Masyado ka na bang judgmental tulad ng nanay na ito?

Hmmm, baka nagawa mo na ito, mars.
Sep 12, 2019
CREATED WITH Breeze

Let's be honest, minsan, hindi natin maiwasang i-judge ang mga tao—including kids—base sa pananamit nila. Mas lalo na 'pag nakita nating puro mantsa ang damit nila.

Ang isang bata, halimbawa, kapag marumi siyang tingnan, hindi natin maiwasang isipin na pinapabayaan ito ng mga magulang.

Ika nga, “Cleanliness is next to godliness."

At nagiging sukatan ito sa klase ng pagpapalaki ng magulang sa anak.

Pero paano kung sa iyo ito mangyari?

Bahagi ng social experiment na “The Good Test” ng Breeze ang mag-set up ng hidden cameras upang makita ang reaksiyon ng isang mommy nang ipatawag siya sa principal's office dahil sa kanyang anak. Nakita ng nanay ang madungis na hitsura ng kanyang anak.

Sa video na ito, may dalawang teacher na kasabwat na nagbigay rin ng negatibong komento tungkol sa bata: “Yung marumi?” at “Malikot ba yan?"

Tungkol naman sa reaksiyon ng mommy, siya ay nagulat, nag-worry, at nahiya—lalo na nang marinig niya ang mga komentong ito. Inisip niya na maaring naglikot nga ang kanyang anak o hindi sumunod sa teacher kaya naging ganoon ang hitsura nito.

Ngunit nag-iba ang pananaw ng mommy nang malamang namantsahan pala ng pintura ang uniform ng kanyang anak dahil tumulong ito sa kanyang teacher na maglinis ng classroom.

Na-realize ng mommy na it feels good when you see your children practicing in real life the values you taught them.

Ayaw ng kahit sinong magulang na nahuhusgahan ang kanilang mga anak. Ngunit, minsan, ang mga magulang mismo ang nangungunang manghusga sa mga bata.

Narito ang ilang bagay na maaring gawin upang maiwasan ang ganitong klaseng behavior bilang isang magulang:

1. SEE THE GOOD IN YOUR CHILD.

One way to avoid judging your own children is to look at the positive side of things.

Mag-focus sa kanilang strengths. Maniwala na gagamitin ng mga bata ang values na itinuro mo sa kanila, and they will make good decisions.

2. PRACTICE EXTRAORDINARY PATIENCE.

Showing great patience is one way of telling your kids that you care. Imbes na magalit agad ay mas mabuting palawakin muna ang pang-unawa sa iyong mga anak.

In an article for Psychology Today, Dr. Judith Orloff, a psychiatrist, describes being patient as “an emotionally freeing practice of waiting, watching, and knowing when to act.”

Ang pagiging patient at understanding ay mga bagay na maari ring matutunan ng mga anak mula sa kanilang mga magulang habang sila ay bata pa.

3. MANAGE YOUR EMOTIONS.

Mas mabuting ipagpaliban ang pagdisiplina sa anak lalo kung ikaw ay punung-puno pa ng emosyon o ng galit.

Ito rin ang advice ni Dr. Laura Markham, isang psychologist and parenting expert, sa kanyang article para sa Psychology Today na may title na, “How to Handle Your Anger at Your Child.”

Aniya, “You can teach your child later, and it will be the lesson you actually want to teach. Your child isn't going anywhere. You know where she lives.”


Kung may isang bagay na kailangan matutunan ng mga magulang mula sa social experiment ng Breeze na “The Good Test,” ito ay ang dumi o mantsa ay maaring maging mabuti. Naniniwala ang Breeze na ang bawat mantsa ay simbolo ng initiative ng isang bata na gumawa ng kabutihan.

With Breeze, hindi na kailangang mag-worry ng mga nanay sa dumi o mantsa. Instead, they can focus on making sure their kids experience and enjoy life to its fullest.

Breeze is available on Lazada and in supermarkets and groceries nationwide. Follow Breeze Philippines on Facebook to know more about the brand's campaign.

This article was created by Summit Storylabs in partnership with Breeze.
Shop the items in this story!
Follow Breeze

Featured Searches:

Read the Story →
  • Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results