Ate Gay's siomai business folds up: "Walang nagbabantay"

by Rommel Gonzales
3 days ago
Ate Gay had no choice but to close her siomai business after her shooting for the movie Ayuda Babes began.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram

Nagsara na ang negosyo ni Ate Gay na Ate Gay's Siomai Himala, na binuksan niya noong July 2020.

Sa presscon ng pelikulang Ayuda Babes na naganap noong February 16, 2021, sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City, sinabi ng stand-up comedian, "Wala na yun, nung ECQ [Enhanced Community Quarantine] lang yun, e.

"ECQ, wala akong magawa, e, sarado yung mga ano, comedy bars, e, hangga't wala kang mga ginagawa, e, di nagtayo ka ng Siomai Himala.

"Ngayon nung medyo okay-okay na ang trabaho, isinara ko na."

Hands-on kasi siya sa kanyang naging negosyo kaya wala siyang choice kundi isara ito.

Sa pagpapatuloy ni Ate Gay, "E, kasi walang nagbabantay. Pag wala ako dun, walang bumibili, e!

"Kasi yung mga bumibili dun, nagpapa-picture kasi nga ang ganda ng appearance ko sa 24 Oras."

Matatandaang na-feature sa ilang programa ng Kapuso Network tulad ng 24 Oras at Mars Pa More ang negosyo ni Ate Gay.

Continue reading below ↓

Pagdating naman sa bread and butter niya for 25 years na comedy bars, mukhang hindi raw ito basta-basta makaka-recover agad.

"Parang magsisimula uli, kumbaga matatagalan yun bago mag-ano."

ATE GAY COUNTS ON MOVIES

Mabuti na lang nakasama siya sa Ayuda Babes.

Bale ito ang pangalawang pagbibida ni Ate Gay sa pelikula. The first time was the indie movie Jupit, na ipinalabas noong 2006.

Continue reading below ↓

Ano ang masasabi ni Ate Gay na matapos ang labinlimang taon ay may pagbibidahan na naman siyang pelikula?

"Okay naman, masaya! Sabi ko nga dapat pala ganito yung mga pelikula para hindi ka nahihirapang magpatawa.

"Kasi bukod sa nakakatawa yung mga kasama ko, e, talagang lalaban ako sa pakikipagtawanan."

May nagsapawan ba o nagpatalbugan sa pagpapatawa among the cast members?

"Ay, wala! Siyempre hindi nila ako masasapawan ano, ako pa ba," at tumawa si Ate Gay.

Tampok din sa pelikula sina Gardo Versoza, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, at Iya Mina, pati sina Joey Paras at Zeus Collins.

Introducing naman ang "Bidaman" finalist na si Dan Delgado, ang tinderang masungit sa YouTube na si Bernie Batin, at si Bubble Gum Pop Princess Christi Fider.

Sa direksiyon ni Joven Tan, may special participation sa pelikula sina Marlo Mortel at Marc Logan.

Mula sa Saranggola Media Productions, ipapalabas ito sa March 5, 2021, via streaming sa iWantTFC at KTX.ph.

Continue reading below ↓
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay had no choice but to close her siomai business after her shooting for the movie Ayuda Babes began.
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results