Gardo Versoza dances in size-12 stilettos, p*ekpek shorts "basta mapasaya mo si wifey"

by Rommel Gonzales
Feb 23, 2021
Gardo Versoza dancing in high heels and p*kpek shorts is an idea of wife Ivy Vicencio.
PHOTO/S: @gardo_versoza on Instagram

Agaw-atensiyon si Gardo Versoza sa kanyang mga Tiktok videos.

Sa edad na 51 at noong kasagsagan ng pandemya, naging popular ang kanyang mga dance videos suot an kanyang size-12 stiletto heels.

Alam niyo bang meron siyang walong pares ng heels na pang-Tiktok sa kanyang wardrobe?

Hindi lang matandaan ng aktor kung ano ang brand ng mga stiletto niya dahil "si kumander" o ang misis raw niyang si Ivy Vicencio ang bumibili ng mga iyon.

Bakit naisipan ni Gardo na mag-Tiktok?

"Si Kumander iyong may pakana nun, e. Wala naman akong alam dun sa Tiktok," natatawang kuwento ni Gardo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes, February 16 sa presscon ng kanyang upcoming movie na Ayuda Babes.

Naganap ang presscon sa Max's Restaurant sa Roces Avenue sa Quezon City.

Pati raw ang pagsusuot niya ng stiletto heels ay ang misis niya ang may ideya.

"Kasi parang sabi niya, 'O, nagbe-beki ka naman di ba?' Sabi niya, 'Try mo kayang mag-heels?'

Continue reading below ↓

"'Tapos sabi niya, 'Try mo kayang mag-p*kpek shorts?'

"Sabi ko, 'Parang nilalapastangan niyo na iyong pagkalalaki ko, ah,'" at tumawa si Gardo.

Paano siya napapayag?

"Kumbaga basta mapasaya mo si wifey, di ba? Go lang ako nang go!"

GARDO ON MAKING TIKTOK VIDEOS

Gaano katagal niya nire-rehearse ang bawat Tiktok video niya?

"Minsan mga tatlong beses, apat na beses or pag naman parang alam na ni Kumander iyong routine, kumbaga, take na agad."

Ayon mismo kay Gardo, kahit madalas siyang naka-stiletto heels ay never pa raw siyang nadapa o natapilok habang sumasayaw.

"Naku hindi pa naman, huwag naman sana. Kasi pataas nang pataas, e. Like iyong ngayon yata, iyong kinuha niya para sa akin, parang eight inches na, e!"

Mahirap rin daw ang ginagawa niya kaya minsan ay inaabot siya ng isang oras na rehearsal bago niya magawa ang routine niya nang naka-stiletto heels.

Nagkaroon rin ng oras na gumawa ng Tiktok videos si Gardo noong naka-lock-in taping siya kasama ang cast ng romantic comedy series The House Arrest of Us (THAOU) noong September 2020.

Continue reading below ↓

Sa isang Tiktok video, kasama ni Gardo ang kanyang THAOU co-stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsayaw sa saliw ng "Savage Love" ni Jason Derulo.

Paano niya nakumbinsi ang KathNiel na sumali sa kanya, lalo na si Daniel na walang Tiktok account?

Kuwento ni Gardo, "Actually hindi ko rin alam iyong parang, kung ano iyong talagang dahilan, e, pero kasi sila kasing magdyowa, napakabait at napaka-sweet.

"So nung time na iyon, after kong makausap si Daniel, si Kathryn naman iyong kinausap ko and then iyon. Nagpapasalamat ako kasi na-enjoy din naman nila."

Continue reading below ↓

Nag-viral ang nasabing video dahil unang beses iyon na nag-Tiktok na magkasama sina Kathryn at Daniel, bukod pa sa bigay-todong pagkembot ni Daniel na never nitong ginawa sa kahit na anong social media platform.

May Tiktok video rin si Gardo kasama ang KathNiel at sina Alora Sasam at Hyubs Azarcon, na nasa cast rin ng THAOU.

Sa isang video naman ay kasama ni Gardo ang iba pang cast members ng THAOU na sina Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla, Anthony Jennings, at Herbert Bautista.

Continue reading below ↓

GARDO ON CAMPAIGNING FOR CANDIDATES IN THE 2022 ELECTIONS

Malapit na ang eleksyon, paano kapag may mga pulitiko o presidential candidates na lalapit sa kanya para iendorso o ikampanya niya sa pamamagitan ng Tiktok?

Papayag ba siya?

Aniya, "Alam niyo iyong sa ngayon, para kasing siguro kung mapapayag man, parang meron din akong paglalaanan kung sakali, e. Kasi like parang in the past, medyo hindi ako gaanong ano kasi nga mahirap dahil parang, di ba pag may sinuportahan ka kailangan talagang buung-buo iyong pagka-bilib mo sa kanya, e.

"So sa ngayon parang if ever man na kung may lumapit, and then parang magkasundo kayo, parang automatic iyon, like kung hindi man parang institusyon na ano, may mapupuntahan kaagad kumbaga iyong ano kung sakali."

Kung "if the price is right?"

"Oo parang sa ngayon kasi wala na, e, kumbaga, parang sa ayaw mo't sa gusto, hindi mo na basta-basta mababago iyong sistema, di ba?" ang honest na sagot ng aktor.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, busy si Gardo sa pagpo-promote ng kanyang pelikulang Ayuda Babes.

Tampok din sa pelikula sina Ate Gay, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, at Iya Mina, at sina Joey Paras at Zeus Collins.

Introducing naman sa Ayuda Babes sina Bidaman finalist Dan Delgado, ang tinderang masungit sa Youtube na si Bernie Batin at ang Bubble Gum Pop Princess Christi Fider.

Sa direksiyon ni Joven Tan, may special participation sa pelikula sina Marlo Morte at Marc Logan.

Mula sa Saranggola Media Productions, ipapalabas ito sa March 5 via streaming sa iWantTFC at KTX.ph.

HOT STORIES

Use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza dancing in high heels and p*kpek shorts is an idea of wife Ivy Vicencio.
PHOTO/S: @gardo_versoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results