Meet JaMill, the top Pinoy couple on YouTube with 10.7M subscribers

by Rose Garcia
Aug 21, 2020
Meet Jayzam Manabat and Camille Trinidad, popularly known as JaMill on YouTube. Their channel, which has 10.7 million subscribers, has helped them build their dream home and buy their dream cars.
PHOTO/S: @JaMillPH on Instagram

Tatlong taon pa lang ang YouTube channel na JaMill nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, pero sila na ang top Pinoy couple sa YouTube.

Umabot na ang kanilang subscribers sa 10.7 million, at sila ang pinakamabilis na nakakuha ng millions of subscribers sa buong Southeast Asia.

Ang ilang mga video nila ay may 15 million pataas ang views, at may 1.2 billion ang total ng lahat.

Ayon kay Jayzam, ang tanging formula ng kanilang vlog ay "maging masaya lang kayo at yung mapasaya namin sila."

One of their latest pranks featured Alex Gonzaga. Uploaded on August 12, 2020, it has generated 3.7 million views.

Mahilig sila sa pranks, at lahat ito ay "biglang trip" lang nila ni Jayzam.

Mahilig din sila sa challenges.

Recently, nakipag-collaborate ang dalawa kay Alex Gonzaga, na may 8.21 million subscribers. Ang vlog na yun ay pumalo sa 10 million views.

Continue reading below ↓

Daig nila ang mga local artists kung subscribers din lang ang pagbabatayan.

HOW THEY ACHIEVED THE 10M SUBSCRIBERS

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang vloggers noong July 23, 2020, sa pamamagitan ng Zoom.

Paano nga ba sila nakakuha ng 10 million subscribers?

Nakangiting sagot ni Jayzam, “Simple lang po. Hindi naman po namin kinukumpara iyong sarili namin.

"Basta lahat po ng nagsusumikap sa industriya, e, pare-parehas tayong magkita sa taas. Magtulungan tayo at hindi naman po kami nakikipag-kumpetisyon sa kung kanino man.

“Kung kinakailangan nila ang tulong namin, magbibigay kami.”

Kung tutuusin, napakaraming nagba-vlog na couple, showbiz o non-showbiz man.

Continue reading below ↓

Pero ano ang meron sa kanila at nakuha nila ang interes ng netizens at mga tagahanga na kung kanilang tawagin ay “Mandirigma?”

Ang sagot ni Camille, “Para sa akin po kasi, natural lang talaga kami. Kung ano iyong nakikita niyo sa amin sa camera, sa personal, ganun din kami.

“Medyo bawas lang ng konting kalokohan kasi nasa camera. Siyempre, ingat-ingat, may mga bata. Basta, maging totoo lang. Ayon lang po."

5.5M NET WORTH?

Natawa lang sina Jayzam at Camille nang diretsahan naming sinabi na siguradong milyun-milyon na ang kinikita nila sa YouTube simula noong nag-vlog sila noong 2016.

May unofficial report sa Internet na diumano’y ang net worth nilang dalawa ay 5.5 million dollars.

Pero pera raw ang isa sa mga bagay na ayaw nilang pag-usapan.

Ang natatawang sabi ni Jayzam, "Nakakatakot kasi kapag usaping pera, e."

Lahad naman ni Camille, “Ayaw kong topic ay pera.”

Hindi rin daw sila nagpapaapekto sa anumang kasikatan meron sila bilang Philippine’s Top Couple in YouTube at lalong hindi nila isyu ang pera.

Continue reading below ↓

“Ganito lang po iyan, kapag nalunod ka po sa fame, power and money, parang maliligaw ka po ng landas. Kaya kami po ni Mareng Camille, enjoy lang po kami, simple lang po kami and kung ano man po ang marating namin, ganun pa rin po kami. Kung ano po kami nagsimula, ganun pa rin po ang galawan namin.

“Priority po namin ay magpasaya lang po,” sabi ni Jayzam.

Wala rin daw silang hatian ng anumang kinikita nilang pera.

Sabi ni Camille, “Wala pong ganun,"

Sabi naman ni Jayzam, “Hindi po namin hinahati. Magkasama po talaga. Wala po sa mindset namin na, 'O, nagba-vlog tayo, parte mo, parte ko.' Wala pong ganun.”

AFTER OWNING HOUSE AND CAR, WHAT'S NEXT?

Tatlong taon na rin ang kanilang relasyon.

Nakabili na rin sila ng sariling bahay, at nakalipat rito noong December 15, 2019.

Sa katunayan, nagpapagawa sila ngayon ng extension ng bahay.

Parehong 22 years old sila, at pareho ring naka-graduate sa kani-kanilang kurso: BS Industrial Engineering si Jayzam; Business Administration si Camille.

Continue reading below ↓

Nabili na rin nila ang kanilang dream cars.

Ano na ang next?

Lahad ni Camille, “Ako, dream ko po, kung sakali pong maging okay na ang mga nangyayari ngayon, gusto ko pong lumibot sa iba’t-ibang bansa na kasama po siya. Kasi, gusto ko pong ma-explore ang mundo."

At iyon na rin daw ang gustong gawin ni Jayzam ngayon.

Continue reading below ↓

Aniya, "Dahil iyon po ang pangarap niya. Ako naman po, gusto ko rin na mai-share sa mga kapwa Filipino ang mga napupuntahan namin ni Mareng Camille, especially dito po sa Pilipinas.

“Kasi, gusto ko pong ipakita sa mga kapwa Filipino natin na napakagandang bansa nitong Pilipinas. Kaya napakaraming puwedeng puntahan at rason kung bakit kailangan nating maging proud as Filipino.”

Hindi na lang sa Internet nakikilala ang JaMill, dahil ang Star Pop ay interesadong mag-produce ng kanilang sariling single, ang “Tayo Hanggang Dulo.”

Nasa ilalim din ang JaMill sa management ni Perry Lansigan, ang PPL Entertainment, Inc.

Pero sa ngayon, gusto lang daw nila munang i-enjoy kung ano ang dumarating na oportunidad sa kanila.

“Sa ngayon po, ine-enjoy lang po namin kung ano ang puwede naming gawin sa YouTube. Na-enjoy na po namin na magpasaya ng mga tao.

"Hindi po namin pinaplano kung ano po ang mapupuntahan namin na susunod, hinahayaan na lang po namin,” sabi ni Jayzam.

Continue reading below ↓

JAYZAM AT CAMILLE: TAYO HANGGANG DULO

Ang "Tayo Hanggang Dulo" ay isinulat mismo ng manager nilang si Perry, at sila raw mismong dalawa ang nagsilbing inspirasyon.

Tinanong namin sina Jayzam at Camille kung tulad ng titulo ng kanta nila, masasabi ba nila sa isa’t-isa na sila na hanggang dulo?

“Opo,” ang mabilis na sagot ni Jayzam.

Continue reading below ↓

Kung may sigurado man daw sa mundong ito, iyon ay ang pagbabago. Pero bakit silang dalawa, parang siguradong-sigurado na hanggang dulo ay sila pa rin?

“Kasi po, iyon lang po ang mapanghahawakan natin sa ngayon, iyong paninindigan sa isa’t-isa. Na papanindigan kita, ipaglalaban kita hanggang sa kinabukasan kahit na wala pang assurance na kami na ba talaga.”

Sabi pa ni Jayzam, “Never po kasi kayong magiging forever sa isa’t-isa kung palagi niyong ipapasok sa isipan niyo na, 'O, baka iwan ako nito, baka lokohin ako nito.'

"Kahit hindi tayo sure na kayo na nga hanggang dulo, pero gawin niyo na po ang best niyo sa isa’t-isa sa ngayon po.”

Sinegundahan naman ni Camille ang pahayag ni Jayzam.

Aniya, “Basta lahat po ng sinasabi niya, parang iyon na rin po ang nasa loob ko at nasa puso ko.”

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Jayzam Manabat and Camille Trinidad, popularly known as JaMill on YouTube. Their channel, which has 10.7 million subscribers, has helped them build their dream home and buy their dream cars.
PHOTO/S: @JaMillPH on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results