Carla Abellana, nag-adopt

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 9, 2020
Ibinahagi ni Carla Abellana na hindi lang isa, kundi dalawa pa ang kanyang in-adopt... na aso.
PHOTO/S: (Left) @carlaangeline Instagram / (right) screenshot from Carla Abellana YouTube channel

Mula nang pumanaw ang alagang asong corgi ni Carla Abellana na si Sunny, umiwas na raw ang Kapuso actress na mag-alaga pang muli ng aso.

Meron pa rin naman kasi siyang isa pang aso, ang Jack Russel na si Patches.

Video: GMA News.

Pero nang mapansin daw ni Carla na laging malungkot at tulala si Patches, nag-decide at nagplano na siyang mag-alaga muli ng aso para maging kaibigan at kalaro nito.

Ito ang mga naging pahayag ni Carla sa kanyang YouTube vlog nang i-announce niya na siya'y mag-a-adopt ng hindi lang isa, kundi dalawang aspin o asong Pinoy.

Pinangalanan niyang Wing and Fly ang dalawang aspin na in-adopt ni Carla mula sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society.

Nung umpisa raw ay mailap at mahiyain ang sina Wing and Fly, pero kalaunan ay nakuha na rin daw ni Carla ang "kiliti" ng dalawang bagong adopt na aso.

Pumanaw ang aso ni Carla na si Sunny nung December 2018. Marami ang nakiramay sa kanya nang i-post niya sa kanyang social media ang pagkamatay nito.

Continue reading below ↓

Si Carla ay kilalang mahilig sa aso at isang animal rights advocate.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ni Carla Abellana na hindi lang isa, kundi dalawa pa ang kanyang in-adopt... na aso.
PHOTO/S: (Left) @carlaangeline Instagram / (right) screenshot from Carla Abellana YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results