Tiny house ng isang couple sa Batangas nakamamangha ang disenyo

by KC Cordero Allison Estrella
Jan 12, 2022
The tiny house of Julius and Smile Garcia before and after
Silipina natin ang tiny house ng mag-asawang Julius at Smile Garcia sa Batangas.

Kabilang ang mag-asawang Julius at Smile Garcia ng Batangas sa naengganyo na magpagawa ng tiny house.

Ayon kay Julius sa panayam ng Summit OG, "...During the pandemic lockdown, we came across YouTube videos with regards to tiny houses. Doon kami na-inspire.”

Nagdesisyon silang isagawa ang plano sa isang property nila sa Padre Garcia, Batangas.

Ani Julius, “Nagsabi rin kasi ako [kay Smile] na on her 40th birthday, doon kami mag-celebrate ng birthday niya sa sarili na naming bahay.”

Kuwento ni Smile, “Nag-start ang construction at end of July 2020.

“It was finished mga December 2020, and we moved in ng January 2021.”

The frame of the tiny house

Continue reading below ↓

Mas akmang gamitin ang salitang "compact" kung ilalarawan ang size ng kanilang bahay. Hindi ito gaanong maliit at masikip. Tama lang ito sa pangangailangan ng mag-asawa.

Ang disenyo naman ay simple pero kakaiba.

Ang layout ay aakalain mong pangkaraniwan na parihaba at medyo hawig sa container van.

The tiny house of Julius and Smile Garcia

Sabi ni Julius, “Sa materials namin, we used concrete and wood. And then for those areas na may water, like the toilet, bathroom, and kitchen we used concrete.

Continue reading below ↓

“And for the rest of the house, we used wood framing para magaan lang siya and lightweight.

“And then for the walls, we used a long span na makapal na yero. Custom na siya, ganoon din yung aking roof.”

All parts of the tiny house is functional

Ang kanilang floor area ay may sukat na 27 square meters.

Continue reading below ↓

Nasa first level ang kanilang living space, kitchen, at isang full-sized bathroom.

Ang mga kuwarto ay may sukat na 3 x 3 meters.

Nasa 18 square meters naman ang lawak ng second floor.

Dalawa ang lofts sa second floor, at may isang bedroom na direktang nakaharap sa kanilang entertainment area.

TINY BUT FUNCTIONAL

Isa sa ipinagmamalaki nina Julius at Smile na feature ng kanilang tiny home ay ang malawak na open area sa pinaka-center nito.

Nagbibigay iyon ng impresyon ng mataas na kisame kaya parang sobrang lawak ng kanilang espasyo.

The high ceiling at the center

Continue reading below ↓

Ani Julius, “Itong tiny house namin, designed na maliit lang yung space pero functional lahat.

“'Tapos yung dining area, marami kang puwedeng gawing arrangement to accommodate different situations…Iyon yung favorite part ko.”

Tiny house's kitchen

Kung nagpaplano kayong magpatayo ng sariling tiny house, panoorin ang OG video na ito tampok ang “mansion” nina Julus at Smile para makakuha ng mga ideas:

Continue reading below ↓

A couple from Batangas decided to move into a tiny house, and they're super lovin' it. Also, in case you want to know a few do's and don'ts of tiny home living, they got you covered as well.
Video: Summit OG.

Subscribe to the channel here. Watch more OG videos here.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Silipina natin ang tiny house ng mag-asawang Julius at Smile Garcia sa Batangas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results