Viral sa social media ang tinatawag na "small home movement."
Marami ang nagsasabing mas ideal ngayon ang magkaroon ng tiny house—na bukod sa mas mura at mabuti para sa kapaligiran ay mas madali itong i-maintain.
Ito ang na-achieve ng mag-asawang Victoria at Gerry Evangelista ng Bioskin Philippines at ng Bec and Geri's, sa kanilang Davao facility.
Si Victoria ang CEO ng nasabing kumpanya.
Sa panayam ng Summit OG, sinabi ni Victoria na, “Puwede kayong gumawa ng bahay na hindi lahat ay bibilhin. Puwede kayong maka-save sa pagre-recycle lang.”
BINUO MULA SA RECYCLED MATERIALS, LUMANG FURNITURE
Dahil hindi sila masyadong busy sanhi ng pandemic, nakaisip ang mag-asawa ng concept para magtayo ng tiny home sa kanilang facility gamit ang walang laman na 20 and 40 feet container vans.
“Ini-start talaga namin itong [buuin] noong March [2021], at natapos siya in a little over three months,” pagbabahagi ni Gerry.
“Ang bilis naming na-set up. Ang maganda dito sa container, although maliit siya, mabilis naman siyang i-construct at makaka-save ka sa time, pati na rin sa labor cost.”
Environment-friendly ang Bec and Geri's Tiny House dahil nag-recycle sila ng mga lumang materyales at gumamit ng mga lumang furniture.
Alinsunod ito sa pangkalahatang misyon ng mag-asawa na gawing mas “environmentally responsible” ang kanilang mga negosyo.
IDEAL PARA MAG-RELAX, VENUE PARA SA BUSINESS MEETINGS
Dahil maraming halaman at maging ang mga artwork ay inspired by nature, very conducive ito sa mga gustong mag-isip.
Ideal rin ito para mag-relax at damahin ang paligid kasama ang pamilya o mga kaibigan.
May dalawang palapag, dalawang bathrooms, dalawang kuwarto, at may kitchen sa loob at labas.
Sa gilid ay may bathtub na puwedeng maging maliit na pool.
Tanaw naman sa balkonahe nito ang malawak na patio.
Paliwanag ni Victoria, “Dito na namin inilagay [ang tiny house] kaysa lumayo pa kami. Dito, pati yung mga empleyado namin nakakapag-enjoy sila na magbakasyon kahit nasa loob lang ng facility.
“Nagagamit din namin siya kapag may mga conference. Kapag nagbi-business meeting kami, parang nasa bahay lang din kami. Feel at home sila.”
FOR EMPlOYEES' USE
Sa halip na paupahan sa iba ang tiny house, nagdesisyon ang mag-asawa na ipagamit ito sa kanilang mga empleyado.
Para itong maliit na paraiso kung saan nakapagdaraos sila ng small parties, sleepovers, at iba pang special family gatherings.
Saad ni Victoria, “Ang pinakamagandang ginawa namin dito sa facility namin ay nai-share namin sa mga [employee] namin.
“Open ito sa lahat ng tao namin na gustong dalhin yung family nila. Hindi na namin ini-open for Airbnb para sila mismo, yung mga empleyado namin, mag-enjoy naman.”
Para sa mga gustong magtayo ng sariling tiny home, o makita at malaman kung magkano ang magagastos, panoorin ang buong interview ng Summit OG kina Victoria at Gerry Evangelista sa video na ito:
Subscribe to the channel here. Watch more OG videos here.
Also, use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.