Container van house sa bukid sa Calamba, may breathtaking view ng Mt. Makiling

by Bernie V. Franco
Mar 1, 2022
container van house
This container van house built in the middle of a farmland in Calamba, Laguna boasts a "360-degree view "of Mount Makiling. Inset shows two 20-foot container vans and another 40-foot one to build the house.
PHOTO/S: YouTube (Summit OG)

Love at first sight ang naramdaman ni Mike Rivera nang mapuntahan ang lupang tinitirikan ngayon ng kanyang container van house sa Calamba, Laguna.

"Raw land. As in, bukid ito, e. Farmland. As in walang kalye, walang tubig, walang kuryente," paglarawan ni Mike sa panayam ng Summit OG.

Nasa gitna man ng bukid ang kanyang bahay, tanaw naman mula sa third-floor deck ang napakagandang view ng Mount Makiling.

“But when I saw the place, when I saw the view, I fell in love. Wow, ganda. I guess mukhang nakita ko na yung gusto ko.”

container van house

Continue reading below ↓

Bago siya nagdesisyon na magpatayo ng container van house sa paanan ng bundok, "700 feet above sea level," nakatira si Mike sa Makati City.

Hindi raw siya nagtataka kung bakit, sa kanilang apat na magkakapatid, ang tatlo ay nakatira sa Calamba.

“Between living there [city] and living here [Calamba], it’s a world of difference.

“Kasi doon mainit. Puro semento. Di fresh air," aniya ukol sa siyudad.

“Unlike dito, malamig. So anlayo talaga, and then super tahimik.”

Kaya naman ibinenta na nila ang kanilang properties sa siyudad at nagpasya si Mike na manirahan na rin sa probinsiya.

MIKE'S CONTAINER VAN HOUSE

As early as 2014, nag-iisip na ng disenyo ng bahay si Mike. Nahumaling siya noon sa container vans na ginagamit sa paggawa ng tirahan.

Pinag-aralan niya ito at gumawa ng sarili niyang disenyo.

“Mas madali siyang gawin. I drew designs kung ano ang gusto ko,” aniya.

Ang kanyang bahay ay ginamitan ng tatlong container vans: isang 40-footer para sa high ceiling at dalawang 20-footer para sa dalawang rooms.

Continue reading below ↓

Bukod sa container vans, ang bahay ay gawa gamit ang glass at semento.

“Gusto ko lang talaga maliit lang yung bahay, e.”

Paliwanag niya, ang kanyang total living area ay 70 square meters, pero ang usable area ay may total na 150-180 square meters, kasama na rito ang second at third floor decks at front deck.

Pinalawak din niya ang espasyo ng living room, na puwedeng maging dining area at sleeping area kapag may mga bisita.

Tumangging banggitin ni Mike kung magkano ang nagastos niya sa pagpapagawa ng kanyang container van house.

“Basically, the same as building a regular house,” sabi niya lang.

“Ang advantage mo lang, pag container van ang ginamit, mas mabilis ang construction.”

Sa kaso raw ni Mike, inabot siya ng isang taon dahil marami siyang pinadagdag.

“Pero supposed to be only six to eight months, buo na. Ganoon kabilis ang pag-construct ng bahay.”

container van house

Continue reading below ↓

CHALLENGES AND JOYS OF LIVING IN A CONTAINER VAN HOUSE

Inamin naman ni Mike na mas magastos din ang maintenance ng kanyang bahay dahil majority ay gawa sa bakal.

Pagdating naman sa electricity, gumagamit si Mike ng solar panels, na ginawa rin niyang rain catcher.

Ang sobrang tubig-ulan ay dumidiretso sa kanyang water cistern.

“Sa ilalim niya is my water cistern. Kumbaga, iyan ang tangke ko ng tubig. So pag umapaw yung tank, pupunta doon sa cistern.”

Nag-request na raw siya ng linya ng tubig, pero kailangan pa niyang maghintay ng isang taon.

Sa ngayon, nagpapa-deliver siya ng tubig na inaabot ng PHP1,500 kada deliver.

Bagama't may adjustments pa, nawawala raw ang pagod ni Mike sa kinalalagyan ng kanyang bahay.

Isa raw itong “relaxing place” lalo na kapag umakyat siya sa third-floor deck at mayroon siyang breathtaking view ng Mount Makiling.

Sa mga na-inspire sa kanyang container van house, payo ni Mike, ilaan sa tamang investment ang pera.

Continue reading below ↓

“If you dream and you have the resources, go for it,” ani Mike.

“Di ka na magdalawang-isip, especially when buying properties—lupa, bukod sa bahay.”

Aniya, ang value ng lupa ay patuloy lang ang pagtaas.

Kung hindi naman nagustuhan ang ipinatayong bahay, maaari naman itong ibenta.

Paalala niya, “It pays to have a plan.”

Panoorin ng buong video:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This container van house built in the middle of a farmland in Calamba, Laguna boasts a "360-degree view "of Mount Makiling. Inset shows two 20-foot container vans and another 40-foot one to build the house.
PHOTO/S: YouTube (Summit OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results