Mamay Bino builds his cute retirement home at age 49

by KC Cordero
Mar 15, 2022
Mamay Bino showing his tiny home.
Maagang pinaghandaan ni Mamay Bino ang titirhan nilag mag-asawa kapag nag-retire. Isa itong tiny home.

Sa edad na forty-nine years old, inihanda na ni Alvin Mamalayan, mas kilala bilang Mamay Bino, ang titirhan niya kapag siya ay nag-retire.

Tubong Calamba, Laguna si Mamay Bino, pero ang ipinatayo niyang tiny house sa Laiya, Batangas.

Twenty-six years na siya sa trabaho bilang quality control inspector sa isang auto parts manufacturing company sa Laguna.

Mamay Bino in front of his tiny home.

Continue reading below ↓

Sa panayam kay Mamay Bino ng Summit OG noong February 25, 2022, sadyang maaga siyang nagplano para sa kanyang retirement.

Aniya, “Sa experience namin sa trabaho, kasi ako 26 years na [in service], may mga na-encounter akong mga kaopisina na kung kailan nag-retire saka pa lang sila magsisimula.

“Ako, sabi ko, habang bata pa, mag-start na tayo ng savings para pag nakaipon tayo, puwede na tayong magpasimula.”

2012 PA LANG BUMILI NA SIYA NG LOTE SA LAIYA, BATANGAS

Taong 2012 ay nakabili silang mag-asawa ng lote sa Laiya, Batangas.

Pagbabahagi ni Mamay Bino, “Pagkabili namin, pinatayuan namin ng bahay-kubo. Tumagal iyon nang eight years.

Mamay Bino's old kubo.

Continue reading below ↓

"Noong ika-nine years namin, nitong pandemic, wala namang trabaho, nag-decide kami na pasimulan naming ipatayo itong bahay.”

Tiny house raw lang ang kanyang ipinatayo at iyon na rin ang magsisilbing retirement home nilang mag-asawa.

Hindi na kubo ang naipatayong bahay ni Mang Bino.

Mamay Bino's finished but unpainted tiny home.

Patuloy niyang kuwento, “At present po kasi nasa Calamba kami. Yung place namin doon medyo masikip. Sabi ko, di ko ma-imagine ang sarili ko kung doon ako tatanda.

Continue reading below ↓

“Wala kang gagawin doon kundi manood ng TV. At least dito, marami kang options. Kung wala kang ginagawa, puwede kang magtanim-tanim.”

Ang nabili nilang lupa ay may sukat na 600 square meters. Ayon kay Mamay Bino, nang mabili nila iyon ay may mga tanim nang puno, gaya ng niyog at mangga.

“Ito pong bahay namin, ang sukat po nito ay seven by seven meters. Talagang square na square ito.

“Ang naging struggle lang namin dito ay ang paghahanap ng gagawa, yung contractor.

"Kasi, pandemic, e, dito sa Batangas medyo mahigpit yung health protocols. Hindi puwedeng pumasok dito yung taga-ibang lugar.”

Kalaunan naman ay nakakita rin sila sa Batangas ng contractor. Sinimulan ang pagtatayo ng kanilang tiny house noong July 28, 2021 at natapos noong October 28.

BAKIT BUMILI NG LUPA SA MALAYO?

Ayon kay Mamay Bino, kinuwestiyon siya ng mga kakilala nang bilhin nilang mag-asawa ang lote sa Laiya.

“Nagtaasan sila ng kilay. ‘Bakit ka bibili riyan, ang layu-layo? Wala pang bahayan, ang dami pang aayusin.’”

Continue reading below ↓

Pinatunayan naman niya sa mga ito na hindi siya nagkamali sa kanyang investment.

“Pero nang masimulan naming ma-develop ito, malagyan namin ng mga bakod, ng mga kubo, ngayong may bahay na, hindi kami nawawalan ng bisita.

“Yung mga nagko-comment ng malayo, mahirap sa biyahe, pumupunta po sila ngayon dito at gustung-gusto nilang mag-stay.”

Ang tawag umano ngayon sa kanyang tiny house ay “Kubo ni Mamay Bino.”

Paliwanag niya, “Kasi nga noong una ay kubo ito. Ang ‘mamay’ naman sa Batangas, ang kahulugan ay lolo.

“May apo na ako sa pamangkin, e. Ang tawag sa akin ng mga bata dito, lahat, ay Mamay Bino.”

DISENYO NG TINY HOUSE NAKUHA SA YOUTUBE AT PINTEREST

Marami ang nagagandahan sa kanyang tiny house, na ang disenyo ay nahanap niya sa YouTube at Pinterest.

“Ang hinahanap lang namin ay yung talagang tiny house lang. Kasi nga, habang lumalaki yung bahay, lumalaki rin yung gastos.

“Kami naman, kahit hindi ganoon kadetalyado ang bahay, kahit hindi malaki basta komportable.”

Continue reading below ↓

The kitchen.

Palibhasa ay tiny house, maliliit at konti lang ang inilagay nilang kasangkapan. Ang ilang furniture sa bahay nila sa Calamba na hindi nila nagagamit ay dinala nila rito.

Ipinagmamalaki rin niya ang pagiging unique ng kanyang bahay.

“Kumpara sa iba, talagang tiny lang ito. Very functional, walang nasayang na space. Pagpasok mo, nandiyan na ang salas, kusina, CR at kuwarto.

Continue reading below ↓

The living area.

“Sa labas naman, meron tayong para sa bisita. Meron tayong dirty kitchen, dalawang kubo para sa mga gustong mag-stay na mga kaibigan. Puwede rin naman silang mag-tent kung gusto nila.”

NAGASTOS AT FUTURE PLANS

Umabot sa PHP900,000 ang kanyang nagastos sa pagpapatayo ng bahay.

“Kasama na po lahat iyan from materyales to labor. Fully furnished na po iyan mula pintura hanggang sa tiles.”

Continue reading below ↓

Long shot of the tiny home.

Isa sa kanilang future plans ay magkaroon ng mini pool sa likod ng bahay.

“Kasi dito sa Laiya, medyo may kamahalan po yung mga resort dito. Kaya balak naming magpalagay ng maliit na swimming pool sa likod.”

Plano rin niyang magpagawa ng rain catcher.

“Sayang kasi yung tubig pag umulan, matatapon lang sa kalsada. Instead na matapon, puwede naming ipandilig sa mga halaman, panlinis, at pampaligo sa mga pets.”

Continue reading below ↓

Sa mga na-inspire sa kanyang kuwento at gusto ring magpatayo ng retirement home, ang payo ni Mamay Bino, praktikal sa ngayon na magpatayo ng maliit lang na bahay.

“Siyempre habang lumalaki yung bahay, lumalaki yung gastos.”

Kailangan din aniyang magpalit ng lifestyle at magbawas ng gastos.

“Kung tayo'y medyo maluho, medyo konting higpit lang po ng sinturon.

“Kung tayo'y malaking gumastos, konting tipid. Konting diskarte. Sideline tayo para hindi tayo masyadong mahirapan after retirement.”

Panoorin ang panayam ng Summit OG kay Mamay Bino at ma-inspire sa kanyang kuwento:

Mamay Bino gives future retirees ideas on why jumping on the tiny home bandwagon make a lot of sense.
Video: Summit OG.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maagang pinaghandaan ni Mamay Bino ang titirhan nilag mag-asawa kapag nag-retire. Isa itong tiny home.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results