Detach Video
Gustung-gusto mo nang magsimba? Panoorin mo muna ito!
Jun 6, 2020

Bilang debotong Katoliko, gustung-gusto mo nang maka-attend ng misa—yung aktuwal na misa, ha.

Hindi yung nakatapat ka lang sa harap ng phone mo, iPad, tablet, laptop, o desktop habang nakikisabay sa mga awit at nakikinig sa sermon ng paborito mong witty na pari.

Pero dahil nga sa COVID-19, pati ang Simbahan ay nag-adapt na rin para sa sinasabing "new normal" na takbo ng buhay ng tao ngayon.

Kamakailan ay naglabas ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ng guidelines para sa pagtitipon sa mga simbahan.

Alinsunod ang guidelines sa mga inilabas na patakaran ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para maingatan ang mga mamamayan sa panganib ng pagkakaroon ng COVID-19.

Kasama sa guidelines ang pagpa-practice ng social distancing, pagsusuot ng face masks, pagsa-sanitize ng kamay, at iba pang safety measures para di ma-infect ng coronavirus.

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol dito, puwede mong basahin ang mahabang version sa CBCP website na CBCPnews.net, o kaya naman panoorin ang cute na video na ito.

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results