Nakaugalian na ng mga Pinoy showbiz fans na abangan ang mga bongga at star-studded celebrity weddings na ginaganap kada taon.
Pero, ito ay maiiba ngayon dahil sa banta ng COVID-19.
Nitong May 6, 2020, inilabas ng Archdiocese of Manila sa website nito ang bagong guidelines ng religious activities na gaganapin pagkatapos ng modified enhanced community quarantine.
Kabilang sa mga religious activities na ito ang mga kasal at binyag sa lahat ng simbahan sa loob ng Metro Manila.
Base sa guidelines, iilan na lang ang maaring sumama sa mga kasal at binyag na ipagdiriwang sa taong ito.
"We will allow only simple weddings this year, with only the bride and the groom.
"Wala na munang mga abay," sabi ni Bishop Broderick Pabillo, Administrator ng Archdiocese of Manila.
Pagdating sa pagpapabinyag ng mga anak, "only the parents and one set of godparents will be allowed per child."
Kung marami ang gustong magpabinyag sa oras na iyon, sila ay hahatiin ng simbahan into smaller batches.
Mag-o-organize na rin ang simbahan ng weekday baptisms upang hindi magsabay-sabay ang mga binyag sa weekends, lalo na sa Linggo.
MASS GUIDELINES
Magkakaroon din ng karagdagang safety measures sa mga seremonyas ng kasal at binyag, ayon sa general guidelines ng simbahan.
- Lahat ng dadalo sa kasal o binyag ay dapat magsuot ng face mask. Kapag nakalimutang magdala ng face mask, may mabibili sa parish office.
- Ang mga papasok sa simbahan ay kukunan muna ng body temperature para masiguradong wala silang sakit.
- Mahigpit ding ipapatupad ang social distancing, kung kaya't ang mga bisita ay maari lamang umupo sa designated areas sa loob ng simbahan.
- Wala na ring kakantang choir sa misa. Isang singer at instrumentalist na lamang ang papayagan sa loob ng simbahan.
Nilinaw rin ni Bishop Pabillo na ang guidelines na ito ay "temporary in nature" base sa "directives that will come from the government or from the church hierarchy."
Narito ang kabuuan ng guidelines ng Archdiocese of Manila tungkol sa religious activities pagkatapos ng quarantine sa Metro Manila:
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Join and subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated!