Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Bored sa bahay? Kumita ng pera, here are your options

6 days ago
From doing live tutorials to vlogging, finance coach Laurent Dionisio (not in photo) says there are many ways to earn money in the comforts of your home.
PHOTO/S: TIRACHARDZ ON FREEPIK

Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang magsimula ang quarantine sa Luzon, pero marami nang netizens ang bored sa bahay.

Bukod sa pagkakaroon ng "quarantour" sa iyong bahay o pagkembot sa iba't-ibang kanta sa TikTok, may options for for you para kumita ng pera mula—PHP500 pataas.

With a bit of creativity and a stable Internet connection, kayang-kaya mo itong gawin.

Nagbahagi ng ilang tips ang finance coach na si Laurent Dionisio sa kanyang Facebook page noong March 21, 2020.

APPLY FOR AN ONLINE FREELANCE JOB

Mismong si Dionisio ay suki ng mga freelancing websites each time meron siyang design requirements.

Aniya, "Ang daming ways to offer your services at home: pagta-type or any clerical work, or graphics—if you're into graphicsvideo editing, offer it sa mga different website like Fivver, Upwork.

"I'm not into these kasi ako iyong nagha-hire talaga, hindi ako magaling mag-Photoshop, e.

"So if you're good in Photoshop or mga editing, basta any office or social media managing, puwede mong gamitin iyong oras mo at home right now to offer your service."

Continue reading below ↓

Bukod sa Fivver at Upwork, marami ka ring makikitang puwedeng pagkakitaang projects sa 199jobs.com, Freelancer.ph, at Peopleperhour.

START TEACHING AN ONLINE COURSE

Ang isa ring madaling paraan para kumita online ay ang pagbebenta ng "information products."

The entrepreneur elaborated, "So if you're good in cooking, if you're good in playing guitar o magaling ka mag-drums, what you can do is build an online course or [create] e-books.

Continue reading below ↓

"So ako, I've been selling e-books—madami nacourses, video courses, webinars, these are information products."

How does she conduct her online courses, webinars, and tutorials?

Binanggit niya ang Facebook platform.

"Mag-create ka ng mga private Facebook groups for your enrollees.

"You can create how to bake [webinars]—anything, your gift to the world, what you can offer."

Aside from Facebook private groups, maari ka ring gumawa ng livestream tutorials sa Zoom.us o mag-apply bilang isang instructor sa online learning platform na Udemy.

Kung mas gusto mo na isa lang ang iyong tuturuan, maari ka ring magpabayad para sa mga "coaching calls."

Pagpapatuloy ni Dionisio, "Ako, meron ako—since I'm into Facebook advertising, marketing talaga ako online, minsan sa financemay humihingi ng advice, so you can charge them.

"By expertise, one hour call, let's say PHP5,000. Depende sa rate na gusto mo...

"You can give advice, one-on-one ang gagawin ninyo. Babantayan mo."

Isa pang tip from Laurent: dapat abot-kaya ang iyong rates para ma-engganyo ang netizens na mag-enrol sa iyong service.

Continue reading below ↓

"You can earn from helping them.

"Iyon lang din, dapat afforable, reasonable ang price mo," sambit niya.

OPEN AN ONLINE STORE

Habang naka-quarantine pa ang Luzon, mag-ikot-ikot raw muna sa loob ng bahay. Mag-declutter if kinakailangan. Baka raw kasi mayroon kang matagpuan na maaring pagkakitaan.

"Tingnan mo iyong mga gamit na hindi niyo na nagagamit.

Continue reading below ↓

"You can sell them online—Facebook Marketplace, Carousell, Shopee, you can sell them."

Bukod sa pagiging isang online seller, mainam rin na pag-aralan ang e-commerce.

Ang e-commerce, ayon sa shopify.com, "is often used to refer to the sale of physical products online, but it can also describe any kind of commercial transaction that is facilitated through the Internet."

Ito ay halos kapareho ng pagbebenta sa isang shopping website o mobile app, pero ang kaibahan, hindi ka limitado sa pagbebenta ng mga physical goods lamang.

Continue reading below ↓

At dahil ang karamihan ay ginagawa ito sa kanilang sariling website, puwede rin silang maglagay ng advertisements o iba pang content na related sa kanilang store.

Sabi ni Dionisio, ang e-commerce ay isa sa matagal na niyang pinagkakakitaan.

"Dito may staff na ako, may company kami for this. We buy from China, we sell toys, general items,"

Meron siyang sariling website para dito, pero upang lalo itong mapalago, gumawa na rin siya ng accounts sa ibang online selling platforms gaya ng "Shopify, Shopee, and Lazada."

Siya rin ay nag-a-advertise gamit ang "Facebook Ads."

Bagamat aminado si Dionisio na may negatibong epekto ang lockdown ng Luzon sa kanyang online business, maari mo pa ring simulan ang operasyon ng iyong sariling store sa pagtanggap ng orders at pag-deliver nito kapag natapos na ang lockdown.

Pagpapatuloy niya, "Maraming ways to earn through e-commerce pero of course, ngayon, siyempre apektado pa rin tayo because of the lockdown.

Continue reading below ↓

"But you can still accept orders and ma-fu-fulfill naman siya pagbalik ng mga couriers...

"Be safe lang lagi kasi mahirap na talaga in times of this quarantine."

START EARNING FROM YOUTUBE

Since maraming tao ang nakababad online, this is the best time to grow your YouTube channel.

Continue reading below ↓

Start vlogging or creating videos, and start earning after your channel gets 4,000 minutes of watch time.

Kaya nga busy ang mga celebrities dito kasi some of them have been earning six digits monthly. The more followers, the more views, the higher income. And do not forget, CONTENT rules! Galingan mo. Gandahan mo.

Once you're eligible to earn and you have enough subscribers, you can start monetizing the videos you produce.

Just go to Rights Management tab, click the "Monetize all countries."

YouTube

Continue reading below ↓

Don't forget to tick the box "Turn on Content ID Matching" para hindi magagaya o mananakaw ang video mo.

YouTube

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From doing live tutorials to vlogging, finance coach Laurent Dionisio (not in photo) says there are many ways to earn money in the comforts of your home.
PHOTO/S: TIRACHARDZ ON FREEPIK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results