Jessy Mendiola says wedding to Luis Manzano is happening "sooner than you think"

by Julie E. Bonifacio
Jan 27, 2021
Jessy Mendiola and Luis Manzano's prenup music video is out, and it's beautiful. When is the wedding?
PHOTO/S: Screen Grab from Jessy Mendiola on YouTube

Nagpasalamat si Jessy Mendiola sa netizens dahil sa mga magagandang comment para sa official prenup music video nila ng kanyang fiancé na si Luis Manzano.

Ni-release noong January 25, 2021 ang prenup music video sa YouTube channel ni Jessy na may 263,000 subscribers.

At press time, mahigit 300,000 views na ang inani nito.

Jessy Mendiola and Luis Manzano prenup wedding video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga nag-comment ay ang TV host at malapit na kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga.

"Ganda!!!" ang sabi ng komedyana.

Magkahiwalay na nag-reply kay Alex sina Luis at Jessy.

Ani Luis, "Thank you Ate!"

Ang sabi naman ni Jessy, "Thanks Mrs. Morada!?"

Nakahanap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng paraan para makausap ang mestiza actress tungkol sa prenup music video nila ni Luis.

Panimula niya tungkol sa concept, "Gusto kasi namin simple lang. Sinadya namin na chill lang yung video kasi ganon kami talaga. Gusto namin kapag napanood ng mga tao, masaya lang din sila at relaxed habang nanonood."

Jessy Mendiola and Luis Manzano sweet moment in prenup wedding video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang nakaisip?

"Parehas kami. Beach people talaga kaming dalawa kaya naisip namin ipakita sa prenup video na we are at our happiest by the sea."

Kuha sa white-sand beach ng Amanpulo ang music video, at malapit daw sa puso ng couple ang nasabing isla.

"It’s one of those places we fell in love with, and we wanted Amanpulo to be a part of this special moment in our lives."

Sa vlog ng stylist na si Patty Yap, binanggit niyang five days silang nag-stay sa Amanpulo, pero two days lang silang nag-shoot.

Ang glam team na kasama nina Luis at Jessy bukod kay Patty ay sina Rex Atienza, Jay Sarmiento, Patriicia Santos, Paulo Lazaro, Antonio Papa, Peps Silvestre, at Kusie Ho.

Ang photographers ay sina Pat Dy and Pauline Dy. Sina Bob Nicolas, Albert Nicolas at Fidel Galopia ang namahala sa video.

Mapapanood din sa vlog ni Patty ang ilan sa outfits ni Jessy sa shoot ng music video pati na ang mga two-piece swim wear na isusuot ng fianceè ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May eksena rin sa video kung saan inaayusan ng isa sa mga hair sytlists si Jessy .

Doon tinanong ni Patty si Jessy kung excited na ba siya para sa shoot nila that day.

"Yes," sabay ngiti ni Jessy. "I just want everyone to be very happy. 'Tsaka, I just want everyone to enjoy the shoot. Kaya two layouts na lang tayo."

Jessy and Luis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpunta sina Luis and Jessy sa Amanpulo, Palawan noong December 2020.

Kasabay ng kanilang prenup music video shoot ay ang selebrasyon ng 28th birthday ni Jessy last December 3.

Tinanong din ng PEP.ph si Jessy kung may mga na-encounter ba sila na hassle o difficulty during the shoot sa Amanpulo?

"Wala naman, sobrang nag-cooperate yung weather. Walang edit yung pics and video. Sakto kasi when we got there, it was raining. Pero after a day or two, nung shoot day na talaga namin, nawala yung ulan at nagclear up yung clouds.

"Kaya ang ganda ng sunset nun, halatang meant to be. Pinaganda ni Lord yung panahon."

Ngayong na-release na ang prenup music video, inaabangan ng marami ang announcement kung kailan magaganap ang nalalapit na grand wedding nina Luis at Jessy.

"Secret," may pa-emoji pang tugon ni Jessy.

Dugtong niya, "Pero sooner than you think."

Samantala, ang kantang ginamit sa prenup music video ay ang cover version ng English singer na si Harvey Leigh Cantwell, na kilala rin bilang si Hrvy, sa kantang "Baby I Love Your Way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "Baby I Love Your Way" ay sinulat at orihinal na inawit ng English singer din na si Peter Frampton noong 1970s.

And last but not the least, muling inacknowledge ni Jessy ang nag-design at gumawa ng "bagong" engagement ring niya, ang Manila Diamond Studio.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola and Luis Manzano's prenup music video is out, and it's beautiful. When is the wedding?
PHOTO/S: Screen Grab from Jessy Mendiola on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results