Detach Video
Jasmine, Bianca, Kris, nag-share ng money-saving tips ngayong quarantine
May 28, 2020

Sa panahon ngayon na lahat ay apektado ng community quarantine, maging ang ilang artista ay hinay-hinay na rin sa paggastos.

instagram photos of jasmine curtis-smith, bianca umali, kris bernal

Ang mga Kapuso actresses na sina Jasmine Curtis-Smith, Bianca Umali, at Kris Bernal, nag-share ng kanilang money-saving tips sa interview sa kanila ni Cata Tibayan ng 24 Oras.

Si Jasmine, minsan na lang daw magpa-deliver ng pagkain.

Ginagawa na lang niya ito kapag gusto niyang i-reward ang sarili.

Jasmine Curtis Smith eating

"And I make sure na yung io-order ko is good enough to last me and puwede kong iluto ulit in another way," ani Jasmine.

Ayon naman kay Bianca, by bulk o wholesale daw kung maggrocery o mamalengke ang kanilang pamilya.

Sa ganitong paraan, mas madalang silang lumabas para bumili ng kung anu-ano, at minsan, may discount pa raw kapag wholesale.

Maramihan din kung sila ay magluto ng pagkain.

"Pag magluluto kami, and that would be good for how many days na," paliwanag ni Bianca.

Hindi na rin daw muna bumibili si Bianca ng kanyang "wants" o luxury items. Puro "needs" lang daw muna.

Kris Bernal in front of her laptop with notebook

Si Kris, "wais-tip" niya ang maglista ng mga gastusin sa isang notebook.

Sa ganitong paraan daw, nate-trace niya kung saan napupunta ang kanyang pera at nabibilang ang kanyang gastos.

"Every peso counts sa amin," natatawang bahagi ni Kris.

"Naka-divide siya, e. Like for example, five percent of it, parang goes to church or donation. And then, another percent for investment or savings, kasi kailangan natin ng emergency funds

"'Tapos siyempre, yung next na, yung mga everyday expenses ko na, monthly expenses..." sabi pa ni Kris.

READ THIS TOO!

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results