Karla Estrada on Daniel Padilla's savings: “At 35, he’s good...hanggang apo niya"

by Bernie V. Franco
Nov 28, 2020
Karla Estrada son Daniel Padilla
Karla Estrada to let son Daniel Padilla start managing his own finances: "Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng mga pera niya."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Ibinunyag ni Karla Estrada, 46, na napaghandaan na niya ang kinabukasan ng panganay na si Daniel Padilla, 25.

Pahayag ni Karla, pagsapit ni Daniel ng 35 anyos ay puwede na siyang tumigil sa pagtatrabaho hanggang sa magkaapo siya.

Si Daniel ay isa sa prime artists ng ABS-CBN at isa sa pinakasikat na artista sa bansa sa kasalukuyan.

Anak siya ni Karla sa dating kasintahang si Rommel Padilla.

Nagbahagi si Karla tungkol sa financial status ni Daniel sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo na ipinost noong Huwebes, November 26, 2020.

Natanong ng celebrity doctor si Karla kung nakaipon na si Daniel.

“Oo, meron naman siyang savings niya na, he’s good,” sagot ni Karla.

“At 35, he’s good. Kahit hindi na siya magtrabaho hanggang apo niya, nagtabi na tayo.”

Usisa ni Dra. Vicki, may komisyon ba si Karla sa pera ng anak?

Sagot ng Magandang Buhay host, wala, pero siya ang ingat-yaman sa pera ng anak.

Continue reading below ↓

“Wala naman. Ako lang nagha-handle lahat nung pera niya, e.

“Kasi kung anuman yung gastos namin, para din yun sa lahat, so importante may natabi sa kanya.”

Malaking bagay na hindi raw palahingi ng pera si Daniel, pero ang malaking pinagkakagastusan nito ay kotse.

Kuwento ni Karla, “Hindi naman siya palahingi. Hindi yun humihingi ng pera na cash.

“Pero mag-alala ka na ‘pag nag-ano na iyan, ‘Ma…' iba-ibang tono iyan, e...” nangingiting sabi ni Karla.

“’Pag sobrang, ‘Hi, Ma!’ Naku, patay tayo diyan. ‘O, Ma, may darating na sasakyan, ha.’”

Ganito raw magsabi si Daniel kapag may natipuhan at binili siyang sasakyan.

Dugtong ni Karla, “Hindi siya humihingi, pero pag humihingi siya, mababa ang ano kaya kumapit ka na sa pader.”

KARLA to LET daniel HANDLE his FINANCES

Ang plano raw ngayon ni Karla ay ipahawak na kay Daniel ang sarili nitong pera para matuto na ito.

Paliwanag ng actress-host: “Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng mga pera niya.

Continue reading below ↓

“Para maramdaman niya yung feeling na pag nahawakan niya, ‘tapos babawasan niya ng ganito kalaki, mararamdaman niya yung feeling na, ‘Hay, sayang.’

“Hindi niya kasi hawak kaya easy for him to say, ‘O, Ma, bayaran mo ‘to. O, Ma, may kukunin ako dito.’”

Pero paglilinaw ni Karla, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pumapayag siya sa gusto ng anak.

“I sometimes say no. Kasi parang, ‘Anak, alamin mo muna kung maganda bang klase iyan.’ Binibigyan ko siya ng ano.”

Sa edad daw ni Daniel, nasa punto pa raw siya ng bigay-gusto sa kanyang hilig, gaya ng mga mamahaling sasakyan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada to let son Daniel Padilla start managing his own finances: "Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng mga pera niya."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results