Nilinaw ni Zsa Zsa Padilla na hindi commercial ang Casa Esperanza nila ni Architect Conrad Onglao.
“It’s not! People always think it’s a resort because it looks like a mini-resort,” pahayag ng Divine Diva nitong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa Casa Esperanza, Brgy. Piis, Lucban, Quezon.
“But it’s actually our home. Our second home. Kaya lang namin pina-Airbnb [Air Bed and Breakfast] para naman matulungan kami sa bills!”
Read: Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao build farmhouse in Quezon
Entrance of Casa Esperanza
Residential ang kategorya ng Casa Esperanza?
Tumango si Zsa Zsa, “Oo. Oo, it’s just a residence. And… we really live here a part of the time. May sedula rin kami dito.”
Challenge para kina Zsa Zsa at Conrad ang pangangalaga sa Casa Esperanza, lalo pa’t maulan sa Lucban.
Sa isang taon, sampung buwan na maulan sa nasabing bayan na nasa paanan ng Bundok Banahaw.
Lahad ni Zsa Zsa, “Grabe ang upkeep dito. Saka ako, pag nakaikot na ako kaninang umaga, di may makikita ako.
"Ang method lang namin, pi-picture-an mo, tapos ipapadala sa kanila, lilinisin nila.
"Maya’t maya yan. Ako, pag may nakita kunyari akong sampung bagay, si Conrad nakakita ng 50.”
Marami siyang natutunan sa pangangalaga sa Casa Esperanza na may tatlong casita (cottages), malaking swimming pool, dining area, at piano room.
“Yes, pero sobrang trained ang mata niya. Tapos… siyempre sasabihin ng client, ‘Ohh! The bathroom has spider web!’
“Siyempre, tanggalin mo ang agiw, maya-maya eto na naman si spider. Gumagawa na naman ng cobweb.”
Swimming pool by day. Salted ang water para maganda mag-tan.
LIFE WITH CONRAD
Kumusta naman ang pagkakaroon ng boyfriend na perfectionist?
“Okay naman, adjusted. Sabi ko lang, ‘Marami akong gamit.’ Tapos pag sinasabi niya, ‘Kailan ba matatapos yung mga damit?’ ‘Walang katapusan yan.’”
Ang dami nang ipinamigay na damit ni Zsa Zsa, pero tambak pa rin ang koleksiyon niya ng diva gowns.
“Akala mo naman, kasya. Pag hindi na kasya, ipinamimigay ko na rin. Ang dami kong ibinibigay kay K,” sabi ni Zsa Zsa na ang tinutukoy ay ang daughter niyang si Karylle.
“Palagi niyang pino-post, e, ‘Care of mama.’ Hi ba, pino-post niya yun? Sabi ko, ‘K, may isang box para sa ‘yo!’”
Andami ring libro ni Zsa Zsa, na ipinaglalagay niya sa Casa Esperanza. Bili pa rin siya nang bili ng books.
Casa Esperanza swimming pool by night
Gusto na palang ibenta ni Conrad ang current house nito sa Makati City, kung saan naninirahan sila.
Pagtatapat ni Zsa Zsa, “Si Conrad, matagal na niyang plano, nung empty nester na rin siya, e. Yung dalawang anak niya, wala na sa kanya.
“Ang laki na ng bahay for us. So he’s been trying to sell it but siyempre, at the price that he wanted. Kasi siyempre you can only sell it once.
“E, ang Makati pa naman, every month, tumataas ang value… Marami ang interesado pero hindi niya maano ang price na gusto niya.
“So pag yun, ang plano namin, magpapatayo siya ng ano na lang, parang duplex. Para may income kami. Sa Makati pa rin. Gusto niya talaga, sa Makati.”
Cottage 2 ng Casa Esperanza na tinutuluyan nina Zsa Zsa & Architect Conrad. Iyong Cottage or Casita 1 & 3 ang pina-Air BnB. Magkakapareho ng laki at disenyo ang tatlong casita.
MAINTAINING CASA ESPERANZA
Ayon kay Zsa Zsa, second home nila ni Conrad ang Casa Esperanza. Hindi ito resort.
Aniya, “Medyo malaki lang for a home. Siyempre kaya naman siya lumaki dahil medyo affordable naman siyempre yung lupa sa probinsiya, hindi ba?
“Pero kung ito, ilalagay mo sa Manila, my God! You’re a billionaire!”
Bakit sa Lucban, Quezon, nila ipinatayo ang kanilang second home?
“Actually, nagkaroon kami ng interes na bumili dito nung namatay yung sister-in-law niya [Conrad],” kuwento ni Zsa Zsa.
“Asawa ng kapatid niya. Kasi, Nantes yun, talagang taga-Sampaloc sila. E, malapit dito.
“So, sabi ko nung wake, ‘Maganda pala dito, may fog, malamig,’ ganyan. So sabi niya, ‘Gusto mo, tumingin tayo ng lupa?’
"Sabi ko, ‘Sige. Baka maganda, ma-develop natin,’ ganyan.
“So, dun lang nag-start yung idea hanggang pinakitaan kami ng mga lupa. I don’t remember kung ano ang una naming nabili.
"I think yung farm, which is five minutes away from here. So yun, lumaki din kasi siyempre nabili namin yung katabi.
"Gusto pa niyang i-expand. Sabi ko, ‘Oops, tama na!’ Ako yung tagapigil. ‘Tama na! Tama na!
"Kasi, hindi pa natin ito nade-develop.’ Ang farm kasi, matagal i-develop. Ten years para talagang kikita para sa iyo.”
Read: Zsa Zsa Padilla, pinaplano na ang retirement with partner Conrad Onglao
A close look at the bathroom inside the cottage
Anong meron sa Esperanza Farm, ang bukid nina Zsa Zsa at Architect Conrad?
“Ngayon, so far wala pa kaming mga tanim kasi dapat toka ko yun. Ako nga yung nag-seminar ng farming, ganyan.
"Gusto ko sana, yung mga all-natural. Ang problema, sobrang mahal.
“And I started my own personal project so dun ko muna nilagay yung pera ko.
"Prinioritize ko lang yun. And now, ayun, basta mababalitaan niyo na yung mga next moves namin sa farm.
“Pero itong Casa Esperanza, nung natapos, naisip naming bigla na, ‘Teka! Napalaki yata. Paano natin ito ime-maintain?’
“Siyempre we have our bills, and people to pay. Like, nung bumagyo, galing ako sa farm namin, sabi ko, bakit sobra yung…? Kasi, normally malinis, e.
“Nawawalis na yun but hindi talaga kinaya. Dito mas marami sila, natutulungan nila yung dalawang gardeners namin.
"Pag ganun, kumukuha pa kami ng extra hand, ng extra workers.”
Anong nangyari sa farm nung bumagyo?
“Andaming kalat na mga dahun-dahon, ganyan. Saka yung ngayon, yung mga bahay kubo… we have five bahay kubos there, ha.
“Kasi ang plano din namin dun, ipa-rent for backpackers. Kaya lang, hindi pa kami ready.
"And ang nangyayari, ang hirap nung upkeep kasi yung bamboo, mabilis din siyang masira.”
Lalo na nga kung matagal na walang nakatira, nasisira ang bahay.
Mabilis na pag-ayon ni Zsa Zsa, “Yes! So by the time na matatapos na pati yung mga nipa… kasi, isang kubo na lang ang gagawin."
Kuwento pa niya, "At saka bumili pala si Conrad ng baboy na hindi ko pa nakita.
"Meron kaming mga baboy. May isang kabayo kami. Meron kaming dalawang kalabaw. Marami kaming chicken. Meron kaming goat. Ayun, para cute.
“And, by the way, wala kaming kinakain dun. Ang kinakain lang namin, yung fish.
"Meron kaming palaisdaan. Iyong isang binili naming lupa, nilagyan namin ng tubig pare meron kaming patubigan. Mahirap pag wala, e. Lahat yun, iisipin mo talaga.”
(L-R) Lito Mañago, Rohn Romulo, Maria Teresita Santos, Allan Diones, Zsa Zsa Padilla, and Jerry Olea at the kitchen-dining area of Casa Esperanza
Aminado rin si Zsa Zsa na mahirap ang maintenance, “Yes, maintenance means a lot of people to work for you. So, ganun talaga.
“And si Conrad, talagang hands on siya, e. Dito sa Casa Esperanza, tumutulong ako.
"Dun sa farm, mag-i-inspect din lang ako. Pero most of the work, kanya talaga. And he does that on his free time pag weekends. Kaya pagod na pagod din siya!
“Kasi ang weekend niya na dapat siyang magpahinga, dun siya nag-i-inspect.”
Sa tantiya ni Zsa Zsa, mga limang taon pa bago maging fully functional ang Esperanza Farm.
Read: Zsa Zsa Padilla sets Lucban farm as her place for retreat