Fabio Ide's resto-bar businesses at a standstill; turns to delivering Acai bowls

by Julie E. Bonifacio
Nov 17, 2020
Fabio Ide's latest online business venture is called Acai Vibe PH, which delivers Acai bowls/smoothie. "Your delivery boy ready to take orders," he says in one of his Instagram posts.
PHOTO/S: @fabioideofficial on Instagram

Dahil sa pandemic, karamihan sa businesses ni Fabio Ide ay nagsara.

Paliwanag ng Brazilian-Japanese model sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Kasi, puro restaurants, bars, clubs, until now, sarado lahat.

"Only iyong Japanese bar namin sa Poblacion, iyong Nomu. We're doing delivery now."

Pero iyong Mexican bar sa Siargao na Zicatela at iyong hip hang-out sa Bonifacio Global City na The Palace PoolClub ay sarado pa rin.

Dalawa ang pinagkaabalahan ng mga celebrities during the eight-month quarantine.

Isa na rito ay ang vlogging. Naisip ba niyang maging isang content creator?

"Vlog? No, no. No YouTube channel," ang sagot the Brazilian Japanese model turned actor-host.

Pero sumali raw siya sa Bigo, isang Singapore-based live-streaming platform kung saan puwede kang mag-share ng live updates sa iyong followers.

Aniya, "I am doing some hostings sa mga Bigo para ano, para masaya, para makilala ang mga tao. Kasi I'm the kind of person who really like to be around with people, di ba?"

Continue reading below ↓

How about online business?

Mas pinili niya ito over vlogging, "I was just at home, focusing sa online business ko," aniya.

At ang venture niya ay isang smoothie na galing mismo sa Brazil. Tinawag niya itong Açai Vibe PH.

Sa isang Instagram post ni Fabio, sinabi niya ang benefits ng kilalang berries na matatagpuan sa South American rainforests.

Continue reading below ↓

"Açaí has always been part of my diet and culture back in Brazil. This delicious superfood has always given me the right amount of antioxidants and energy for me to start the day strong and healthy. Being able to now share this with you guys here in the Philippines brings me so much joy and I really hope that you will share the excitement with me. Stay safe and healthy everyone!"

Continue reading below ↓

FABIO'S LATEST PROJECT

Bukod pa rito, balik-telebisyon siya.

Ayon kay Fabio, parang isang rollercoaster ride ang kanyang ten-year journey sa showbiz.

Paglalarawan niya, "Kasi minsan I had moments na I was really up there, doing a lot of projects na sunud-sunod. 'Tapos minsan wala masyado. 'Tapos again, went up. So, I would say medyo rollercoaster iyong career ko dati."

Naalala pa niya na ang kanyang first project, ang variety show na Comedy Bar, kung saan nakasama niya si Eugene Domingo, sampung taon na ang nakakaraan.

"'Tapos noon, dire-diretso na."

Ngayon ay makikita si Fabio sa bagong drama series ng Net 25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko'y Ikaw.

Umaasa si Fabio na ito ay umpisa ng marami pang show na gagawin niya.

"Yeah, sana ano, this is the first of many more blessings to come. Uh, sana itutuloy iyong mga works sa akin, and uh, I continue to do what I love most, which is ano, acting," dasal ni Fabio.

Continue reading below ↓

Kasama si Fabio sa season 2 ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw.

Hindi ba siya nag-aalala na sumabak sa taping dahil sa COVID-19?

"Uh, siyempre medyo natakot, di ba? Pero I was just doing everything, follow social distancing. I was just really, really trying to ano, lumabas.

"I did the swab test, limang beses na," kuwento ni Fabio.

"Oo nga kasi, bago ka pumunta sa ibang lugar kailangan ano, mag-swab test, 'tapos ano, bago magsisimula iyong mga guesting.

"So, limang beses na ginawa ko iyong swab test. Medyo ano, masakit sa ilong na. Grabe," reklamo pa niya.

Pero excited si Fabio sa kanyang bagong project, kung saan makakasama niya si Meg Imperial.

"Super excited ako. Masaya, kasi after six months ng lockdown, di ba?

"Puro guesting lang ako 'tapos ano, nag-focus ako sa mga online business ko. 'Tapos, mostly, sa bahay lang...ngayon, uh, binigyan ako ng bagong opportunity ng Net 25, iyong Season 2 ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw.

Continue reading below ↓

"So ayon, excited talaga ako. 'Tsaka first time ko makatrabaho si Meg. So, really looking forward for the shooting. Wala pang date. Wala pang location. Pero malapit na po. So, ayon."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fabio Ide's latest online business venture is called Acai Vibe PH, which delivers Acai bowls/smoothie. "Your delivery boy ready to take orders," he says in one of his Instagram posts.
PHOTO/S: @fabioideofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results