Couple in their 30s builds farmhouse with pool; enjoys view of Sierra Madre and Mt. Arayat

by Bernie V. Franco
Mar 28, 2022
farmhouse
A tiny house in the middle of the farm with an outdoor pool and a view of the Mt. Arayat and Sierra Madre.
PHOTO/S: YouTube (OG)

Isang farmhouse ang itinayo ng mag-asawang Erick Salamat, 35, at Anna Monica Adapon, 32, sa San Miguel, Bulacan.

Dati silang overseas Filipino workers.

Inabot sa tinatayang PHP1 milyon ang pagpapatayo ng tiny house na ito na may two bedrooms at outdoor swimming pool.

Pagtapak sa porch, tanaw ang kahabaan ng Sierra Madre at Mount Arayat.

Nagdesisyon ang mag-asawa na itayo ang kanilang tiny house sa bukid nang makunan si Anna noong 2020.

Kuwento niya sa Summit OG, March 25, 2022, “Naghanap kami ng way para ma-divert ang attention naming pareho, kasi parang napaka-painful sa amin.

“May nakita kaming post na nag-build sila ng retirement home nila. ‘Tapos dun namin napag-usapan na puwede naman tayong gumawa ng ganito.”

tiny house

Continue reading below ↓

Itinayo ang bahay sa 500-square-meter lot na pagmamay-ari ni Erick sa San Miguel.

Sabi naman ni Erick: “Full concrete house na may design ng amacan to make it more like modern bahay-kubo.”

Ang buong bahay ay may sukat na 36 square meters.

Itinuro ni Ana sa view.“’Tapos dito yung magandang view na sinasabi din namin: ito yung Sierra Madre na area, ‘tapos dito sa left side, yung Mt. Arayat.”

Proud ang mag-asawa sa “relaxing view" ng kanilang modern bahay-kubo.

farmhouse

Continue reading below ↓

farmhouse

(Top photo: Farmhouse owner Anna gazing the Sierra Madre terrain just outside their house. Bottom photo: A view of Mt. Arayat just outside the the tiny house)

Inabot lamang daw ng tinatayang PHP20,000 ang foundation ng kanilang bahay, pero nagsunud-sunod din ang mga nais nilang idagdag.

Ani Anna, “Para sa aming mag-asawa marami kaming gustong ipaiba. Siyempre, papagawa ka na rin ng bahay, so iano mo na kung ano talaga yung gusto niyo.”

Continue reading below ↓

Ito ang dahilan kung bakit sa kabuuan ay umabot ng PHP1 milyon ang kanilang gastusin.

“Including na yung kubo doon ‘tsaka yung pool, kasi nga nag-add on kami. Yun na yung rough estimate nung total,” hayag ni Anna.

farmhouse

farmhouse

Continue reading below ↓

farmhouse

Dagdag pa ni Anna, nais nilang iparanas sa kanilang mga anak ang buhay probinsiya na nakagisnan nilang mag-asawa.

“Sila yung inspiration namin kung bakit namin inuna yung magpagawa ng vacation house kesa doon sa modern house sa city.

“Kasi gusto namin silang i-raise sa ganitong buhay. Simple lang, tahimik, malayo sa ingay, gulo.

Continue reading below ↓

“Gusto naming ma-experience nila ang province life kasi originally from province naman talaga kami.”

Narito ang kabuuang video ng farmhouse.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A tiny house in the middle of the farm with an outdoor pool and a view of the Mt. Arayat and Sierra Madre.
PHOTO/S: YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results