Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

Most Instagrammed house in Wales
by KC Cordero
Sep 3, 2023
Influencers in fron of pink house
Sa dami ng laging nakatambay sa harapan ng pretty-in-pink house ni Eleri Morgan, siya pa ang nahihiya na sawayin o bulabugin ang mga ito. “I'm like an awkward Welsh person having to say, 'I'm so sorry to have to go into my own house!’"

Noong kasagsagan ng pandemya, nagdesisyon si Eleri Morgan, 32, ng Cardiff, Wales, na gawing makulay ang kanyang mundo.

Pinintahan niya ang harapan ng kanyang bahay ng matingkad na kulay pink.

Hindi niya inakala na bagaman at naging colorful ang bahaging iyon ng kanilang kalye, naakit din nito ang mga estranghero—at maging mga social-media influencers.

Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know

The pink house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago niya ito pinintahan ng pink, ordinaryo lang ang finish nito na roughcast.

Nabili niya ito noong 2018, at marami siyang plano para pagandahin ang loob at labas nito.

Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena

NAGING MAGNET SA INFLUENCERS

Ayon kay Eleri, ang choice of color niya ay walang bahid ng feminism.

“I just really like pink.”

Pagbabahagi pa niya, ayon sa nagbenta sa bahay ay hindi pa ito nadekorasyon o napintahan man lang simula nang itayo noong 1960s.

Nang matapos niya ang pagpipintura, nagustuhan iyon ng kanyang mga kapitbahay at mga kaibigan.

Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”

The pink house

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Pero mula nang maging pretty in pink ang kanyang bahay, napansin niyang laging may mga tao sa harapan nito at nagpi-picture taking.

Hindi iyon naging isyu sa kanya. Naisip lang ni Eleri na bumili ng kurtina para sa kanyang bintana para mayroon siyang privacy.

Nagulat na lang umano siya nang makatanggap ng messages mula sa kanyang mga kaibigan na nagsasabing: “Why is there a picture of your house on social media?”

At nang unti-unting tanggalin na ang lockdown restrictions, lalong dumami ang nagpi-picture taking sa harapan ng kanyang bahay.

May iba pang nagpo-post sa social media na sa picture ay may hawak na susi sa may pintuan at kunwari ay bubuksan iyon para pumasok sa loob na para bang sila ang owner ng bahay.

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

HINDI SIYA WORRIED, NATATAWA PA

Noon na-realize ni Eleri na ang kanyang pink house ay unti-unting nagiging biktima ng Instragram influencers na laging naghahanap ng something distinctive para kunan ng larawan at i-post sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang pink na kulay ng kanyang bahay ang perfect and pretty background sa isang influencer para mag-stand out sa crowd.

Pero dahil si Eleri ay isang professional comedian at joke writer, mas tiningnan niya ang funny side ng sitwasyon.

Ang harapan ng kanyang pink house ay naging tambayan ng mga social media influencers.

Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years

Photo of Eleri Morgan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: PWD's traumatic experience with TNVS driver

Para sa kanya ay harmless ang picture taking.

Aniya, "I remember the first time it happened. I cackled because I saw them, and they saw that and looked so embarrassed.”

Kaya ngayon, kapag dumarating siya, at may mga tao sa harap ng kanyang bahay, hindi muna siya bumababa sa kotse at hinihintay matapos ang mga ito.

"I try not to walk towards my house until I know they haven't noticed me because if it was the other way around, I think I'd die of embarrassment.

“And I don't want to embarrass them, so I just wait until they've finished off and they are around the corner and then I scurry in—and then I close the curtains.”

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Ani Eleri, sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil ayaw niyang pigilan ang mga tao sa munting kaligayahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro pa niya, “I'm like an awkward Welsh person having to say, 'I'm so sorry to have to go into my own house!’"

Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers

PINK HOUSE GINAMIT SA SITCOM

Isang kaibigan ni Eleri na may pagka-drama queen ang nagbigay ng payo sa kanya.

"She was telling me I should yell at them because they were on my property.

"But she lives in Amsterdam where the tulip fields are, and there, the influencers actually go in and rip tulips up or lie down amongst them to get a better shot.

"With me, it's so harmless. It's mainly young girls taking photos and who really like my pink house, so it's flattering I guess."

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts

Photo of an influencer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Mukhang nakabuti naman para kay Eleri ang pagpapasikat ng mga influencers sa kanyang pink house.

Sa ngayon, isa na ito sa most Instagrammed house sa Wales.

Ito rin ang ginamit na bahay ng gay couple sa sitcom na Jam ng S4C.

Ang kinita ng bahay sa sitcom ang gagamitin ni Eleri sa gagawin niyang internal make-over dito.

Umaasa siya na dahil sa tagumpay ng kanyang pink house, mae-encourage ang kanyang mga kapitbahay na gawin ding colorful ang tahanan ng mga ito.

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa dami ng laging nakatambay sa harapan ng pretty-in-pink house ni Eleri Morgan, siya pa ang nahihiya na sawayin o bulabugin ang mga ito. “I'm like an awkward Welsh person having to say, 'I'm so sorry to have to go into my own house!’"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results