Paul Salas rediscovers simple joys of being taong-bahay

Aug 5, 2020
Paul Salas was busy with shootings, workouts, and night-outs before the pandemic. Quarantine has shown him the importance of quality time with family.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram

Aminado ang Kapuso actor na si Paul Salas na hindi siya homebody.

Bukod sa showbiz commitments, lagi raw busy ang 22-year-old star either sa sports o sa gimmick kasama ang kanyang barkada.

"Malabas talaga akong tao. Siyempre sanay tayo na Monday, Wednesday, Friday, may 'taping, tapos iyong Saturday, Sunday, may All-Out Sundays, may rehearsal ka ng Saturday.

"So, nasanay ako sa buhay na ganoon," sabi ni Paul.

"Ma-sports ako, halos twice, thrice a week nagba-basketball ako.

"Kung hindi basketball, nagdyi-gym 'tapos after niyan, bonding—kumakain kami kasama mga kaibigan ko, movie, minsan gumi-gimmick.

"Hindi talaga ako napapa-stay sa bahay isang araw, so andaming adjustment sa akin ngayong quarantine."

TIME FOR FAMILY

Noong isinailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine, nagkaroon ng pagkakataong makapag-isip-isip ang young actor.

Isa sa mga realizations niya: Konting time lang pala ang ginugugol niya with his parents, maging sa 19-year-old brother niya.

Pagpapatuloy ni Paul, "Sa akin ang naging effect ng quarantine—iyong mga first two weeksis na-realize ko na, 'Oo nga, no, sobrang busy ko sa pagte-taping, busy ako sa pagba-bonding ko sa mga kaibigan kapag walang work, na hindi ko na pala masyadong nakaka-bonding ang pamilya ko.'

Continue reading below ↓

"So noong nag-home quarantine kami, doon ko lang na-realize na ngayon lang kami nakapag-bonding talaga.

"Dito lang sa bahay, sabay kumakain.

"So for me, [refreshing] rin po sa akin.

"Kumbaga, ini-remind lang sa akin na nandiyan lang iyong pamilya ko para sa akin.

"So, bumawi-bawi lang ako. For sure hindi naman ako busy dito sa bahay.

"Pambawi ko is magpatawa dito, maglaro kasama ng kapatid ko."

Ikuwinento ito ni Paul sa kanyang PEP exclusive interview noong July 31, 2020 via Zoom video conference.

Continue reading below ↓

STAYing PRODUCTIVE DURING QUARANTINE

Dahil mahigit dalawang buwan ding naging taong-bahay si Paul, nagkaroon daw siya ng feeling of listlessness.

Mula rito, naisipan niyang "haranahin" ang kanyang fans gamit ang livestreaming feature ng Instagram.

"Naramdaman ko iyong walang ginagawa.

"Nag-iisip ako, 'Saan ko ilulugar iyong talento ko ngayon? Hindi naman ako makapag-act.'

"So sabi ko, sige, magla-live ako paonti-onti, kakanta-kanta, para maramdaman pa rin nila na nandito pa rin ako para sa kanila..."

Kadalasan ay ginagawa niya raw ito sa hapon o gabi dahil sa umaga, naka-livestream ang kanyang paglalaro ng online games.

Sa ibang araw naman, sinasamahan niya ang Kapuso actors na si Kristofer Martin at Ralph Noriega sa kanilang online show na The Bro Code sa social-media app na Kumu.

"Monday to Thursday, dire-diretso iyong game streaming ko niyan at [pagkatapos] live sa Instagram...

"Every Friday, may Kumu kami ni Kristoffer Martin at Ralph Noriega every 6 p.m.

Continue reading below ↓

"Ang tawag diyan, The Bro Code. Iyan yung usapan ng mga sawi na lalaki, mga love advice."

Maski nasa bahay lang siya, Paul also makes sure na pasok sa daily routine niya ang workout.

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at nakatira malapit sa bahay nila ang kanyang boxing trainer.

"Workout lang tayo, papawis lang. Malapit lang naman siya sa akin and nag-test naman na siya.

"So halos every two weeks, pumupunta siya sa bahay ko. Diyan lang kami sa garahe, nagpapapawis," sabi ni Paul.

"DAPAT MAGING POSITIVE LANG LAGI"

Excited na raw si Paul na magbalik-taping para sa Descendants of the Sun, pero bukod sa trabaho, wala na raw siyang nakikitang ibang rason para lumabas pa ng bahay.

Continue reading below ↓

Aniya, "Ngayon, iba na ang nakasanayan. Kapag naging normal na, wala, hindi na ako malabas sa bahay. Natatakot rin kasi ako.

"Hirap, hindi natin nakikita iyong kalaban natin, iyong virus, so natatakot ako."

At sa mga napanghihinaan ng loob dahil sa pandemya, may advice ang binata.

Continue reading below ↓

"Dapat maging positive lang lagi kasi iyong mundo ngayon, medyo marami nang negative...

"Kelangan mo pa ring tingnan iyong positive na nangyayari sa iyo para lang hindi mawala iyong kasiyahan, hindi mawala iyong pag-asa.

"Ako umaasa pa rin ako sa babalik pa rin iyong normal, ako umaasa ako, after two months, three months sana.

"Medyo mahirap sabihin pero trust lang and faith," ang pagtatapos ni Paul.

RECOMMENDED ARTICLES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas was busy with shootings, workouts, and night-outs before the pandemic. Quarantine has shown him the importance of quality time with family.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results