Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Earn extra and save money with these apps without leaving the house

Mar 26, 2020
Unlocking money-making apps in the time of lockdown. Download PayMaya, Snapcart, Kumu, Foap, and ShopBack for free on your mobile phone.
PHOTO/S: TIRACHARDZ ON FREEPIK

Dahil mas marami kang oras habang nasa loob ng bahay, why don't you find ways either to earn extra or save money.

For starters, you can download mga money-making mobile apps, which allow you to pay bills without leaving your house. May cash rewards ka pa.

Kadalasan, ibibigay sa iyo ang pera bilang points na puwede mong gamitin as currency when you buy from their partner merchants o bilang funds na puwede mong i-withdraw gamit ang iyong PayPal account.

Inilista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa apps na ito na puwede kang kumita ng pera.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang PayMaya ay isang app, na ayon sa website nito, ay maihahalintulad sa isang "virtual prepaid card" na lalagyan mo ng pera para makabili ng gamit, makabayad ng bills, maka-book ng flights, at iba pang online transactions.

Puwede mo ring gamitin ang app bilang pangbayad sa restaurants at ibang physical stores gamit ang Scan-to-Pay feature nito.

Isa sa mga perks ng paggamit ng PayMaya ay meron itong cashback o cash refund na iyong matatanggap tuwing gagamitin mo ang app.

Ang cash refund na ito ay ibibigay sa iyo bilang PayMaya credits na puwede mong gamitin bilang pambayad sa iba pa nilang partner merchants.

Halimbawa, kapag ginamit mo ang PayMaya sa pagbabayad ng iyong mobile postpaid bill worth PHP1,000...

Continue reading below ↓

Makakatanggap ka ng cashback na PHP100.

Continue reading below ↓

Maari mong i-download ang PayMaya nang libre para sa Android at iOS.

Ang SnapCart ay isang Android app na bibigyan ka ng coins o cashback tuwing kukuhaan mo ng litrato ang iyong resibo gamit ang app.

Bawat resibo na iyong pipiktyuran ay nagkakahalaga ng five cents to one U.S. dollar na ang katumbas sa current exchange rate ay PHP2.55 hanggang PHP51.

Continue reading below ↓

Mas malaki ang halaga ng iyong resibo, mas malaki rin ang halaga ng coins na iyong matatanggap.

Bukod dito, maari ka ring maka-earn ng coins o cashback kapag sumagot ka ng survey, nanood ng video, kumuha ng iba pang litrato, at naglaro ng Snaptastic Game gamit ang app.

Ang cash out o pag-withdraw ng naipon mong pera ay maaring gawin through bank transfers.

Continue reading below ↓

Ang Kumu ay isang livestreaming app na ginawa ng Fil-Am founder nito na si Roland Ros para sa mga Pinoy.

Kasama ng kanyang managing partner, ang host-actor na si KC Montero bilang vice president for marketing, umaabot sa milyon ang prizes ng kanilang quiz shows.

Mayroong dalawang paraan para kumita dito: Una ay sa pag-livestream, kung saan puwede kang bigyan ng virtual gifts ng ibang Kumu users kapag nagustuhan nila ang content mo.

Ang virtual gifts na ito ay convertible to cash.

Maari kang kumita ng libu-libo dito the way Alex Gonzaga did noong November 2019.

Gamit ang livestreaming feature ng Kumu, nakalikom siya ng PHP100,000 na kaniyang ibinahagi sa Mindanao Earthquake victims.

Continue reading below ↓

Pangalawa ay sa pagsali sa iba't-ibang game shows tulad ng Quiz Mo Ko na ipinapalabas sa app tuwing 9 p.m. ng weekdays.

Dito, ang contestants ay unahan sa pagsagot ng general-knowledge questions, at ang may pinakamaraming points ang mananalo ng cash prize.

Ang pag-withdraw ng naipon mong pera sa Kumu ay puwedeng gawin through GCash, LBC, Coins.ph o bank-to-bank transfer.

Kailangan ay makaipon ka muna ng 500 coins bago makapag-cash out.

You can download Kumu sa Google Play Store at Apple App Store.

Continue reading below ↓

FOAP

Ang money-earning app na ito ay bagay sa mga nahihilig sa mobile photography.

Hindi mo kailangan maging professional photographer para kumita ng pera dito.

Simply create an account, i-submit ang iyong photos, at siguraduhing meron itong tamang tags. Pagkatapos, antayin na i-rate ito ng Foap community.

Mas mataas ang rating, mas mataas ang visibility ng iyong photo sa community.

For each photo, maari kang makaipon ng five to 100 US dollars.

Dapat rin ay mayroon kang PayPal account dahil dito mapupunta ang iyong earnings na maari mo namang ilipat sa iyong local bank account through bank transfers.

Ang Foap app ay maaring ma-download sa parehong Android at iOS phones.

Continue reading below ↓

SHOPBACK

Kung mahilig ka mag-online shopping, ShopBack ang app na swak sa iyo.

Nagbibigay ito ng cashback by automatically tracking your online purchases.

"With ShopBack, you can receive up to 30 percent cashback with every purchase, not to mention the discount on vouchers and promo codes on top of that," sabi sa website nito.

Maari ka ring makakuha ng PHP100 mula sa app sa pamamagitan ng kanilang referral program.

Ang kailan lang ay gumawa ang iyong mga kaibigan ng account dito gamit ang iyong referral code.

Maari mong i-cash out ang perang naipon mo sa ShopBack via fund transfer sa iyong local bank account o PayPal.

Available for download ang ShopBack sa Google Play Store at Apple App Store.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unlocking money-making apps in the time of lockdown. Download PayMaya, Snapcart, Kumu, Foap, and ShopBack for free on your mobile phone.
PHOTO/S: TIRACHARDZ ON FREEPIK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results