Lalaki, ginawang ‘bedroom’ ang pool dahil nawalan ng space sa family outing

IMAGE @irisvicencio on Twitter

Due to lack of space, this guy turns the swimming pool into his own bedroom during their family outing.


Kapag nawalan ka ng space sa family outing niyo, saan ka matutulog?

Isang nagngangalang Seth Gabriel Ricafort ang nagdesisyong gawing 'bedroom' ang swimming pool ng resort sa Bulacan na pinuntahan ng kanilang pamilya.

Ayon sa tweet ng pinsan niyang si Iris Vicencio sa Twitter.

"We're on a family outing and wala nang space sa kama so my drunk cousin put on his trunks and said 'dun nalang ako matutulog sa swimming pool.'"

"KALA KO JOKE LANG P*TA SERYOSO PALA…"

After 20 minutes, nakita raw ng kapatid ni Iris na naka-float pa rin si Seth, at himbing na himbing sa  kanyang pagtulog.

Bukod sa maluwag ang kanyang 'bedroom,' nagmistulang unan niya ang mga inflatables.

Sa kabuuan, halos seven hours daw nakatulog si Seth.

Nagkaroon lamang daw ng interruption nung madaling araw dahil may mga naglaro ng volleyball sa pool.

Bandang 7 a.m. ay nagising na raw siya nang tuluyan dahil kelangan nang linisan ang pool.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang paalala ni Iris, huwag tutularan ang ginawa ni Seth.

Hinayaan na lamang daw nila ito dahil may mga tao sa pool from 1 a.m. to 5 a.m.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN