Sunshine Cruz on buying a new house: “Nag-upgrade ako because of my kids too.”

Sunshine Cruz harbors no ill feelings towards other people.
by Arniel C. Serato
3 days ago
Sunshine Cruz new house
Sunshine Cruz on working almost non-stop: "It’s a way also para makaipon ako at makapagpatayo ng bahay at mabigyan ko kahit papaano ng kumportableng buhay yung mga anak ko.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Sunshine Cruz on Facebook

Isa sa ipinagmamalaking naipundar ng single mom na si Sunshine Cruz sa pagpasok ng taong 2023 ay ang kanyang bagong bahay.

Sunshine Cruz new house

Base sa ilang mga larawang ibinahagi ni Sunshine sa kanyang social media accounts, mas malaki ito sa bahay niya sa may Parañaque rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunshine Cruz house

Read: Sunshine Cruz: Queen of her house...and of her life!

Katas daw ito ng walang kapaguran niyang pagtatrabaho.

Paliwanag ni Sunshine kung bakit nag-upgrade siya ng bahay, “Nag-upgrade ako because of my kids too. Kasi yung carpark sa old house, isa lang.

Sunshine Cruz old house

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung isang anak ko nag-aaral, may student’s license na, nag-aaral na magmaneho.

"Yung isa din mag-aaral na kasi magtu-twenty na rin. So, kailangan namin ng more space na maka-parking ng sasakyan, at least two or three. Kasi kawawa yung kotse, nasa labas lang.”

May tatlong dalagang anak si Sunshine sa dating mister na si Cesar Montano — sina Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.

Sunshine Cruz's daughters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Sunshine, “Yung isang sasakyan namin, nababangga ng mga garbage truck, ng mga lasing sa kalsada.

“So, yun yung ano ko, for safety, and at the same time parang mas ano lang, mas may security ba.”

Kasalukuyan pa ring naglilipat sina Sunshine ng mga gamit sa bagong bahay nila, pero hindi pa raw tapos.

Kailangan daw kasi nilang piliin ang mga kailangang iwan sa lumang bahay dahil ibebenta rin niya ito.

Anong pakiramdam na natatamasa na niya ang bunga ng kanyang pinaghihirapan?

Sagot ni Sunshine, “Masarap na mahirap. Pero siyempre, something new, something different. Pati yung mga dogs ko excited, bagong environment.

“Masarap yung feelings na kahit papano, yung pagtatrabaho natin nasusuklian.”

Malaki raw ang pasasalamat niya sa lahat ng nagtitiwala sa kanya at nagbigay ng oportunidad upang siya ay makapagtrabaho.

Aniya, “Nakakatuwa and siyempre grateful kasi, sabi ko nga, napakabihira sa kaedaran ko na dire-diretso ang trabaho since 2013, dire-diretso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mawawalan man ako ng project, wala pang three months, dire-diretso talaga. It’s a way also para makaipon ako at makapagpatayo ng bahay at mabigyan ko kahit papaano ng kumportableng buhay yung mga anak ko.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa birthday party ng asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez, sa Top of the Alpha Events Place, Makati City, kamakailan.

NO HARD FEELINGS

Isa raw sa naging susi sa tagumpay ni Sunshine ay ang hindi niya pagtatanim ng sama ng loob sa mga taong nakasakit sa kanya.

Pero nakaramdam man daw siya ng galit ay kaagad naman din itong naghilom.

Dagdag niya, “Siyempre, nagagalit din tayo. Sumasama din ang loob natin pero hindi kailangan patagalin kasi, at the end of the day, ikaw din ang magsa-suffer, e, kapag may tinik ka sa dibdib.

“I don’t know. For me kasi, parang kumbaga, ang sugat nga gumagaling, so yung sama ng loob mo, eventually mapapalitan ng pagiging grateful yan at pagiging thankful sa mga opportunities o sa mga dumadating sa yo na biyaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang naman pera, hindi lang trabaho, but most especially, you are healthy, your mom is healthy, your children are healthy, yun yung sa akin, e.

“Na bakit kailangang mag-focus ka sa galit, bitterness, kalungkutan, when mas maraming maganda kung mag-focus sa magagandang nangyari sa buhay.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on working almost non-stop: "It’s a way also para makaipon ako at makapagpatayo ng bahay at mabigyan ko kahit papaano ng kumportableng buhay yung mga anak ko.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Sunshine Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results