Daniel Padilla on his projects, business: “Hindi mo rin alam kung saan ka kukuha financially.”

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2020
"Ang hirap," laments Daniel Padilla about the problems that his business venture and showbiz career are facing.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

"Sapul."

Ito ang paglalarawan ni Daniel Padilla, 25, kung paano naapektuhan ng pandemya ang kanyang business.

Bukod sa negosyong barbershop, isa pang hamon para kay Daniel ang ginawang pagpapasara sa kanyang kinabibilangang network, ang ABS-CBN Channel 2.

Dahil sa network shutdown, nawalan din ng trabaho ang mga artista ng TV network, kagaya nina Kathryn Bernardo at Daniel, aka KathNiel.

Noong Enero ay nag-renew ng kontrata ang KathNiel sa ABS-CBN, at nakatakda sana silang gumawa ng pelikula at teleserye.

EFFECT OF ABS-CBN SHUTDOWN AND PANDEMIC

Dahil apektado ang mga proyekto at negosyo, hindi itinatanggi ni Daniel na malaking dagok ito sa usaping pinansiyal.

Gayunpaman, desidido ang aktor na itawid ang negosyong pinag-isipan at itinayo kasama si Kathryn at mga mahal nila sa buhay.

“Talagang sapul yung Barbero Blues. Pero siyempre, hindi naman tayo puwedeng huminto doon," pagtukoy ni Daniel sa kanyang barbershop business.

“Siyempre may mga na-lay off yata, which is, hello, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin iyan, di ba, dahil hindi kayang suportahan, e.”

Continue reading below ↓

Nagkuwento si Daniel sa Star Magic YouTube video na in-upload noong September 1, 2020.

Himutok ng aktor, “Ang hirap. Hindi mo rin alam kung saan ka kukuha financially, pero siyempre, hindi pa rin natin nakakalimutan ang tumulong na kahit papano.”

Nalungkot si Daniel nang mapanood ang video sa loob ng shop, na ipinakita sa kanya ng isang co-owner.

“Wala talagang tao. Hindi mo naman talaga sila mapipilit.”

Nag-engganyo naman si Daniel at nagsabing ipinatutupad sa kanyang barbershop ang mga pag-iingat at sanitasyon para sa kaligtasan ng mga tauhan at kliyente.

May dalawang branches ang shops nina Daniel at Kathryn: sa SM North Edsa at sa SM Fairview.

Binuksan ang mga ito late last year.

Co-owners ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo, kapatid ni Kathryn na si Chrys, si Ton Lau na stylist nina Daniel at Kathryn, ina ni Daniel na si Karla Estrada, at Armando Cruz na best friend ni Karla.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging co-owner ng barbershop, may salon and spa business si Kathryn, ang KathNails.

NEXT STEPS

Ano ang susunod na hakbang ni Daniel sa kanyang negosyo?

“Ngayon, nag-iisip kami ng next steps kung ano ang pupuwede naming gawin for Barber Blues, kasi gusto ko siya itayo as a brand. So that’s the plan ngayon,” sabi ng aktor.

“Andoon kami, tinitingnan nung partners…kami ni Kathryn, and kami nina Tita Min, lahat, siyempre, kami nung team…

Continue reading below ↓

“Hindi ako eksperto sa business pero, siyempre, you have to evolve sa business mo.

“Kunwari ngayon kasi, this is abnormal, di ba, yung business mo okay. ‘Tapos nagka-pandemic pa. Anong magagawa natin?

“So kung anong puwede nating gawin o evolve or adapt or ano pa bang… we have to experiment.”

“After nito, babalik tayo nang mas malakas,” pahayag ng aktor.

May mensahe si Daniel sa ibang negosyanteng sinisikap itawid ang kanilang negosyo.

“Sa lahat ng mga nagmamay-ari din ng kanya-kanyang negosyo, well, I wish you luck, and sana maging mabuti na ang lahat para sa atin.”

PROJECTS ON HALT

Noon lamang January 15, nag-renew sina Kathryn at Daniel ng kani-kaniyang three-year individual contracts sa kanilang home network.

Nakatakda sana silang muling magtambal sa isang prime-time series na ipo-prodyus ng Dreamscape Entertainment, ang TV production company and content provider na subsidiary ng ABS-CBN.

Noong February, dumalo ang KathNiel sa story conference ng kanilang reunion movie, ang After Forever, na isu-shoot sana sa San Francisco, California, U.S.A.

Continue reading below ↓

Pero naunsyami ito dahil sa mga kaganapan, kasama ang shutdown ng ABS-CBN at ang enforced quarantine habang may pandemic.

Huling nagtambal sa pelikula sina Kathryn at Daniel sa The Hows of Us, ang kanilang 2018 blockbuster hit na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Si Garcia-Molina rin dapat ang direktor sa kanilang 2020 movie.

Ang huling teleseryeng pinagtambalan nila ay ang La Luna Sangre noong 2017.

Bago nangyari ang pandemya, natapos pa ni Daniel ang isang pelikula kasama si former ABS-CBN chief executive officer Charo Santos-Concio.

May titulo itong Whether the Weather is Fine, na balak isali sa international film festivals.

Wala release date ang naturang pelikula.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang hirap," laments Daniel Padilla about the problems that his business venture and showbiz career are facing.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results