Napakagandang treehouse sa puno ng acacia, naipatayo sa halagang PHP250K

by KC Cordero
Mar 23, 2022
The unique design of Gbong Suniga's treehouse.
Gumastos si Gbong Suniga Jr. ng PHP250K sa pagpapatayo ng kanyang treehouse. Napakaganda ng kabuuan nito na may modernong disenyo ng bahay kubo, may hanging garden, duyan sa labas, at may garahe pa.

Napakaganda at kakaiba ang itinayong treehouse ni Edgardo “Gbong” Suniga Jr., isang civil engineer, sa Ramos, Tarlac.

Nasa isang puno siya ng acacia.

Kuwento niya sa panayam ng Summit OG Channel sa YouTube noong March 18, 2022, “Building something around a living acacia tree is something difficult."

Gbong Suniga Jr. and his treehouse.

Kinailangan raw niyang pag-aralan kung paano maipapatayo ang bahay nang hindi mabubunot o matutumba ang puno.

“I'm a civil engineer, hindi ako magaling sa mga puno. I have to make research on how to protect them during construction.

“We made sure na hindi kami maghuhukay where the roots are para hindi masaktan yung puno.”

Treehouse under construction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang treehouse ay inspired ng disenyo ng isang hanging garden.

“Kung makikita ninyo, may mga vines tayo. Meron akong hammock bed, which serves as a resting area natin pag hapon.

"Meron din akong landscape dito sa baba, and also yung mga native lamps natin.

“May mga hanging plants tayo, may mga jars, para lang mag-complement doon sa overall design ng treehouse.”

Isang certified car enthusiast at Batman fanatic si GBong.

“It's always my dream na magkaroon ako ng parang batcave na bahay.

"Napapanood ko kasi sa Batman, e, lumalabas sa cave. This is like a man-made cave, yung garahe.”

Sa ibaba ng kanyang treehouse ay may carpark na tinawag niyang batcave.

“Meron tayong small landscape area rito, not just to beautify o pagandahin yung mismong treehouse natin, but also to conceal yung aking parking area.”

UNIQUE DESIGN

Pagbabahagi ni Gbong, pinag-aralan niyang mabuti ang disenyo ng kanyang treehouse.

“One thing that is very, very unique in this house is the combination of different concepts—architectural concepts.

“Basically, I put the three major concepts which I really like in making a house: the Bali-inspired kubo, the hanging garden design, and then the batcave design of the carport.

“Mixing those modern and makalumang style in one package is something unique.”

The concealed garage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula sa carport ang entrance patungo sa treehouse. Ang hagdan ay yari sa tile plank na wooden design. Steel naman ang railings at pininturahan para magmukhang kahoy.

Hinayaan naman niyang makarating sa canopy ang ibang halamang gumagapang.

The bedroom

Aniya, “Maliit lang talaga ito. It's a 25-square-meter house. Consists of one studio bedroom, one loft, one attic, one carport, outdoor dining area, bathroom with shower, and kitchenette.

The loft

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That loft serves as a room para sa mga bisita natin.

“Ang mga materials na ginamit ay made of porcelain tiles, PVC ceiling, steel, bamboo, rattan, trimmed with modern fabric.”

Para naman aniya mas in touch ang treehouse sa earth colors, gumamit siya ng gray, brown and cream colors.

Napapalibutan din ng terrace ang buong treehouse.

Outside of treehouse.

“Para may view ka ng perimeter all around ng lote. Mapapansin ninyo, same trim of materials, wood colors, vines.”

Pagtatapat ni Gbong, lumaki siya sa totoong bahay-kubo.

"The literal kubo with sawali and nipa talaga na bahay na butas-butas. Siguro that's one of the motivating factors for me to build houses, not just for me, but also for my clients.”

BONDING WITH HIS KID

Isa rin sa naging motivation ni Gbong sa pagtatayo ng kanyang treehouse ang kanyang baby boy.

“I'm a single dad. Gusto ko talaga na yung anak ko ay mapalapit sa akin. He loves playing around, running around.

“Palagay ko, the most memorable part is being with him doon sa hammock bed. Doon kasi ang favorite part niya, e."

The hammock and outside dining area

Paborito rin niyang tambayan ang hammock bed tuwing hapon.

"Kasi puwede ka diyang humiga. May bean bag. You can charge your phone there. Habang nagsa-sounds ka, puwede ka na diyan.”

Katabi ng hammock bed ang outdoor dining area na may rattan furniture.

“Napakapresko. When you lay down in net, mainit iyan pero something different. Yun ang gustung-gusto ko sa area.”

GUMAMIT NG OLD MATERIALS KAYA NAKATIPID

Isa pa sa nagustuhan ni Gbong sa kanyang treehouse ay hindi siya masyadong gumastos. Ang perang kanyang nailabas ay umabot lang ng PHP250,000, at kasama na roon ang labor.

“It's made of materials na ready-made, old materials sa aming bodega, and at the same time, nagpagsama-sama ko yung mga konsepto ng mga bahay na gusto ko. The tiles came from five different houses.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo niya sa mga gustong magpagawa ng tiny house, para makatipid ay gamitin kung may mga nakatagong lumang materials, at magplanong mabuti kung paano magtutugma-tugma ang mga iyon.

Aniya, lahat tayo ay may problema sa budget kaya kailangang magtipid. Kailangang kung ano ang meron, gamitin.

“It's just a matter of making them communicate with each other to look nice.

“I believe it's not the cost that makes the house nice. It's the proper planning. Make sure mo lang na those materials you already have will look good.

Para makita ang kabuuan ng treehouse ni Gbong, panoorin ang Summit OG video na ito:

Gbong Suniga Jr. spent only PHP250K to build this tiny house he settled on a tree. It's impressive to see the aesthetic — the bahay kubo design made modern, the hanging garden inspiration, the outdoor hammock bed, and the concealed garage below the house.
Video: Summit OG.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumastos si Gbong Suniga Jr. ng PHP250K sa pagpapatayo ng kanyang treehouse. Napakaganda ng kabuuan nito na may modernong disenyo ng bahay kubo, may hanging garden, duyan sa labas, at may garahe pa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results