Leandro Baldemor: From bold actor to bold ventures as manlililok

by Jerry Olea
Mar 2, 2021
leandro baldemor carving
Leandro Baldemor on carving business: “Fifteen years ago, nag-start ako sa santo. Trial and error. Doon na nagsunud-sunod. Nakatanggap na ako ng order para sa furniture sa simbahan, retablo, santo. So sabi ko, sa kahoy pa rin pala ako babagsak. Twelve years nang tumakbo iyong aking business, iyong legal."
PHOTO/S: Lee Santiago/Black Ant Lensman

Nursing student si Leandro Baldemor nang mag-umpisa bilang bold actor sa defunct film production outfit na Seiko Films.

Tatlong pelikula niya ang ipinalabas noong 1996—Sariwa with Priscilla Almeda, Patikim ng Pinya with Rosanna Roces, at Tukso, Layuan Mo Ako 2 also with Priscilla.

Leandro Baldemor with Priscilla Almeda and Rosanna Roces

Leandro with former leading ladies Priscilla Almeda (left) and Rosanna Roces (right)

Continue reading below ↓

Sa edad niyang 45 ngayon, tinatawanan na lang ni Leandro ang kanyang pagiging hubadero noon.

Bagamat lumalabas-labas pa siya sa TV at pelikula, hindi na aktor ang pangunahing propesyon ni Leandro sa sarili.

“Ang hanapbuhay ko rito, iyong carvings na, handicraft na. Sa simula pa man, iyon na ang aking hanapbuhay,” matamang pahayag ni Leandro nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Pebrero 25, 2021, Huwebes, sa kanyang tahanan sa hometown niyang Paete, Laguna.

Ang huling showbiz project ni Leandro ay ang Kapuso drama series na The Gift (Setyembre 2019-Pebrero 2020) na pinagbidahan ni Alden Richards.

Pagpapatuloy ni Leandro, “Pero nag-solo ako, twelve years na. May mga tauhan ako na katuwang sa paggawa ng religious items. Ako iyong last touch ng mga obra. Iyong mga detalye.”

Mga poon ang karamihang likha ni Leandro.

“Like, iyong mga Birhen, Jesus Christ, iyong mga pamprusisyon natin, pam-pilgrimage.

“Iba-iba ang sizes, depende sa client kung ano ang gusto niya kasi made-to-order kami.

Continue reading below ↓

“Halimbawa, iyong ginagawa namin ngayong La Naval sa Bicol, pam-pilgrimage. Forty feet ang taas niyon.

“May ongoing din tayong ginagawa para sa Holy Week. Ang mga client ko ngayon, usually, mga tawid-dagat na.

“Cebu. Mindanao. Surigao. Cagayan de Oro. Ganun na iyong mga client natin sa ngayon.”

Leandro Baldemor with his Virgin Mary figure

Continue reading below ↓

MANLILILOK AT A YOUNG AGE

Kagaya ng ibang mga manlililok ng Paete, bata pa si Leandro nang pasimulan ang pag-ukit.

“Elementary pa lang kami, tinuturuan na kaming mag-ukit. Mga Grade 6 ako noon, eleven years old, twelve years old,” salaysay ni Leandro.

“Iyong pag-uukit, normal na sa amin. Kasi bata ka pa, pagmulat mo ng iyong mga mata, maaamoy mo na kaagad iyong amoy-kahoy, amoy-varnish, sanding sealer. Alam mo na kaagad.

“Kasi nasa working area mo minsan iyong bahay mo, paglabas mo, iyon na iyong working area mo noong kabataan kami.

“So exposed na kami sa ganoong hanapbuhay. So hindi ko masagot kung kailan talaga kami nagsimula.

“Siguro, since birth, iyon na iyong ano namin, e. Kumbaga, ang environment mo, hanapbuhay na sa tao, e.”

Sa kanilang pamilya, sino talaga ang pasimuno sa pag-uukit?

“Ang lolo ko,” mabilis na tugon ni Leandro.

“Ang Lolo Vener Baldemor, iyon ang parang... pioneer na nag-e-export din ng mga handicraft, basta about wood and carvings.

Continue reading below ↓

“In-export niya sa Hawaii, sa Amerika, sa iba’t ibang lugar. Iyon ang nag-pioneer dito na i-market ang produkto ng bayan ng Paete.”

Ang pag-uukit ay hindi lang isang trabaho para kay Leandro.

Nakangiti siya nang sabihin niyang, “Actually, satisfied ako at love ko ito, e. Kasi, di ba, pag gagawa ka ng isang bagay, hindi na parang hanapbuhay sa iyo, para mo na itong passion.

“Kasi minsan, pag hanapbuhay, nagsasawa ka na. Ito kasi, passion ko na... na makagawa ako ng isang art, mabigay ko iyong fulfillment ng client natin.

“And makatulong ako sa mga relihiyoso na... kami, sagrado kami na Katoliko—so, para bang malaking tulong ko rin sa mga Katoliko na kahit paano, nabibigyan natin ng buhay iyong mga images, na parang picture ng mga sinaunang banal na tao.”

Leandro Baldemor San Miguel Arkanghel painting

Continue reading below ↓

San Miguel Arkanghel: Work in progress. Sinimulang ipinta ni Leandro noong 2012. Gagawan pa ng traviesa.

LEANDRO, AN ARTIST THROUGH AND THROUGH

Bagamat nag-showbiz, nananatiling promdi si Leandro. Hindi niya naisip na mamuhay sa Kamaynilaan.

“Ako naman kasi, simpleng buhay lang. Simula’t simula, pribadong tao lang ako, e,” pag-amin ni Leandro.

“Kasi, unang-una, sabi sa akin ng manager ko noon na si Tito Bob [Bobby Yalong], ‘Huwag mong ipapasok iyong sistema mo sa showbiz.’

Wala akong against sa showbiz kasi, maganda ang showbiz, malaking tulong sa akin.

“Kasi, kung hindi naman sa showbiz, walang Leandro Baldemor. Kahit lumalabas pa ako sa TV at movies, hindi ko kinakalimutan iyong sinabi ni Tito Bob.

“Huwag mong ipapasok iyong sistema mo sa showbiz. So, iba iyong pribado mo, iba iyong showbiz mo.

“So, iyon ang aking pamantayan, na kailangan... iyong buhay ko, gaya niyan, probinsyano ako, hindi ko na tinanggal.

“Kasi ang gusto ko kasing maging buhay rin ay simpleng buhay. Iyong pamilya ko, okay naman. Kumakain kami tatlong beses sa isang araw.”

Continue reading below ↓

Nasa puso at kaluluwa ni Leandro ang pagiging Lagunense, at pagiging artist ng Paete.

“Hindi mo na maiaalis sa akin iyon,” pakli ni Leandro.

Tatlo ang mga anak niya—edad 21, 12, at 11. Tinuturuan niya ang mga ito ng pagiging artist.

“Marunong mag-drawing iyong aking panganay. 'Tapos, iyong aking bunso, nagpipinta,” saad ni Leandro.

“Marunong sila sa proportion. Sa paglililok, wala pa. Hindi ko pa sila nae-expose doon.

“Maganda kasi, matutunan muna nila iyong scaling. Malaman muna nila kung ano iyong sistema.

“Kasi, dapat alam muna ng isang bata ang scaling, at dapat may magtuturo sa kanyang expert. Kasi, kung abilidad lang, estilo lang, e, madali lang.

“Pero iba iyong may aral. Katulad ko, ako, nag-aral ako sa pinta. Nag-aral ako sa carvings. Kasi, iyong pagka-carve, hindi naman basta nag-carve.

“Dapat, may pag-aaral ka pa rin. Iba pa rin iyong natutunan mo noong bata ka, at iba pa rin iyong talagang pag-aaralan mo.”

Continue reading below ↓

Gaano katagal bago niya matapos ang paglilok ng isang religious item?

“Ahh, marami kasing proseso iyan. Hindi basta kahoy iyan na inukit. Unang-una, magandang kahoy na gagamitin natin ay batikuling wood.

“Iyong batikuling wood, para hindi mawala ang Paete, hindi mawalan ng hanapbuhay na handicraft, e, gumawa ang aming mayor, Punumbayan Rojilyn ‘Mutuk’ Bagabaldo, at pinagkasunduan sa Sangguniang Bayan na magkaroon kami ng taniman sa bundok.

“Malaking bagay para sa amin iyon na meron na kaming sariling taniman. Merong kapalit ang mga batikuling na pinag-uukitan."

Batikuling wood

Continue reading below ↓

Batikuling wood is used in carving religious items

Patuloy ni Leandro, “Saka kami ang Carving Capital of the Philippines, so... ‘Saan nanggagaling ang kahoy ninyo? Ano ang pinanggagalingan?’

“Ngayon, sasagutin natin. Meron na kaming mga taniman. Saka iyong mga reused na kahoy, ginagamit namin.

“Mangyari, puwede rin kaming mag-ukit sa styro, puwede kaming mag-ukit sa vegetables, sa fruits, sa yelo.

“Meron kaming alternative, na puwede nating gawing fiber glass, puwede nating gawing resin. Hindi lang basta kahoy.

“Noong wala pang pandemya, meron kami ritong tour. Ang mga eskwelahan, dito nagpupunta. Bus-bus iyan.

“Nagpapakita kami ng mga trabaho rito sa Paete, kabilang ang papier-mache. Malakas ang papier-mache pag magpa-Pasko. Kasi, iyong Santa Claus.”

LEANDRO'S BUSINESS VENTURES

Mas lumakas ang kita ng ibang mag-uukit sa Paete bago mag-Semana Santa last year, na naka-community quarantine ang karamihan ng lalawigan.

Marami pa rin ang nagpagawa ng poon. Iyong panaha (nakalaang gagastusin) para sa Holy Week, napunta sa pagpapalilok ng religious items.

Continue reading below ↓

Leandro Baldemor with his Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo figure

Pagsundo (2015): Vision ni Leandro ng Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo

“Naramdaman ko iyon,” pag-amin ni Leandro.

“Naramdaman ko iyon, kasi po, unang-una, iyon bang... parang panghahawakan... sa akin, ha? Ako kasi, naramdaman ko iyon, akala ko, katapusan na ng mundo noong biglang nag-lockdown.

Continue reading below ↓

“Kasi ang mga napapanood natin, di ba, sa TV, sa pelikula, pag nag-lockdown, talaga akala mo, gutom na, ano na.

“Mabuti na lang, nagkaroon ng liwanag. 'Tapos, iyong iba, wala nang panghahawakan kundi siguro mga... e, huwag nating iano.

“Kasi, kapag ibang relihiyon, wala naman akong against. Pero iyon kasing mga Katoliko, kahit papaano iyan, di ba, may mga image tayo na pagkakapitan?

“Na kahit papaano, parang cellphone iyan, na meron kang signal. Iyon iyong mga santo na... doon tumataas ang pananampalataya, doon sa mga image.

“So dire-diretso naman ang order. Meron ako na mga delivery kahit papaano. Merong quarantine and travel passes, so okay naman iyong negosyo namin.

“Kaya nagtaka nga ako noong pandemya, iyong gagawin kong altar sa Negros, e, pina-go pa ni Father sa akin.

“Malaking bagay iyon sa mga tauhan ko kasi walang kakainin. E, ang daming natulungan!

“Iyong order ng mga santo at mga altar-altar, diretso. Kaya kami, habang pandemya, gumagawa kami. Isang compound kami rito ng mga tauhan ko.”

Continue reading below ↓

Mas naging relihiyoso ba ang mga tao sa panahon ng pandemya?

“Wala kang kakapitan, e!” bulalas ni Leandro.

“Kundi ang Panginoon, saka iyong faith mo na, ‘Sana, mabuhay kami. Sana, matapos ito.’ So parang ganoon ang naging sitwasyon.

“Hindi ko naman sinasabing negosyo ko iyon, pero malaking tulong din sa mga natutulungan namin. Di ba?

“Pangalawa, nakakagawa kami ng image na nakakatulong kami sa nagpagawa. Kasi, lalong kumakapit sa faith, di ba?”

Jesus Christ ang paboritong ukitin ni Leandro. "Ecce Homo" ang una niyang nililok.

Leandro Baldemor first artwork: ECCE HOMO

Continue reading below ↓

Leandro with his first artwork, "ECCE HOMO (Behold The Man)," way back 2010

Pagtatapat ni Leandro, “Actually, ayaw ko nang magkahoy noon. Kaya ang dami kong sinubukang hanapbuhay.

“Naghanapbuhay ako ng isda. May mga palaisdaan ako rito, e. Iyong iniwan ng lolo ko, may mga pitak ng palaisdaan diyan.

“Ang nangyari, nagsubok ako ng tilapia. Nagsubok ako ng manok. Nagsubok ako ng chicharon. Nagsubok ako ng computer shop. Nagsubok ako ng restaurant.

“Hindi ako magklik. Wala talagang nagklik. Nagdasal ako, ‘Lord, bakit hindi ako magklik sa aking hanapbuhay?

“Fifteen years ago, nag-start ako sa santo. Trial and error. Doon na nagsunud-sunod. Nakatanggap na ako ng order para sa furniture sa simbahan, retablo, santo.

“So, sabi ko, sa kahoy pa rin pala ako babagsak. Twelve years nang tumakbo iyong aking business, iyong legal.

“Kasi, noong una, sumusubok ka pa lang. Wala ka pang mga resibo noong una. Ngayon, kumpleto ka na ng papeles. Legit ka na.”

Continue reading below ↓

Leandro Baldemor religious figures

LEANDRO BALDEMOR, THE BOLD STAR

Nagugulat ba ang ibang kliyente niya na ang ka-deal nila ay nag-artista pala?

Napangiti muli si Leandro, “Minsan, hindi. Iba kasi iyong page ko sa aking Facebook, e. Mapapansin mo iyong personal Facebook account ko, wala akong post na ginawa ko.

Continue reading below ↓

“Iba iyong page, Paete Handicraft by Leandro Baldemor. So iba iyong aking negosyo na nasa page. Magkabukod sila, hindi sila magkasama.

“Iyong iba, nagugulat. ‘Ikaw pala iyong... bold star dati!’ Hahaha! Minsan, iyong mga pari, nagugulat.

“Ako, hindi naman ako nagpapakilala, e. Sasabihin ko, ‘O, Father, sige po, susunduin ko kayo sa ano.’

“Kasi, ganoon ako, e. Pag iyong pari kasi, siyempre pag dumating sila ng Batangas, galing ng kung saang lugar, halimbawa, Marinduque, o Mindoro... pagdating ng Batangas, hindi na nila alam kung saan ba ang bayan ng Paete.

“So, ang ginagawa ko... ano sila, barko... Ang gagawin ko, pi-pick up-in ko na sa pier.

“Pag client mo kasi, lalo na kung pari iyan—hindi naman sa pag-aano, ang pari ay malaking tulong sa akin.

“Kasi, kahit saang parokya magpunta iyan, at kaibigan mo iyang pari, tutulungan ka niya, tutulungan mo siya. Tulungan kayo.

“Symbiotic relationship iyan. Hindi basta one-way iyan. Tutulungan ako ni Father, tulungan ko siya.

Continue reading below ↓

“Kasi unang-una, napupunta sila minsan sa simbahan o chapel na magsisimula muli siya. Pinaganda na niya iyong chapel na ito—kaya kawawa rin minsan ang pari, tumatanda sila na tulong lang nang tulong.

“Wala silang ginagawa kundi tumulong. Eto, pagagandahin nila ang simbahan, ang parokya. Pagkatapos gumanda, lilipat na naman sila.

“Suwerte ka kung maganda ang malipatan mo. Ngayon, kung pangit na naman, mag-start ka na naman, di ba?

“Hindi naman sa pangit, kundi kumbaga maraming kulang, maraming dapat ayusin, o gawin. So, tulungan lang.

“Ngayon, nasa Batangas siya, susunduin ko siya papunta rito sa Paete. Nagugulat siya. E, di ba, may mga kasama iyon? Hindi naman puwedeng si Father lang.”

Young Leandro Baldemor as a sexy star

Continue reading below ↓

Leandro during his prime as a sexy actor

Ngumusu-nguso si Leandro at nagmuwestra, “Pagdating dito, ‘Sir, sandali lang po. Kayo po ba iyong bold star dati?!’ Hahaha!

“Niloloko tuloy ako ni Father, ‘Sir Leandro, baka naman... puro hubo iyong madali mo?’ Hahaha! Hindi rin naman iyon seryoso. Biro lang.

“Meron ding pari, pag magkausap kami, ‘Sir Leandro, si Father ano ito. Alam mo, nung ako ay high school, napapanood kita!’

“Hahaha! ‘Hoy, Father, magpapari ka!’ ‘High school pa lang ako noon! Magka-college pa lang ako noon, napapanood ko iyong puwet-puwet mo noon!’ Hahaha!

“Tawa ako nang tawa pag nagkukuwento si Father ng ganoon. E, siyempre, nakakatuwa. Kasi, na-break agad ang ice ninyo, di ba?

“Na-break agad ang ice ninyo, na parang... sa isip ko, ano kami nito, maganda ang aming relasyon. Kaya malaking bagay ang pagso-showbiz, e.

“Hindi lang basta nag-bold star ka. Minsan nga, nagkakatuwaan na lang.”

Leandro Baldemor with writer Jerry Olea

Continue reading below ↓

Leandro Baldemor with the author, Jerry Olea

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Baldemor on carving business: “Fifteen years ago, nag-start ako sa santo. Trial and error. Doon na nagsunud-sunod. Nakatanggap na ako ng order para sa furniture sa simbahan, retablo, santo. So sabi ko, sa kahoy pa rin pala ako babagsak. Twelve years nang tumakbo iyong aking business, iyong legal."
PHOTO/S: Lee Santiago/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results