Are you financially ready in the time of COVID-19? Time to start an emergency fund!

Mar 21, 2020
Calamities do happen. To avoid getting caught cash-strapped when they happen, start saving now for your emergency fund.
PHOTO/S: FRANTISEK KREJCI ON PIXABAY

Nakapaghanda ka ba para sa COVID-19?

Bukod sa health risk na dulot nito, mas ininda ng mga Pilipino—particularly, the residents of affected areas such as Metro Manila—ang epekto nito sa kabuhayan.

May mga pansamantalang nawalan ng trabaho, may mga nabawasan ang suweldo, may mga nawalan ng soure of income.

In other words, marami ang hindi handa dahil wala silang "emergency fund."

May paliwanag ang financial expert na si Chinkee Tan tungkol dito sa YouTube video na ini-upload noong January 21, 2020.

Aniya, "Sa ganitong krisis, walang mahirap o mayaman. Lahat ay apektado.

"I always tell people, prevention is better than cure.

"Yes, we cannot prevent these types of things from happening, but we can prevent— sigurado namanwe can also prevent, ika nga, mangyari sa atin ang financial crisis.

"Kunwari may nagkasakit, siyempre, hindi inaasahan iyan, calamity iyan, aksidente, or if not naman, iyong mga acts of God na sinasabi: baha, bagyo, typhoons, volcanic eruption.

Continue reading below ↓

"Ano mangyayari kung hindi tayo nakapagset-up ng calamity fund?"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kapag hindi ka handa financially, ang temporary solution ng tao ay mangutang.

Ginamit ni Tan bilang halimbawa ang pagsabog ng Taal Volcano noong January 12, 2020.

"Kunwari, sa volcanic eruption na iyan, possibly you can lose your home, kasi paano ka babalik sa lugar na iyon kung, let's say, tuluy-tuloy ang pag-ashfall?

Continue reading below ↓

"Mapipilitan silang umutang and then lalalim nang lalalilm pa.

"What if, wag naman sana, tumagal pa ang kalagayan at hindi pa sila makauwi? Hindi pa sila makapagtrabaho?"

HOW TO START AN EMERGENCY FUND

Imbes na mangutang, ang dapat gawin ay mag-ipon.

Continue reading below ↓

STEP 1: SET AN AMOUNT TO ACHIEVE

Ideally, it should cover all your expenses, let's say, for a month.

Dugtong ni Tan: "Nag-iipon kayo, kailangan, meron kang tinatawag na goal.

"Kasi kapag wala goal, nag-iipon ka, saan napupunta, sa shopping site?

"Mapupunta iyan sa mall, mapupunta iyan sa travel fund mo, maniwala ka."

So, every month, may itatabi kang amount na depende sa goal mo. Halimbawa, in six months, gusto mong maka-PHP10,000. Every day, magtatabi ka ng PHP54.00 o every kinsenas o payday, PHP833.

Sa pagpapatuloy ni Chinkee, "Mag-set ka. Let's say, 10,000, 20,000, 50,000, 100,000... Importante na nag-iipon ka."

Continue reading below ↓

STEP 2: SET ASIDE AN AMOUNT BASED ON MONTHLY EXPENSES, BUDGET

Ayon rnaman sa financial website na Incharge.com, "three months of expenses is a good starting point."

Kasama rito ang "mortgage or rent payments, the kid's expenses, food costs, car payments, utility bills" at ibang gastusin na iyong karaniwang binabayaran buwan-buwan.

Ang "envelope system" ng mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes ay posibleng makatulong sa pag-iipon mo dahil klaro kung magkano ang gastusin mo buwan-buwan.

Ayon kay Richard, ang "envelope system" ay isang method ng pag-segregate ng isuweldo sa iba't-ibang envelope na nakalaan para sa bawat klase ng gastusin mo.

"Let's say PHP14,000 ang suweldo mo. Kapag nakuha mo yung suweldo mo, kinsenas, maglagay ka na sa envelope," sabi ni Richard.

Ang unang envelope ay maaring pambayad ng utang, ang sunod ay mortgage o renta ng bahay, ang pangatlo ay puwedeng sa buwis o ano pang kailangan mong pagkagastusan.

Continue reading below ↓

Sabi rin ni Maricar, mas effective daw ito imbes na isusulat lang sa papel ang iyong budget.

"The reason why I think mas effective iyong ilagay mo sa envelope iyong pera kasi kapag nakasulat, madali siyang ibahin.

"Pero yung cash mo, ibubukud-bukod mo siya, it's harder to spend the money kasi nakabukod na, e," sabi niya.

STEP 3: drop the unneCEssary expenses

Paano kung ang sahod mo ay sakto lang sa gastusin? Sakto lang talaga? Wala kang bisyo? Wala kang hilig sa mga online shopping? Wala kang budget para sa milk tea?

Alamin kung alin sa mga pinagkakagastusan mo ang puwede mong isakripisyo dahil mabubuhay ka naman na wala ang mga ito.

Ika nga, kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. Gawan moo ng paraan para masimulan mo ang calamity fund na ito.

STEP 4: save, save save!

Ang pinakamadali ay iyong "50/50 Ipon Challenge."

Sa saving method na ito, gagawing "invisible" ang lahat ng PHP50 na iyong matatanggap araw-araw.

Continue reading below ↓

Idinetalye ito ni Tan sa kanyang YouTube video na ini-upload noong June 18, 2019.

Aniya, "Tuwing may magsusukli sayo ng singkuwenta pesos, ang gagawin niyo lang, itatabi niyo lang itong singkuwentainvisible po.

"So kunwari, may nagsukli sa iyo dalawang singkuwenta, e, di iyong dalawang singkuwenta, tinatabi niyo na iyan. Mapupunta na iyan sa savings.

"Makakaipon ng 50 pesos in 50 days, in a year, in a month, it doesn't matter, pero ang goal natin makasingkuwenta tayo in 50 days."

Kung nais mo na tuwing kinsenas lang magtabi ng pera para sa iyong calamity fund, maari mong gawin ang "24 Payouts Money Challenge" ng licensed medical doctor at registered financial consultant na si Dr. Pinky De Leon-Inta.

Sa money challenge na ito, mamimili ka lang ng halaga—either PHP50, PHP100, PHP200, o PHP500—na iyong sisimulang ipunin.

RELATED STORY

The habit of saving is better than pangungutang tuwing may krisis.

Ika nga ni Tan, "Buuin muna natin ang calamity fund para hindi tayo magkaproblema...

Continue reading below ↓

"Kapag oras ng kalamidad, meron tayong dudukutin.

"Hindi tayo kailangan mangutang, hindi tayo kailangan magmakaawa dahil may naitabi ka."

Lalo na sa panahong ito na may COVID-19 at hindi advisable ang lumabas, pag may calamity fund ka, you also eliminate the threat to your health.

Th emergency fund can give you peace of mind. Umulan o bumagyo, hindi ba mas maganda na nakahanda ka?

If kulang ang kita, some find ways to earn extra para makapagtabi nang konti.

And take note, hindi talaga gagalawin iyon unless there's an emergency situation.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Calamities do happen. To avoid getting caught cash-strapped when they happen, start saving now for your emergency fund.
PHOTO/S: FRANTISEK KREJCI ON PIXABAY
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results