Danilo Barrios glutathione business grows amid pandemic

by Julie E. Bonifacio
Jan 21, 2021
Danilo Barrios is now based in Tarlac, where he has a thriving glutathione business.
PHOTO/S: @sbdanbarriosjr on Instagram

Full-time businessman na ang Streetboys dancer na si Danilo Barrios sa Tarlac.

Siya mismo ang nagpapatakbo ng family business nila katuwang ang kanyang misis na si Regina "Regs" Soqueno-Barrios, na siyang CEO and founder ng Tatiomax Pharma Corporation.

Apat ang companies na nasa ilalim ng corporation: ang Tatio Active Dx, Hugo Online Shoppe, Ysa Beauty, at ang jewelry line na My Precious One.

Kumusta naman ang business nila nitong may pandemic?

“God is good," kuwento ni Danilo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Lalong lumakas iyong business. Tumaas po ang sales natin kasi ang gluta softgels ng Tatio Active ay talagang maganda sa immune system. High dose ang vitamins niyan.

"Kaya mas tumaas ang demand ng tao. Ang resellers and new clients umangat ang bilang. Nag-open din kasi ito ng opportunities to work from home tapos kikita sila kasabay ng company," pahayag ni Danilo.

Bukod sa pagiging antioxidant, kilala rin ang glutathione sa "skin-lightening efficacy" nito, base sa resulta ng experiment na isinagawa ng National Institutes of Health sa U.S.

Continue reading below ↓

Imbes na magsara, nagbukas pa raw ng bagong opportunities ang COVID-19 pandemic sa kumpanya nina Darrio at Reg.

"Kasi nag-celebrate po kami ng 5,000 new resellers. Nakakatuwang i-share kasi alam naming kumikita din sila gaya namin.

"Kasi ngayong panahon ng COVID, ang hanap ng tao, pampalakas ng immune system. E, iyon po ang priority ng brand po namin noon pa man.

"Kaya itong COVID season, mas tumaas po ang demand ng softgels namin lalo na ang Glutathione softgels.”

Danilo Barrios business

Continue reading below ↓

DANILO'S RELIEF OPERATIONS

Kabilang daw kasi sa adbokasiya ng business nina Danilo ang pagshi-share at pagki-care sa mga tao. Isa sa kanilang initiatives ay ang #TatioCares (Tatio Active Dx Cares), a platform to initiate and raise funds to build support for people that suffered unexpected disasters.

Kuwento ni Danilo, "Yearly naman merong share na blessing ang Tatio Pharma Corp. sa mga kababayan natin.

"Pero last year [noong] December 10 to 14, 2020, we made sure na talagang ibuhos ang tulong sa ating kababayan sa Isabella and Cagayan Valley."

Danilo Barrios, Ttaio Active

Continue reading below ↓

Nagbigay sila ng tulong primarily sa mga taga-Cagayan Valley Region who were most affected by the typhoon Ulysses last November 24, 2020.

Ang kanilang unang ginawa ay ang pagpi-pledge na ido-donate sa typhoon victims ang ilang bahagi ng kanilang total sales from their month-long 12th anniversary celebration.

"Sinimulan agad namin buuin iyong donation drive ng company noong lumabas sa news at nakita kung gaano naapektuhan ng bagyo ang mga kababayan natin sa Cagayan.

"Lahat ng family namin and staff nag-tulung-tulong magbalot ng relief goods at nakabuo kami ng 10,000 relief [packs] para ibahagi sa ating mga kababayan doon."

Ang bawat pack ay may lamang food, hygiene kits, food supplements, important medicines, at iba pa.

Nagpunta sina Danilo sa vicinities ng Cagayan at Isabela for four consecutive days from December 10 to 14, 2020 dala ang isang truck na mayroong packs ng relief goods to distribute to everyone.

Nakapag-distribute raw sila ng relief goods sa tulong ng mga marshals and local officials na nag-escort sa kanila to ensure social distancing in compliance with COVID-19 protocol.

Continue reading below ↓

"Dumating ang trucks ng Tatio Pharma Corp. doon upang personal na iabot ang tulong sa kanila. Napakasarap sa pakiramdam ang maiabot ang tulong sa kanila lalo na sa mga bata," emosyonal na sabi ni Danilo.

Nagpapasalamat din daw si danilo sa lahat na nag-share ng part nila to show support for the drive, mula sa kanilang partners, team, clients, resellers and distributors, locals, officials, and Marshals.

DANILO ON CELEBRATING THE NEW YEAR

Tinanong namin si Danilo kung paano nila pinagdiwang ni Regine at pamilya nila ang Pasko at Bagong Taon.

“Nag-celebrate kami kasama ang family. Hindi lang same ng last year kasi medyo strict sa Tarlac kaya via online ang iba. Pero masaya pa rin kasi alam naming mas safe iyong nasa kani-kanya kaming tahanan."

Isinelebra rin ang 12th anniversary ng kanilang family business via Facebook Live noong December 18.

"Kahit na pandemic at hirap ng mga pinagdadaanan natin, naisip namin na mag-celebrate pa rin," ani Danilo.

Continue reading below ↓

Nagkaroon in ng month-long promotion at discounts for their avid customers. Part of the sales were pledged to be donated to the Cagayan Typhoon Victims.

Marami rin silang ipinamigay na prizes sa masusuwerteng netizens na nanood ng kanilang Facebook Live celebration. Mayroong papremyo na worth Php50,000 cash and packages, at raffle prizes na nagkakahalaga ng P100,000 worth of products, Php 100,000 and Php 50,000 worth of My Precious Diamond Ring, at iba pa.

RECOMMENDED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Danilo Barrios is now based in Tarlac, where he has a thriving glutathione business.
PHOTO/S: @sbdanbarriosjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results