho.
"Yung isa naming bahay pa somewhere in Batangas, papagawa rin namin sa kanila, so nakaka-excite.
"Ipapatayo pa lang po yung sa Batangas. Pero medyo malaki yung area po.
"Kaya todo ipon kami ni Lu, e. Work, work, work, di ba?"
Lu ang tawag ni Jessy kay Luis.
Marami raw silang pangarap na mag-asawa.
"Pero siyempre, di ba, dream actually naming dalawa na tumira by the beach. Sabi ko, sana masimulan natin ito.
“But of course, priority namin yung dream house namin. So, ayun, paisa-isa lang muna.
"Sabi ko, 'Love, isa-isa muna. Mahina kalaban.'"
JESSY'S EARNINGS
Masuwerte raw si Jessy na kahit wala siyang TV project ay mayroon siyang sariling pinagkakakitaan.
Freelancer si Jessy at walang exclusive contract sa anumang TV network, habang ang mister niyang si Luis ay nananatiling Kapamilya.
Sabi ni Jessy, "And si Lord talagang grabe Siya kung magbigay ng blessing, tuluy-tuloy.
"We’re very, very grateful. I’m very grateful na kahit hindi kami gano'n ka-active on TV and movies, I still get a lot of endorsements.
"And that means na brands help me out to endorse them or to be their ambassadors. So I’m just really grateful, as in parang, everything’s just so peachy."
Paglilinaw ni Jessy, may sarili din siyang pera na panggastos sa pagpapatayo ng kanilang dream house.
Noon pa man ay bukas sa pagsasabi si Jessy na ayaw niyang umasa lang kay Luis pagdating sa pera.
"Opo naman, of course. Lumaki po kasi ako na nagtatrabaho simula bata pa ako.
"And na-train din po ako nang mabuti sa pagha-handle ng pera. So as long as kaya ko, I’m willing to share.
“Actually, iba-iba naman ang opinyon ng bawat mag-asawa, di ba?
"Pero kami ni Luis, we always make sure to be honest and vocal about yung financial plans."
May mga projects pa rin na dumarating kay Jessy, kaya keri niyang mag-share kay Luis ng panggastos para sa pagpapatayo ng kanilang dream house.