Sancho delas Alas reveals regret after his father's death in August 2015

While Sancho delas Alas never lost touch with his dad before the latter's death in August 2015, the son of Ai-Ai delas Alas regrets not being able to spend enough time with him.


Sancho delas Alas cried when the name of his dad Rey Maltezo dela Cruz was brought up.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) was able to interview the son of Ai-Ai delas Alas at the taping of Wish I May, in Quezon Memorial Circle, on February 15.

His dad passed away in August 2015. He was about 70 years old.

“Actually mahirap for me kasi hindi naman sa naghanap ako ng kalinga ng dad.

"Kumbaga nagampanan naman ni Mama iyon nang maayos, na mom and dad figure parehas, okay nagawa ni Mama.

“Kaso parang…well, nakilala ko yung dad ko, nakilala ko rin yung mga kapatid ko, close ako sa mga kapatid ko sa kanya, bunso ako sa kanila, e."

Sancho, 24, has two half-brothers and two half-sisters, and has a pretty-good relationship with them.

“Opo, super. As in bale yung time na yun po kasi namin ni Papa, after nine years ba, after nine years po ata kami nagkita 'tapos after that, nawalan kami ng communication.

“'Tapos the next na nagkita po kami was fourteen ako.

“Pero that time ang… nung fourteen ako, hinanap na po ako ng mga kapatid ko. Sila po yung naghanap sa akin.

"'Tapos hanggang sa nagkasama-sama na po kami together.”

Was he able to talk to his dad about their set-up? Sancho grew up with his mom.

“Ang explanation lang niya palagi, ‘Sorry dahil walang work si Papa, pasensiya na.' Parang palaging ganun.

"'Tapos nung bago siya… actually hindi kami masyadong okay ni Papa nung bagu-bago pa siya mamatay.”

At this point, Sancho began crying.

“Kasi ang weird ng relationship namin, e.

“Days, months, weeks, kasi po parang magka-text lang po kami, e.

“Nagpabili po siya ng wheelchair. Iyon yung wheelchair po binili ko kasi sabi niya, hindi na raw po kasi siya nakakalakad, kumbaga nagde-deteriorate na daw po yung tuhod niya nung mga time na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So binigay ko po yung wheelchair sa kanya 'tapos kumbaga nung time na binigay ko yun, sabi ko, ‘Pa, mag-diet ka!’ kasi nauubos na yung tuhod niya, e.”

Before he became busy with his TV projects, he had the time to visit his dad.

“Naasikaso ko siya kahit papaano 'tapos nagte-text po siya once in a while 'tapos tumatawag-tawag na, ‘Anak, kumusta? Dalawin mo naman si Papa.’

“Tapos lagi niyang sinasabi na parang, huwag ko na daw masyadong alalahanin and pagpasensiyahan ko na siya na lagi niya akong kinukulit kasi feeling daw niya, malapit na siyang kunin ni Lord.

“Sabi ko, ‘Pa, huwag kang magsalita ng ganyan!’

“Sabi ko sa kanya, ‘Huwag mong sabihin na ganun.'

“Sabi ko, ‘Try nating gawan ng paraan.’

“E, nagpa-check up daw po siya na sabi ng doktor, kailangan operahan na hindi naman hundred percent guarantee. E, wala din naman po akong pera na maiaabot.

"Kumbaga pangkain lang po every day, iyon ang naiaabot ko sa kanya kumbaga, 'tapos pa-check-up-check-up.

“'Tapos, wala, parang umasa siya sa faith healer. Na sabi ko, ‘Sige, Pa, ako din, ta-try ko, kasi I think si Mama may kakilala din na faith healer. Dalhin kita dun, if ever.’

“'Tapos e yun nga po, nag-i-start din po akong mag-work, so may mga times na nagte-text siya na [sasabihin ko], ‘Pa, puntahan kita,’ pero sa work, sa buong araw akong nagtatrabaho, hindi ko na po siya napupuntahan."

The night before his dad died, "Magkausap pa po kami na, ‘O Pa.’ ‘O anak, okay lang ako, ha?’"

That was his last conversation with him.

Sancho was not able to see his dad, and, looking back, was not able to really get to know him.

“Lungkot po 'tsaka panghihinayang kasi sana man lang po, nakilala ko yung tatay ko.

"Kasi kaya naman din po ako nag-showbiz kasi iyon nga po, parehas magulang ko, umaarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mama, artista, and my dad, my biological father, was a famous theater actor nung araw po.

“So kumbaga parang feeling ko, parang kailangan kong, parang may kailangan akong tapusin for them.

"Kasi si Mama po, nag-culinary noon na hindi niya natapos. Na ako po nagtuloy, naka-graduate po ako.

“And si Papa is a theater actor na pinangarap niya pong mag-television kaso parang feeling ko hindi po siya nakatawid sa TV kaya parang feeling ko, calling ko rin po na gusto ko rin pong i-try, baka mamaya ako pala yung magtutuloy ng kung anong nasimulan ni Papa naman, sa side niya.”

His other regret: he was not able to see his dad perform on stage.

“Opo, kumbaga nalulungkot po ako kasi puro kuwento yung naririnig ko na, ‘Magaling yung tatay mo na aktor.’

“Parang sana napanood ko man lang siya kahit isang beses.

“Kumbaga para man lang naintindihan ko or kumbaga nasaksihan ko na, ‘A, oo nga ‘no! Magaling pala talaga yung daddy ko!’"

Moving on, he has one goal in mind now that he is already in showbiz.

“Sana po, mabigyan ko ng ano, gusto ko pong makakuha ng isang solid na award na io-offer ko para sa kanya, at tsaka para rin po kay Mama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN