Walang dryer? 5 tips para sa labadang super bango kahit pinatuyo sa loob ng bahay

Subukan ang mga ito para iwas amoy-kulob ngayong tag-ulan, mga mars!
Jul 20, 2020
CREATED WITH Surf

May iba na natutuwa tuwing umuulan dahil mas malamig ang panahon. Pero para sa mga in charge sa gawaing-bahay, gaya ng paglalaba, ang hatid nito ay pangamba: "Ang mga sinampay ko, hindi matutuyo! Hindi kaya mag-amoy kulob ang mga damit?"

Buti na lang, marami nang paraan upang mapanatiling mabango ang mga damit kahit na hindi naibilad sa araw. Subukan ang mga ito:

1. PIGAING MABUTI ANG MGA DAMIT BAGO ISAMPAY.

Makatutulong ito hindi lang para mapabilis ang pagtuyo ng mga damit, kung di para rin hindi maging breeding ground ng bacteria ang mga kasuotan na nagiging sanhi ng amoy kulob.

2. HUWAG PABAYAANG NAKATIWANGWANG ANG BASANG DAMIT.

Alam niyo ba na madaling dumami ang bacteria sa mga lugar o bagay na mamasa-masa? Isa ito sa mga dahilan kung bakit bumabaho ang napabayaang basang damit.

Kaya wag tamaring magsampay, mga mars! Matapos maglaba, pigain at isampay agad ang labada para mahanginan.

3. PILIIN ANG TAMANG LUGAR KUNG SAAN MAGSASAMPAY.

Mahalagang ma-expose sa hangin ang mga labada para matuyo agad at manatiling mabango. Dahil dito, mas magandang i-set up malapit sa bintana ang inyong laundry rack o sampayan.

Kung hindi naman sapat ang hanging pumapasok sa bintana, maaari ring tapatan ng electric fan ang mga sinampay. Mas mabilis ito matutuyo at siguradong hindi mag-aamoy kulob.

4. HUWAG PAGDIKIT-DIKITIN ANG MGA DAMIT.

Hindi lang ikaw ang may kailangang may physical distancing. Kahit ang mga damit, kailangang magkakalayo para makapag-circulate ang hangin at matuyo ang mga ito nang husto.

Kung maliit ang inyong sampayan, gumamit ng hanger para ma-maximize ito. Kung kinakailangan, puwede ring maglaba in smaller batches para hindi sandamakmak ang kailangang patuyuin.

5. I-ROTATE ANG MGA SINAMPAY PARA MAHANGINAN LAHAT.

Ugaliing silipin ang mga damit na isinampay sa loob ng bahay. Sigurado, may mga piraso na mas matagal matuyo kumpara sa iba. Ilipat ang mga ito malapit sa bintana para mahanginan.

Kung makakalimutin, puwede namang mag-set ng reminder sa phone para mabantayan ang sampay. Alalahanin, mas matagal matuyo ang damit na isinampay sa loob ng bahay kaya mahalagang mabantayan ito nang maigi.

Kahit na may dryer ka pa sa bahay, magagamit mo pa rin ang mga tips na ito para mapanatiling fresh at malinis ang mga damit. At para makatulong sa pag-iwas sa amoy-kulob, gumamit ng detergent na may Anti-Kulob Technology gaya ng Surf Powder Sun Fresh. The best part: Tumutulong din ang Surf para mapanatiling maputi at mabango ang mga damit sa presyong afford mo!

Try na, mga mars! Mabibili ang Surf Powder Sun Fresh sa suking tindahan. Wag kalimutang i-follow ang Surf sa Facebook para na rin updated ka sa mga bago nilang products. Tunay na wais ang kulob-free linis na hatid ng Surf!

ASC Ref Code: U169P013020S

This article was created by Summit Storylabs in partnership with Surf.
Shop the items in this story!

Read the story? Tell us what you think!

  • 0
    opt1 opt1
    Didn't know that!
  • 0
    opt1 opt1
    Hmmm....tell me more.
  • 0
    opt1 opt1
    How and where can I get this?
  • 0
    opt1 opt1
    I’m already a loyal fan!
  • 0
    opt1 opt1
    Will share this ASAP!

Featured Searches:

Read the Story →
  • Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results