Tom Rodriguez's digital portraits have helped drivers, vendors, construction workers

Jun 25, 2020
Kapuso star Tom Rodriguez partners with Guhit Pantawid to provide financial aid to daily-wage earners during the pandemic.
PHOTO/S: @akosimangtomas on Instagram / tomrodriguez on Fiverr

Hindi lamang sa larangan ng showbiz may angking talento si Tom Rodriguez, kundi pati sa visual arts.

Noong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa Belo Polo Cup noong 2015, ibinahagi ng Kapuso star na sadyang hilig niya ang gumawa ng iba't-ibang artworks.

Aniya, ''I have my own personal dreams when it comes to art kasi my background is digital animation, video games, illustration, books, and stuff like that."

Base sa Instagram account ng 32-year-old actor, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pag-fulfill ng mga personal dreams na ito.

Marami siyang digital drawings na bagama't tinatawag niyang "random sketches" ay puno ng detalye.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Minsan, ang mga digital drawings na ito ay kanyang inu-upgrade bilang 2D animation.

Bukod sa drawing at animation, gumagawa rin si Tom ng iba't-ibang sculptures.

Continue reading below ↓

Nitong quarantine, minabuti ni Tom na gamitin ang kanyang creativity at craftsmanship para makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga drivers, street vendors, at construction workers na walang sinisuweldo sa gitna ng pandemya.

Nakibahagi siya sa programang Guhit Pantawid: Portraits for a Cause na kung saan, iginuhit ni Tom ang litrato ng mga taong nag-donate ng PHP500 sa Facebook groups na SuperTsuper, #PasokMgaSuki, at Tulong sa Construction Worker mula April 12 hanggang 17, 2020.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Narito ang ilan sa mga kamangha-manghang digital portraits na ginawa ni Tom.



Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

CARLA'S ALL-OUT SUPPORT FOR TOM

Lubos rin ang suporta ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa relief effort ng kanyang boyfriend na si Tom.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Ang magkasintahan ay magkasama sa isang bahay ngayong quarantine, at nakikita raw ng Love of My Life star kung gaano pinagpapaguran ng kanyang boyfriend ang bawat artwork na kanyang ginagawa.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ito ni Carla sa isang Instagram post noong May 31.

Published as is, sabi ni Carla sa kanyang caption, "Bilib ako dito. Mahigit isang buwan na niyang pinaghihirapan at pinagpupuyatan ang #GuhitPantawid.

"Nagagawa parin niyang gumising ng maaga kahit puyat siya dahil dito, maghugas ng mga pinggan, magpakain ng mga aso, magwalis, mag-mop, mag-sort ng basura at tapon ng basura, maglinis ng mga wiwi at poopoo ng mga aso, mag-grocery run, atpb. kahit mahigit isang daang larawan ang kailangan niyang tapusin. Na walang bayad yan, ha.

"Akala ng marami nagbayad sila kay Tom para gawin ang larawan nila. Hindi po.

"Ang panggastos po ng mga tsuper at street vendors ang binayaran niyo po. Hindi po ang larawan niyo na gawa ni Tom.

"Libre niya pong ginagawa ito para sa inyo.

"Alam niyo po bang minsan inaabot po siya ng tatlong araw para tapusin ang isang larawan lang?

"Opo. Dahil hindi po niya dinadaya ang mga larawan ninyo.

Continue reading below ↓

"Hindi po di-copy paste at basta-bastang tracing lang po.

"Iba’t-ibang istilo pa po ng pag drawing ang ginagawa niya.

"May mala-anime, may ala-Disney, may ala-watercolor, atbp. Ang galing.

"May kanya-kanya pa pong request iyan kung paanong itsura ang gusto nila, ha."

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

Inilahad rin ni Carla na ginagawa rin siyang bahagi ni Tom ng kanyang proyekto.

At natatagalan man si Tom na matapos ang mga portraits, ito ay dahil ginagandahan niya nang husto ang mga ito.

Pagpapatuloy ni Carla, "Bawat isa pinapa-aprubahan niya pa sa akin na hindi ko naman alam kung bakit, e, wala naman akong alam diyan.

"Basta ang alam ko lang lahat maganda.

"Kaya pasensya na po kung medyo natatagalan.

"Hindi din po namin inakalang ang dami pong mag-dodonate kaya medyo nabigla po siya. Pero maraming salamat po.

"Konting hintay nalang po at makukuha niyo narin po ang inyong #GuhitPantawid."

RECOMMENDED ARTICLES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Tom Rodriguez partners with Guhit Pantawid to provide financial aid to daily-wage earners during the pandemic.
PHOTO/S: @akosimangtomas on Instagram / tomrodriguez on Fiverr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results