Ryan Bang admits to worrying about his finances during break from It's Showtime

by Rachelle Siazon
Jun 19, 2020
Ryan Bang on importance of saving money for a rainy day: "Siyempre, siguro lahat tayo, pag di pumapasok yung suweldo, yun ang pinaka-striking. Panic, di ba?"
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / @ryanbang Instagram

Inamin ni Ryan Bang na nag-alala siya sa kanyang means of income nang pansamantalang nahinto ang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Ryan ay isa sa main hosts ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime. Isa rin siya sa mainstays ng weekly gag show na Banana Sundae.

Pahayag ng South Korean comedian-host: "Most striking to me this quarantine? Siyempre honest ako...

"Siyempre, siguro lahat tayo, pag di pumapasok yung suweldo, yun ang pinaka-striking. Panic, di ba?

"Sanay tayo may pumapasok suweldo lagi.

"Nung hindi na pumapasok suweldo, mag-apply na sana ako ng delivery, e."

Pakuwela itong sinabi ni Ryan nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters sa digicon ng It's Showtime noong June 10.

Maya-maya pa ay nilinaw niyang "may suweldo pala kami" sa It's Showtime.

March 15 nang maglabas ng anunsiyo ang pamunuan ng ABS-CBN na pansamantalang ititigil ang live shows at taping ng mga teleserye dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Alinsunod ito sa protocol ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagbabawal sa mass gathering at paglabas ng bahay liban sa essential activities.

Dagdag pa rito, noong May 5, ipinasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN dahil sa napasong prangkisa nito.

Pero nitong June 13, nakabalik sa ere ang It's Showtime.

Kabilang ito sa mga programang ipinapalabas sa Kapamilya Channel o cable channels na affiliated sa Kapamilya network.

Nagpaalam naman ang Banana Sundae matapos ang 12 taon sa ere.

Hindi nagkaroon ng pagkakataong mahingan si Ryan ng komento sa pagkawala ng Banana Sundae.

HOT STORIES

ON SAVING money

Ang tanging ibinahagi ni Ryan ay ang napagtanto niyang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling ipon, lalo pa't 29 years old na siya.

Dire-diretsong pahayag ng It's Showtime host: "Dapat pala makinig tayo sa mas matanda sa atin. Lagi ko naririnig, 'Ryan, dapat mag-ipon ka.'

"Hindi lang po ako siguro. Dahil sa quarantine, lahat tayo mga kabataan, dapat pala mag-ipon tayo.

Continue reading below ↓

"Hindi natin alam mangyari sa future. Kahit bukas nga hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin.

"Para sa emergency, buti nag-ipon ako."

Malaking bagay raw na may mapaghuhugutang ipon, tulad nitong pandemya na malaki ang naging epekto sa ekonomiya.

Payo pa ni Ryan, "Kahit maliit kita, kahit anong trabaho, dapat may savings ka.

"Lahat tayo mga kababayan, mga madlang pipol, simula tayo.

"Kahit limang piso, sampung piso, pag sama-sama, magiging malaki yun.

"Basta kahit konting tumutulo tubig, basta yung baso, basta walang maliit na butas, makakaipon tayo."

ON HIS PAGTITIPID SA AIRCON

Kung dati ay mahilig si Ryan na bukas ang aircon sa kanyang condo unit, noong ECQ period ay hindi raw niya ginamit ito.

Kuwelang kuwento pa rin ni Ryan: "Na-gets ko na yung ugali ng nanay ko.

"Kasi tuwing pupunta siya sa bahay ko, tuwing uuwi siya galing Korea, pinapatay niya lagi yung aircon.

"Sabi ko, 'Ang init naman! Magkano lang yun. Buksan mo yung aircon. Huwag mo patayin.'

Continue reading below ↓

"Ngayon, ako na mismo, pinapatay ko na yung aircon. Sobrang tipid!

"Ano na ito, sauna!"

NOT ASKING FOR DISCOUNTS

Pero kahit nagtitipid, hindi raw nanghihingi ng discount si Ryan sa mga restaurant na ino-orderan niya ng pagkain noong ECQ.

"Siyempre ganitong panahon, mahirap lahat, walang discount. Nakakahiya din humingi ng discount, e."

Ito ay kahit pa raw madalas siyang nabobosesan ng mga nakakausap niya sa delivery hotline.

"Sa mismong condo unit ko, ako lang mag-isa.

"So, nagde-deliver ako ng pagkain. Siyempre di naman ako magaling magluto.

"'Hello, puwede po mag-order?' Tuwing tumatawag ako, lahat ng bawat restaurant, kilala nila ako!"

DISTINCT SPEAKING VOICE?

Nagugulat daw si Ryan dahil hindi pa man niya sinasabi ang pangalan niya ay nakikilala na siya.

"Tumatawag ako. 'Pa-order ng two-piece chicken.' 'Ryan Bang!' Paano nila alam?!

"Try ko Chinese restaurant, 'Ryan Bang!'

"Nalilito ako. Wala naman ako radio show. So ni-try ko iniba ko yung boses. 'Hello? Kumusta? Open ba kayo?' 'Ryan Bang!'

Continue reading below ↓

"So, kahit iniba ko boses, kilala nila ako. So, na-shock ako."

Naniniwala si Ryan na hindi naman daw dahil sa sikat siya kundi kakaiba raw siguro ang boses niya na halatang Koreano, pero marunong mag-Tagalog.

Hirit niya, "Ibig sabihin yung boses ko kakaiba. Parang ibon daw na nagsasalita."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang on importance of saving money for a rainy day: "Siyempre, siguro lahat tayo, pag di pumapasok yung suweldo, yun ang pinaka-striking. Panic, di ba?"
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / @ryanbang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results