Sikat ang hanay ng ancestral houses sa siyudad ng Malolos sa probinsiya ng Bulacan, at ang isa sa mga ito ay pag-aari ng lolo ni seasoned comedian/actor/TV host Joey de Leon.
Ang Don Ramon Gonzales De Leon Ancestral House ang pangunahing tampok sa kahabaan ng Cigarillera Street sa barrio ng Sto. Niño.
Itinayo ito noong 1923, at hanggang ngayon ay larawan pa rin ito ng karangyaan at kasaganahan.
Si Don Ramon Gonzales De Leon ang kauna-unahang punong-bayan ng Malolos sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano, mula 1903 hanggang 1905.
Hindi man nanirahan si Joey sa bahay na ito, itinuturing itong legacy na hatid ng kanyang last name.
Ang exterior ng Don Ramon Gonzales De Leon Ancestral House sa Bulacan.
Ayon sa post ni Facebook user Jay Patao sa page ng Memories of Old Manila, “Joey de Leon [of Eat Bulaga!] would even like it that people will be able to appreciate the house and tangible memories of the past.”
Ang ina ni Joey na si Emma Manahan Ramos ay ikinasal noon kay Jose Esteban Seoane De Leon, anak ni Don Ramon.
Ngunit maagang naghiwalay ang dalawa kaya’t sa Sampaloc, Manila, lumaki si Joey kapiling ng kanyang ina.
Sa kasalukuyan ay pagmamay-ari ng third generation ng mga De Leon ang ancestral house. Siya ay apo ni Don Ramon.
Bagamat wala nang permanenteng naninirahan dito kundi ang pamilya ng caretaker nito, masusi itong pinangangalagaan sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Katunayan, isa ito sa mga hilera ng heritage houses na patuloy sinusubaybayan ng NHCP na siyang dahilan upang ideklara ang ilang kalsada sa distrito bilang Malolos Historic Town Center.
A BEAUTIFUL HOUSE BY THE RIVERBANKS
Kailan lamang ay na-feature ang bahay ni Don Ramon sa YouTube channel ng SCENARIO by kaYouTubero na karaniwang nagpapakita ng mga lumang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng documentaries.
Ang documentary tampok ang ancestral home ni Don Ramon ay mayroon nang 1.6M views, 12,000 thumbs up reactions, at 776 comments, at press time.
Ang ancestral house ay matatagpuan malapit sa kabayanan, ilang minuto lamang mula sa Malolos Cathedral at sa dating opisina ng pamahalaang bayan.
Nasa gilid ito ng Ilog Tampoy at base sa historical marker ng bahay, ang lugar na kinatatayuan nito ay ang pook na sinilangan ni Don Ramon.
Nakasaad din sa marker na si Don Ramon ay abogado, pangulo ng Balangay Apuy, kapitan ng Revolucion, Juez De Paz (Justice of Peace), piskal at presidente ng Municipal ng Malolos.
Read: Introducing typhoon-proof Cuboid house worth PHP1.8 million
Bukod sa buong ningning na istruktura na well-maintained at simbolo ng masaganang pamumuhay ng pamilya De Leon, tampok sa ancestral house ang isang malawak na hardin na may sariling balon ng tubig.
Sa loob ng bahay ay makikita ang iba’t ibang larawan at diploma ng mga dating nanirahan dito.
Isa sa mga mag-anak ng De Leon ay mayroong larawan kasama ni Emilio Aguinaldo na mahihinuhang kinuhanan noong panahon ng First Republic.
Read: Tiny house sa Cainta worth PHP650K, bulletproof at zombie-proof!
Matatagpuan din sa loob ng bahay ang ilang kagamitan, tulad ng lumang television set, refrigerator na may tatak na Frigidaire, at mga kasangkapang karaniwan ay gawa sa kahoy.
Kumpleto rin ang display nito ng mga dinnerware sets na nakaimbak sa mga cabinet na may glass door.
Maayos na maayos pa rin ang palikuran ng bahay at maging ang mga kuwarto nito na pinag-uugnay ng mga connecting doors.
Read: Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days
(Top photo) Isang vintage television. (Bottom) Well-preserved ang kusina ng old house
Highlight ng bahay ang balkonahe na nakaharap sa ilog.
Noong mga panahong iyon, simbolo na mayaman ang pamilyang nakatira sa isang bahay na malapit sa ilog, taliwas sa panahon natin ngayon kung saan ang mga pinakamahihirap na pamilya ang matatagpuan sa riverbanks, lalo na sa Metro Manila.
SAVORING PHILIPPINE HERITAGE THROUGH ANCESTRAL HOMES
Malaki ang pagtatangi ng ating kultura sa mga lumang bahay o mga ancestral homes.
Katunayan, tampok ang mga katulad nito sa isang pasyalan sa Bagac, Bataan, ang Las Casas Filipinas De Acuzar, isang heritage hotel-beach resort kung saan matatagpuan ang ilang Spanish colonial-era mansions mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na ni-rebuild at ginagamit bilang accommodation ng mga turista.
Pero hindi mo na kailangan dumayo pa ng Bataan upang makapunta sa mga magagandang heritage houses.
Maraming lugar sa Pilipinas ang makikitaan ng hile-hilerang ancestral homes na pagmamay-ari ng mga kilalang pamilya sa bansa.
Pangunahing layunin ng NHCP na i-promote at i-preserve ang Philippine history at cultural heritage.
Kaya’t nililibot nito ang lahat ng sulok ng bansa upang tayuan ng historical markers ang mga lumang istruktura na nagpapakita ng kagandahan ng kulturang Pilipino.
Ang layon nito ay mai-preserve sila para sa mga susunod pang henerasyon.
Ang Malolos City lamang ay mayroong mahigit tatlumpung (30) heritage houses at historical sites.
Kabilang dito ang mansion ni Don Ramon, gayundin ang Casa Real Shrine na itinatag noong 1580 at tumayo bilang tirahan at tanggapan ng Gobernadorcillo ng Malolos, ang Malolos Cathedral na itinayo din noong 1580, at ang pamosong Barasoain Church (Our Lady of Mount Carmel Parish Church) na itinayo noong 1885 at nagkaroon ng mahalagang papel sa First Philippine Republic na pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo.