Bahay-kubo, may mini pool at bathtub na puwede pang-stargazing!

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2022
bahay kubo
This bahay-kubo in Rancho Oco, a farm in Batangas, with all its modern conveniences is ideal for an airy getaway and relaxation.
PHOTO/S: YouTube (OG)

Nakakatawag-pansin ang isang bahay-buko na nasa gitna ng kabukiran sa Batangas.

Very modern ang disenyo nito.

Gawa sa mahogany, may mga bahagi—gaya ng mga pinto at salamin—itong na gawa sa salamin.

Al-fresco ang dining area at kitchen, meron itong mini-pool, modern ang bathtub, at puwede pang mag-stargazing.

Sa main bedroom ay naroon ang isang queen-size bed at ang isa pang kuwarto ay loft style na may balcony.

Impressive ang design ng bahay-kubong ito na do-it-yourself (D.I.Y.) project pala ng mag-asawang nagmamay-ari.

Ito ang Rancho Oco ng mag-asawang sina Alexis Oco, 41, at Johanna “Hannie” Oco, 37.

May sukat itong 5.5 meters X 6 meters sa lot area na 2,000 square meters.

Ang kabuuang gastos sa pagpapatayo nito ay PHP 1 milyon.

bahay kubo

Ani Alexis sa Summit OG video, March 4, 2022, “Na-acquire namin yung property sometime siguro October 2020.”

Sabi niya, nang puntahan nila at makita ang area ay tubuhan pa ito, pero nagustuhan na nila ang lugar kaya’t nag-downpayment sila agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-full payment kami siguro January 2021.”

Pinatayuan muna nila ito ng water system at sinimulang ipatayo ang bahay-kubo noong February 2021.

Natapos ang pagpapatayo noong May 2021.

Bagamat may mga karpintero sila, ang disenyo at furnishing ng bahay ay sariling sikap ng mag-asawa.

Sabi ni Hannie, ang naging-inspirasyon niya sa disenyo ng bahay ay ang kanyang childhood memories.

bahay kubo

“Back then, dun sa house namin sa province, pinagawan kami ng lolo ko ng kubo.

“We spent most of our time there. Naglalaro lang kami tapos andoon yung family, bonding namin sa kubo.”

Proud si Hannie sa bathroom nito dahil mayroon itong bathtub at kapag tumingala ay makikita ang kalangitan dahil gawa sa salamin ang ceiling.

“Puwede kang mag-stargaze diyan. Very relaxing talaga yung part ng kubong iyon.”

bahay kubo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Favorite spot din ni Hannie ang recreational activity area sa harap ng bahay-kubo dahil puwede ritong maglaro ang pamilya at gumawa ng bonfire sa gabi.

bahay kubo

DO-IT-YOURSELF BAHAY-KUBO

Proud ang mag-asawa sa pagsasabing materyales fuertes ang kanilang kubo.

Sabi ni Alexis, “From sahig hanggang sa dingding, mahogany."

Sundot ni Hannie, “Medyo pricey siya, pero worth it naman in the long run. Nag-splurge talaga kami sa mahogany.”

Paliwanag ng mister, “Labor of love siya kasi kami na yung nag-sand ng floor nito.

“'Tsaka yung mga dingding kami na yung nag-varnish. Kami naggawa, nag-D.I.Y."

Hilig daw talaga nilang mag-asawa ang mag-D.I.Y.

Ani Hannie, “Wala kami talagang professional help. Hindi kami kumuha ng architect para sa plan at saka sa costing.”

Hindi nga lang nasunod ang initial allotted budget ng mag-asawa sa property.

Sabi ni Alexis, “Ang akala namin, the most, aabot lang kami ng PHP500,000.

“As the construction progresses, may mga dinadagdag kami, yung mga gusto naming isama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So siguro, more or less, umabot kami ng PHP1M, kasama na yung mini-pool, yung water system, and lahat na ng furnishings dito sa bahay.”

bahay kubo

Dagdag ni Hannie sa disenyo, “So sa design ko naman, yung idea ko dito yung traditional bahay-kubo.

“’Tapos in-incorporate lang namin yung modern fixtures. So parang upgraded modern bahay-kubo.”

Na-fully furnished ang bahay noong September 2021.

Nagdesisyon silang tawagin itong Rancho Oco para raw may sense of ownership.

Nagdesisyon silang ipa-rent ito via Airbnb matapos magtanong ang kanilang mga kaibigan at humiling na i-rent nila ang property.

Sabi ng mag-asawa, gusto nilang iparanas sa ibang tao ang kasiyahan sa tirahang bahay-kubo.

Siyempre, dagdag income na rin ito para sa kanila.

Sa isang bahagi ng kanilang 2,000-square-meter lot ay nagpatayo sila ng isa pang maliit na villa, na puwede nilang tuluyang pamilya kapag may mga bisita.

Para rin mabigyan daw ng privacy ang visitors.

Bagamat marami ang nahihikayat ngayon na umalis sa siyudad at manirahan sa probinsiya, nag-advice si Alexis na pag-isipan itong mabuti.

“We have to be prepared emotionally, financially, and we have to know where to jump. Test the waters first para di magsisi.”

Kapag nakapagdesisyon, “Do it wholeheartedly.”

Dagdag ni Hannie, “Trust the process. Kasi along the way merong doubts, e, kasi, di ba, inexperienced tayo na magpagawa from scratch.”

Sa kaso naman nila, nagtuluy-tuloy ang kanilang planong modern bahay-kubo dahil nagsuportahan silang mag-asawa.

Narito ang buong kuwento ng Rancho Oco:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This bahay-kubo in Rancho Oco, a farm in Batangas, with all its modern conveniences is ideal for an airy getaway and relaxation.
PHOTO/S: YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results