Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Jak Roberto na-achieve ang goal dahil sa enhanced community quarantine

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 20, 2020
Dahil walang taping o kahit ano pa mang showbiz commitments, inabala ni Jak Roberto ang sarili para ma-achieve ang matagal nang goal.
PHOTO/S: @jakroberto instagram

Dahil sa enhanced community quarantine, hindi makalabas ng bahay si Jak Roberto.

At para maibsan ang pagka-bored, inabala ng Kapuso hunk ang sarili sa pag-achieve ang kanyang matagal nang goal—ang matutong magluto.

Video: GMA News.

Nag-research daw siya sa internet at pinag-aralan ang recipe ng meal na madalas niyang kainin pagkatapos niyang mag-workout.

In-upload ni Jak sa kanyang YouTube vlog kung paano niya inihanda ang napag-aralang Green Salad with Oven-baked Chicken Breast.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras, ikinuwento rin ni Jak na bukod sa pag-aaral magluto ay gumawa rin siya ng iba pang bagay na productive sa kanilang bahay.

"Nakapaglinis ako ng kuwarto, ano pa ba? Nakapaglinis ako ng mga sapatos," sabi ni Jak.

"Maghahanap ka talaga ng gagawin, e.

"Yung workout, hindi mo mai-skip, it's either tatakbo ka ng 30 minutes..." patuloy pa ni Jak.

Huling GMA-7 series na kinabilangan ni Jak ay ang Wagas, habang regular naman siyang lumalabas sa All Out Sundays.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil walang taping o kahit ano pa mang showbiz commitments, inabala ni Jak Roberto ang sarili para ma-achieve ang matagal nang goal.
PHOTO/S: @jakroberto instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results