Watch Now

Pastor sa Davao Oriental, mahigit 100 bahay na ang naipamigay

by Mavell Macaranas-Dojillo
Dec 26, 2022
Pastor Ruben Colmo Jr. libreng bahay
“Mahirap talaga ang walang bahay. Parang mababa ang dignidad,” ang malaman na pahayag ni Pastor Ruben, na kilala sa Davao Oriental na namimigay ng libreng pabahay sa mga nangangailangan.
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)

Bahay ang regalong handog ni Pastor Ruben Colmo Jr. ng Mati City, Davao Oriental, sa pamilya ni Jennie Orias ngayong Pasko.

Isa ang Orias family sa tatlong pamilyang pinagpilian na makatanggap ng disenteng matutuluyan sa probinsiya.

Ang bahay nina Jennie ang pang-103 na libreng naibahagi ng pastor sa nagdaang dalawang taon, simula nang itatag ni Pastor Ruben ang PABAHAYanihan project noong pandemya.

Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong December 11, 2022, ikinuwento ni Pastor Ruben kung paano nila sinasala ang mga makakatanggap ng libreng bahay.

“We chose to give our last house sa pamilyang ito na nararapat na tulungan...

"Ang dami talagang lugmok ang buhay.

“Inii-screen ito, pinupuntahan agad namin, especially kung elderly, kase wala na iyang chance na magtrabaho.”

Kasama ni Jennie sa kanyang tagpi-tagpi at papagibang bahay ang kanyang ama’t inang may sakit, gayundin ang hipag na may epilepsy.

Pero hindi dapat malungkot ang dalawang hindi napili, ang balo na si nanay Regina Hombre at si Jennifer Carillo na nakatira sa tabi ng creek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako ang pastor na sila rin ay mabibiyayaan ng bagong bahay sa mga susunod na buwan.

THE NEW HOUSES

Simple lang ang bahay na gawa sa mga kahoy.

Paliwanag ng pastor: “Kahit na light materials iyan, angat pa rin sa kalagayan ng pamilya kumpara doon sa kanilang nabubulok na bahay.

libreng bahay davao oriental

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PABAHAYanihan: PABAHAY NA PRODUKTO NG BAYANIHAN

Brainchild ni Pastor Ruben ang proyekto, pero marami raw siyang katuwang sa pamamahagi ng libreng bahay.

May mga tumutulong makalikom ng materyales, tulad ng bubong, kahoy, at sawali, mula sa mga ambagan.

At naipapatayo ang mga ito sa pamamagitan ng bayanihan.

Iyan ang dahilan kaya’t tinawag niya ang proyekto na PABAHAYanihan.

Dagdag ng pastor sa KMJS, “Minsan may nagbe-birthday, sasabihin nila, ‘Hindi na kami magse-celebrate.

“Ilagay na lang namin diyan sa pabahay, sa isang pamilya.”

Isa hanggang tatlong araw binubuno ng mga volunteers ang paggawa ng haligi at mga dingding ng bahay.

Apat hanggang walong oras naman ang ginugugol sa pagbuo ng mga ito.

Kadalasan ay mga sundalo ng Philippine Army, mga pulis mula Davao Oriental, at iba pang volunteers ang kaniyang katuwang sa pagtatayo ng mga bahay.

Dahil sa kanilang pagbabayanihan, hindi lamang bahay ang kanilang nababago, kundi maging ang takbo ng buhay ng kanilang beneficiaries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PABAHAYanihan, NAGSIMULA NUNG PANDEMYA

“Mahirap talaga ang walang bahay. Parang mababa ang dignidad,” malaman na pahayag ni Pastor Ruben.

Ito’s dahil alam niya ang pakiramdam nang walang maayos na tirahan.

Kuwento niya, nagsimula ang kanilang ideya noong pandemya habang namimigay ng food packs at iba pang ayuda sa mga kapus-palad na kababayan.

“[Hanggang] may nakita akong isang bahay halos mag-collapse na. Nung ako ay mag-post, mayroong grupo ng mangingisda na nag-response, ‘Bumili kayo ng materials, kami ang gagawa.’

“Nakalikom kami ng pang-materials, nabuo ung bahay.”

Ang unang napagkalooban ng bahay ay ang mag-asawang Jose at Rosalina Antuan, na lubos ang pasasalamat dahil napalitan ang kanilang dating tirahan na walang bubong at maliit lamang.

Pastor Ruben Colmo Jr. libreng bahay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Pastor Ruben Colmo Jr. at ang larawan ng libreng bahay na ipinapagawa para sa isang beneficiary.

Ayon sa kanyang latest Facebook post, susubukan pa ni Pastor Ruben maghandog ng isang bagong bahay bago matapos ang 2022.

Ang beneficiary ay isang taong may kapansanan sa paningin na nag-iisa na sa buhay at nakatira sa nabubulok na bahay.

MESSENGER OF GOD’S GOODNESS

Bukod sa pagkakawang-gawa sa mga nangangailangan, hindi rin pinababayaan ni Pastor Ruben ang kanyang tungkulin sa pagpapalaganap ng kabutihan ng Diyos.

Katunayan, siya ang facilitator ng Moral Recovery Program ng Davao Oriental, kung saan pinanunumbalik ang mga dating rebelde at miyembro ng Communist-Terrorist group na New People’s Army sa Diyos at sa pamahalaan.

Nito lamang July 2022, sampu sa kanila ang sumailalim sa isang water baptism ceremony na pinangunahan ng pastor.

Sa isang interview na inilathala sa official website ng probinsiya, ipinahayag ni Pastor Ruben ang kahalagahan ng pag-rebuild ng spiritual aspect para sa kanilang complete restoration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Spiritual aspect is a significant factor for these former rebels since they were brainwashed against the government and God when they joined the Communist movement.”

Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga sakramento, mas magiging handa ang mga ito na bumalik sa komunidad at sa kani-kanilang mga pamilya.

“They are changed and have been transformed and can now become tools of transformation.”

Aktibo rin si Pastor Ruben sa mga proyektong naglalayon ng pagbabago para sa mga nalulong sa droga at sa mga nangangailangan ng espiritwal na patnubay upang umayos ang kanilang mga buhay.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Mahirap talaga ang walang bahay. Parang mababa ang dignidad,” ang malaman na pahayag ni Pastor Ruben, na kilala sa Davao Oriental na namimigay ng libreng pabahay sa mga nangangailangan.
PHOTO/S: YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results