John Lapus rises above pandemic worries: “Isa na lang ang pinagkakautangan ko"

by Ruel J. Mendoza
Apr 2, 2021
To keep his pandemic worries at bay, John Lapus is not saying no to any raket: “Tumatanggap pa din naman ako ng acting, writing, creative consulting jobs. Kahit ribbon-cutting, laban ako!"
PHOTO/S: @korekkajohn on Instagram

Simula noong magkaroon ng regular show ang comedian-director na si John “Sweet” Lapus, naging maayos na raw ang lahat sa buhay niya, mentally and financially.

Matatandaang dumaan sa matinding depression si Sweet noong nagkaroon ng ilang buwang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic last year.

Kumusta na ang kalagayan ni Sweet ngayon?

“Heto at nakakabawi na tayo," kuwento ni Sweet nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger nitong March 22, 2021.

Nakakabawi na rin daw siya nang paunti-unti dahil sa tuluy-tuloy na trabaho niya.

Aniya, "Iyong unang suweldo ko sa teleserye na Paano Ang Pasko? nagbayad na ako sa iba na may utang ako.

“Isa na lang ang pinagkakautangan ko. Mabuti at tunay ko siyang kaibigan at naiintindihan niya ang naging sitwasyon ko.

“Sana matuloy agad ang next show ko, this time as director naman, para hindi matengga nang matagal.

“Tumatanggap pa din naman ako ng acting, writing, creative consulting jobs. Kahit ribbon-cutting, laban ako!"

Continue reading below ↓

JOHN LAPUS ON PAANO ANG PANGAKO? TAPING EXPERIENCE

Naikuwento rin ni Sweet na malaking bagay para sa kanyang mental health ang pagkakaroon niya ng regular show.

Ang sabi niya sa PEP.ph, “Napakalaking tulong ng Paano Ang Pasko? [now retitled Paano Ang Pangako?] sa aking mental health. Nababaliw lang naman ako kapag walang ginagawa.

“Kaya l’m so grateful sa IdeaFirst for this job. They saved me emotionally, mentally, at financially. Miss ko na ang buong PAP family. Napakasaya ng set namin.”

Ang isa pang ipinagpapasalamat ni Sweet ay ang pag-alaga ng production team ng IdeaFirst sa kanilang kalusugan.

“Napakabait nila and they assured our safety during our lock-in taping.

“May RT-PCR [Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction] test swab bago kami pumunta sa hotel namin sa San Pablo, Laguna. May safety officer at medics sa set.

“May exit swab ang lahat bago umuwi sa pamilya after each cycle.

“Nakakabilib talaga ang pag-asikaso nila sa aming lahat sa set.

Continue reading below ↓

“Balita ko kasi may mga production/network na KKB [Kanya-Kanyang Bayad] ang bayad ng mga tao na gusto magpa-exit swab. Kawawa naman ang iba na walang pangbayad, di ba?”

Nagsimula na noong Monday, March 22, ang Book 3 ng Paano Ang Pangako? Natapos na nilang i-tape ang buong season noong nakaraang February pa.

Kabilang sa cast sina Ejay Falcon, Beauty Gonzalez, Matt Evans, Devon Seron, Miles Ocampo, Elijah Canlas, at marami pang iba.

Dugtong ni Sweet, “Abangan nila ang mga bagong characters tulad ni Natalie Wilson played by Desiree del Valle at ang assistant niyang si Tamisha na gagampanan ni Mel Martinez.

“Si Tamisha ang bagong makakatapat ng character ko na si Manang Kitty. This time sa mundo naman ng fashion.

“Mas matindi ang bangayan nila Manang Kitty at Tamisha dahil pabonggahan sila ng outfits, wit at laitan! Nakahanap na si Manang Kitty ng worthy opponent kay Tamisha.

“Si Hope [Beauty] naman ang makakalaban ni Natalie. Sa fashion world at sa puso ni Eric [Matt].”

Continue reading below ↓

Naging malaking tulong daw sa pag-boost ng ratings ng Paano Ang Pangako? ang pagpasok sa TV5 ng mga teleserye ng ABS-CBN.

“Napakabongga! Lalong tumaas ang ratings namin at commercial load. Malaking tulong sa pagtapos ng PAP Book 3 na kasunod ang FPJ’s Ang Probinsyano na malakas pa rin ang following.

“So nag-aabang na ang mga fans ng Ang Probinsyano. 'Tsaka sawa na din siguro ang mga tao sa news kasi puro kapalpakan ng gobyerno ang nakikita. Nakakasawa na!”

JOHN LAPUS ON UPCOMING DIRECTING PROJECTS

Looking forward si Sweet sa pagkakataong muli siyang uupo bilang direktor.

Nagsimulang magdirek si Sweet noong 2018 sa Cinema One Originals official entry na Pang-MMK. Nasundan ito ng mga drama shows sa ABS-CBN na Wansapanataym, Ipaglaban Mo, at Kadenang Ginto.

“Yes at nagpe-pre-prod na kami ng isang mini-series na romcom for me to direct.

“Hindi pa puwedeng magbigay ng idetalye. But may awa ang Diyos, sa last week of April kami mag-start ng lock-in taping.

Continue reading below ↓

“Napakahusay at napakabait ng producer namin at ang buong team.”

Bukod sa pag-arte, naging abala rin si Sweet sa mga bagong segment ng kanyang YouTube channel na KorekKaJohnTV.

“May bago akong segment na masaya lang sa KorekKaJohnTV, yung 'Chika O Chaka.'

“Dahil lagi tayong naka-face mask, hindi na natin alam kung chika o chaka ang nakakasalamuha natin. At aminin, maraming gumaganda at gumagwapo pag naka-face mask, di ba?

“Nandoiyan pa din ang 'Star Starts.' Mga kapatid ko naman sa Star Magic ang ipi-feature ko.

"At ang 'Gusto Mo Ba Mag Artista?' na hopefully makapag-shoot na kami agad ng KorekKaJohnTV Team.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To keep his pandemic worries at bay, John Lapus is not saying no to any raket: “Tumatanggap pa din naman ako ng acting, writing, creative consulting jobs. Kahit ribbon-cutting, laban ako!"
PHOTO/S: @korekkajohn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results