Rodjun Cruz, may tips tungkol sa pag-aasawa kay Rayver Cruz

by Rommel Gonzales
Mar 13, 2021
Rodjun Cruz, a proud kuya, says Rayver is the better dancer: "Hindi lang siya pang-Pilipinas, puwede siyang pang-Hollywood/international."
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram

"Huwag kang matakot bumuo ng pamilya."

Ito ang payo ni Rodjun Cruz sa mga lalaking nagsisimulang bumuo ng pamilya.

It took him 10 years bago ito nag-propose sa misis na niya ngayon na si Dianne Medina. More than a year na rin silang kasal, at sobrang ini-enjoy ang family life nila kasama ang seven-month-old baby nila na si Joaquin.

Malaking bagay ang faith-plus-work formula niya sa marriage.

Ang dagdag na payo niya, "Basta tandaan mo na dapat laging number 1 ang Diyos sa inyo. Dahil kasama niyo Siya palagi sa journey. Hinding-hindi ka Niya pababayaan at ang pamilya mo.

"Siyempre bukod sa madaming blessings from the Lord kailangan mong maging masipag at pursigido para makapag-provide rin sa family mo.

"Mahalin mo at alagaan mo mabuti ang pamilya mo. Team work kayong pamilya."

Sakaling magsabi sa kanya ang nakababatang kapatid na si Rayver Cruz na magpapakasal na ito sa nobyang si Janine Gutierrez, ano ang magiging reaksiyon ni Rodjun?

Continue reading below ↓

"Siyempre super-saya! Support ako sa kung anong desisyon ni Rayver dahil love na love ko siya, and gusto ko yung palagi siyang masaya.

"Mahal ko rin kung sino ang nagpapasaya at nagmamahal sa kapatid ko.

"Matured si Rayver mag-isip at sobrang proud ako sa kanya sa lahat ng achievements niya.

"Deserve niya ang lahat ng yun. Blessed siya dahil napakabuti niyang tao, generous, at mapagmahal.

"Excited ako sa future nila siyempre."

Bagong tayo ang bahay ni Rayver na ang biro ni Janine ay mas maganda sa bahay nina Rodjun at Dianne.

Masayang-masaya naman si Rodjun para sa kapatid. Sa Instagram post niya kahapon, March 12, ang sabi ng 33-year-old Kapuso actor, "Wow!!! Sobrang solid ng house mo @rayvercruz. Pang-King talaga. Napakaganda! Super proud kami sa iyo at Sigurado akong lalo na sila Mama & Papa in Heaven! Deserve mo lahat ng yan. I Love you! God bless you more my Brother"

Continue reading below ↓

Ano ang advice ni Rodjun kay Rayver pagdating sa pakikipagrelasyon?

"Na sa relationship dapat nasa center ninyo palagi si Lord. Dahil lagi Niyang ibe-bless ang relationship ninyo. Puno ng love at happiness at kahit anong pagsubok ang dumating hindi Niya kayo pababayaan.

"Dapat hindi mawawala ang oras at panahon mo sa taong mahal mo. Dapat team kayo. Magmahalan, magintindihan at alagaan ninyo ang bawat isa."

Continue reading below ↓

Pareho sila ni Rayver na guwapo, pero kung husay sa pagsasayaw ang usapan, sino sa kanilang dalawa ang mas mahusay?

"Siyempre si Rayver! Dati ako ang nagtuturo sa kanya, pero ngayon aminado ako, ibang level talaga siya.

"Hanggang ngayon, sobra akong nabibilib pag nagpe-perform siya.

"Hindi lang siya pang-Pilipinas, puwede siyang pang-Hollywood/international. Kaya ‘King’ ang tawag ko sa kanya kasi napakahusay talaga niya at talented."

Sa pamamagitan ng e-mail ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun Cruz kagabi, March 12, 2020.

RODJUN CRUZ'S FAMILY LIFE

Itinanong rin ng writer na ito ang tungkol sa pagiging ama ni Rodjun kay Baby Joaquin.

"Napakasaya at napakasarap maging isang ama. Hindi ma-explain ang kaligayahang naibibigay sa amin ni Baby Joaquin. Blessed at thankful talaga kami kay Lord every day at binigay Niya sa amin si Baby Joaquin.

"Answered prayer talaga."

Ipinanganak si Joaquin noong September 10, 2020, sa gitna na pandemya. At tila mas naging blessing, instead of challenge, ito kay Rodjun dahil naging mas tutuok sila as parents.

Continue reading below ↓

"Hindi naman mahirap. Pagsubok lang dahil ingat na ingat talaga kami kay Baby Joaquin at hindi namin siya mailabas, pero sa kabila ng lahat thankful kami dahil si Baby Joaquin ang nagbibigay kaligayahan at inspiration sa amin.

"Happy din ako dahil na-focus ko talaga ang oras at panahon kasama ang pamilya ko. Mas lumalim pa ang faith namin kay Lord dahil bukod sa binigay Niya ang aming hiling ay hindi Niya kami pinapabayaan.

"Protektado kami, siyempre, good health, at madami pa ring pumapasok na endorsement at trabaho. Kaya nakakapag-provide at nasusubaybayan ko ang aking pamilya. Praying din palagi na matapos na ang pandemic para sa mas magandang future ni baby Joaquin."

Ano ang mga naging challenges para kay Rodjun?

"Hindi ko siya tinitingnan na challenge para sa akin. Blessed ako sobra, na malakas ako para maalagan ko [sina] Baby Joaquin at Dianne at thankful ako sa oras ko kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Continue reading below ↓

"Kahit ano gagawin ko para sa kanila at masaya ako doon. Maganda rin kasi sa amin ni Dianne team work kami kaya mas magaan din."

RODJUN CRUZ ON MAGPAPAKAILANMAN

Ngayong Sabado, Marso 13, mapapanood si Rodjun bilang si Randy sa Magpakailanman episode na “The Abused Pregnant Wife” alas otso ng gabi sa GMA.

Itinatampok din dito si Liezel Lopez bilang Aila, at kasama sina Glenda Garcia, Gilleth Sandico, Elle Ramirez, at Lowell Conales. Ito ay mula sa direksyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Angel Launo, at panulat ni Benson Logronio.

Sa kuwento ay minamaltrato at inaabuso si Aila ng ina at kapatid ni Randy.

Tinanong namin si Rodjun, kung sa tunay na buhay ay malalagay siya sa sitwasyon ni Randy, paano niya ipagtatanggol ang misis niya sa pang-aabuso ng ina at kapatid niya?

"Kakausapin ko ang aking nanay na mali ang ginagawa niya, kailangan niyang mahalin at respetuhin din ang taong mahal ko at nanay ng apo niya.

Continue reading below ↓

"Ipagbabati at gagawin ko ang lahat para magkasundo sila. Dahil alam ko na sa pagmamahal nila sa akin kayang magbago at ayusin para sa betterment ng lahat."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodjun Cruz, a proud kuya, says Rayver is the better dancer: "Hindi lang siya pang-Pilipinas, puwede siyang pang-Hollywood/international."
PHOTO/S: @rodjuncruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results