Ancestral house ni Leo Martinez sa Batangas, itinayo pa noong 1860s

Si Leo ay mula sa fifth generation ng kilalang angkan ng Lainez at Martinez.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Jul 8, 2023
old house and leo martinez picture
Salamin ng nakaraan ang ancestral home ng batikang aktor at direktor na si Leo Martinez (insert) sa Batangas. Ang lumang bahay ay higit 160 years old na at itinayo pa noong 1860. May makulay na kuwento ang pamilya ni Leo, na kabilang sa 5th generation ng kanilang pamilya.
PHOTO/S: YouTube (SCENARIO by KaYouTubero)

Ang pamilya ng veteran actor/comedian/director Leo Martinez ang may-ari ng engrandeng ancestral house sa Antorcha Street sa bayan ng Balayan, Batangas, na itinayo noon pang 1860s.

Ang mahigit 160 years old na heritage house ay orihinal na pag-aari ni Don Estanislao Lainez, ama ni Don Mariano Ascue Lainez, naging mayor ng Balayan noong 1880s.

Si Direk Leo Martinez ay kabilang sa ikalimang henerasyon.

Read: 100-year-old house of Joey de Leon’s grandfather in Bulacan preserved as cultural heritage

Si Don Mariano ay ama ni Asuncion Lainez na kalaunan ay ikinasal kay Don Leon Ascue Martinez. Sila ang lola (Asuncion) at lolo (Don Leon) ni Leo.

Ang kanya namang ama ay si Dr. Antero Martinez na base sa paskil sa isang parte ng bahay ay Eye, Ear, Nose & Throat (EENT) doctor, at nagbubukas ng clinic sa Balayan tuwing Linggo. Sa Maynila ito nagseserbisyo mula Lunes hanggang Sabado.

Read: Introducing typhoon-proof Cuboid house worth PHP1.8 million

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

old house

signage

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang signage sa may entrance ng ancestral house ni Leo. Si Antero Martinez ang ama ni Leo na isang EENT doctor.

Noong 1935 ay pinalagyan ng extension ang mansion ng mga Martinez bilang paghahanda sa pagdiriwang ng 25th wedding anniversary nina Lola Asuncion at Don Leon noong 1939.

Ang paskil sa garahe na “1935” ang kadalasang nagbibigay ng kalituhan sa ilan na nag-aakalang 1935 lamang itinayo ang bahay.

Nilinaw ni Leo at pamilya nito na 1860s pa naitatag ang bahay, kasabay ng ilan pang heritage houses, tulad ng Casa de Cacao Filipina o Mariano Martinez House, sa lugar.

Ang huling nabanggit na heritage house ay matatagpuan sa harap ng Balayan Presidencia, ang dating seat of municipal government ng bayan.

Ang ancestral house nina Leo ay naitampok sa Scenario by kaYouTubero.

Sinabi ng vlogger na nakuha niya ang permiso ni Leo na i-feature ang ancestral house, pero hindi na ito humarap sa camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tiny house na European-inspired sa Bulacan, katas ng travel refunds

staircase

Pagpasok sa pinto, isang mataas na staircase ang bubungad paakyat sa bahay

RESTORING THE LEGACY

Ayon sa mga caretakers na naninirahan sa mansion, kasalukuyan itong pinagaganda at kinukumpuni upang ma-preserve ang legacy nito.

Masasalamin na sa ilang bahagi ng bahay ang edad nito, gayundin ang maraming panahon at mga sakunang pinagdaanan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unti-unti itong nire-renovate at dinadagdagan ng mga gamit upang lalong mapaganda.

Maluwag ang labas at loob ng bahay. Highlight nito ang magarang staircase, maluwag na sala, at ilang antigong gamit.

Matatagpuan din sa iba’t ibang parte ng bahay ang mga naka-kuwadrong larawan, kung saan makikita ang mga magulang ni Leo.

Read: Tricycle na dating rolling store, naging mini mobile house

old house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang caretaker (in orange) ang siyang nangangalaga sa ancestral house ni Leo. Sa video ay tinukoy rin ang kuwarto ng batikang aktor.

old house

Makikita ang kalumaan ng bahay na higit 160 taon na mula nang itayo.

BALAYAN: A WORTHY HERITAGE STOP

Sa bayan ng Balayan matatagpuan ang isa sa mga pinakalumang settlements, hindi lamang sa probinsiya kundi maging sa buong Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa mga pag-aaral, kinikilala na itong Balayan simula pa noong 1394 at minsa’y hinirang bilang kabisera ng probinsiya mula 1597 hanggang 1732.

Kaya’t hindi nakakagulat ang hilera ng magagarang ancestral houses at heritage buildings sa mga kalsada nito.

Nariyan ang Balayan Church o Immaculate Concepcion Parish Church na itinatag noong 1591 at ni-rebuild, gamit ang naggagandahang coral stones at bricks, mula 1748 hanggang 1752. Naideklara itong National Cultural Treasure noong 2001.

old cabinet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas ang pagiging antigo ng mga gamit sa ancestral house ni Leo Martinez.

old picture

Isang lumang larawan sa ancestral house na posibleng ninuno ni Leo. Hindi rin kilala ng caretaker ang mga nasa larawan.

old windows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang work table ng ama ni Leo (forefront) at ang mga bintanang gawa sa capiz.

Bukod sa ancestral house nina Leo ay nakakalula rin ang iba pang marangyang mansion sa lugar, tulad ng Pedro Martinez House, Dr. Vicencio Ramos House, at Don Sixto Lopez House.

Bakas sa capiz shell windows at wrought ironwork ng mga bahay na ito ang karangyaan kaya’t hindi sila nabibigong makapukaw ng atensiyon mula sa local at foreign tourists.

Bukod sa magagarang ancestral houses, hitik din ang Balayan sa mga ipinagmamalaking produkto, tulad ng Bagoong Balayan at natural crops tulad ng mais, niyog, at tubo.

Sentro din ng masasayang piyesta ang bayan, na may taunang Parada ng Lechon na ipinagdiriwang tuwing June 24, kasabay ng kapistahan ni San Juan. Nagsimula ito noon pang 1959 at patuloy nagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan, maging sa mga dumarayong turista.

Bukod sa parada ng lechon ay inaabangan din ang iba pang aktibidad, tulad ng fireworks show, magic and acrobatic show, sports tournaments, concerts, sing and dance contests, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nariyan din ang Kallebasa Festival, na nagtatampok sa kalamay, lechon, bagoong, at salakot, at ipinagdiriwang tuwing December 8, kasabay ng Kapistahan ng Immaculada Concepcion.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Salamin ng nakaraan ang ancestral home ng batikang aktor at direktor na si Leo Martinez (insert) sa Batangas. Ang lumang bahay ay higit 160 years old na at itinayo pa noong 1860. May makulay na kuwento ang pamilya ni Leo, na kabilang sa 5th generation ng kanilang pamilya.
PHOTO/S: YouTube (SCENARIO by KaYouTubero)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results