Bahay sa halagang PHP10K! Paano ito nagawa ni Jeypee Gervacio?

by KC Cordero
Jan 25, 2022
The house that Jeypee Gervacio built
Diskarte at magandang pakikisama sa mga kalugar sa Batangas ang naging puhunan ni Jeypee Gervacio para maipatayong muli ang bahay niyang nawasak nang pumutok ang Bulkang Taal.

Kilala si Jeypee Gervacio, 25, sa kanilang lugar sa Agoncillo, Batangas, na madiskarte at magaling humanap ng pagkakakitaan.

Nakatapos siya ng vocational course, at nagtatrabaho siya bilang masahista at electrician.

Pinasok din niya ang food and beverage services.

Photo of Jeypee Gervacio

Nang pumutok ang Bulkang Taal noong January 2020, kasama sa mga napinsala ang bahay ni Jeypee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakita naman siya ng opportunity sa kabila ng dinanas na kalamidad.

Kuwento ni Jeypee sa panayam sa kanya ng PTV morning newscast na Rise and Shine Pilipinas noong January 3, 2022, "Marami pong fishpond dito. Nang pumutok po ang bulkan, bale po natapon yung mga isda sa mga fishpond. Kumawala sila sa lawa.”

Dahil nasa lawa na, puwede nang hulihin ng kahit sino ang mga isda.

Ani Jeypee, "Tapos ang ginawa po namin ng partner ko, nanghuli po kami ng tilapia."

Ibinenta nila ang mga nahuli nilang isda at inipon ang kinita.

NAGTAYO NG SARI-SARI STORE

Dahil halos lahat ng kalugar ni Jeypee ay apektado ng pagputok ng bulkan at kapos sa mga pangunahing pangangailangan, naisipan niyang magtayo ng sari-sari store.

Aniya, mula sa kinita sa tilapia ang kanyang naging puhunan, “Sa halagang PHP5,000, bumili po kami ng mga panindang kaunti.

"Hanggang sa lumago po nang lumago."

Jeypee Gervacio's sari-sari store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula naman sa kanyang sari-sari store ay nakaipon si Jeypee ng PHP10,000, "Iyon na po ang aming ginamit para magpagawa ng bagong bahay," aniya sa panayam sa kanya.

Para makatipid, isinalba rin daw niya ang mga materyales mula sa luma nilang bahay na nasira nang pumutok ang bulkan.

"Pinagtagpi-tagpi po namin iyon."

At mas nakatipid siya dahil wala siyang binayarang labor.

"Kasi uso po dito sa amin ang bayanihan," pagbabahagi niya.

"Kagaya ko po, ako ay nagke-cater sa mga tropa ko. Libre na rin po ang service ko sa kanila."

The house that Jeypee Gervacio built

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman nang makita ng mga ito na nagpapagawa siya ng bahay, kusang loob na lumapit ang mga ito para tulungan siya.

NAKITA ANG IMPORTANSIYA NG MABUTING PAKIKISAMA

Ayon kay Jeypee, para sa kanyang pamilya at kanyang partner ang ipinatayo niyang bahay.

Masaya aniya ang relasyon nila ng kanyang partner, "Yung pamilya ko, sumuporta sila at tinanggap nila kami."

The house that Jeypee Gervacio built

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maayos at komportable ang kanilang pagtira sa bagong bahay, bagaman at may mga kaakibat pang problema.

"Bale ang ipinangangamba lang po namin ay ang muling pagputok ng bulkan.

Hindi rin sa kanila ang loteng pinagtayuan ng bahay dahil pansamantala lang silang pinatutuloy roon.

Lahad ni Jeypee, "Nag-iipun-ipon lang po kami para pambili ng sariling lote, at makapagpatayo kahit ganito ulit kaliit basta sariling lupa na.”

Sa kabila naman ng trahedya, natuklasan ni Jeypee na bukod sa diskarte sa buhay, malaking bagay sa muling pagbangon niya ang maganda niyang relasyon sa mga kalugar.

"Yun po ang mahalaga, yung pakikisama mo para makisama rin sila nang maayos sa iyo.

"Pag dumating ang araw na ikaw ang nangangailangan, hindi rin sila magdadalawang-isip na tumulong sa iyo.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diskarte at magandang pakikisama sa mga kalugar sa Batangas ang naging puhunan ni Jeypee Gervacio para maipatayong muli ang bahay niyang nawasak nang pumutok ang Bulkang Taal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results