Kayla Heredia: from bit player in movies to Facebook superstar with 2.2M fans

by Rose Garcia
4 days ago
Kayla Heredia had 5K Facebook fans as a movie newbie in 2017. During the pandemic, she becomes a gaming video creator who now has 2M fans on Facebook.
PHOTO/S: @kayheredia on Instagram

Isang "blessing in disguise" para kay Kayla Heredia na hindi natuloy ang kanyang movie career.

Naging isa sa mga Regal babies si Kayla noong 2017, at nakagawa siya ng tatlong pelikula sa Regal Films.

Ayon kay Kayla, marami siyang naging realization nang gawin niya ang kanyang huling pelikula, ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Aminado siyang mismong director nila ay muntik nang sumuko sa kanya.

At pakiramdam daw niya, maging ang Regal Films mismo ay sumuko rin sa kanya.

Kuwento ni Kayla nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom, "Well, last movie ko iyong Henerasyon... actually, umiyak talaga ako doon. Hiyang-hiya ako.

"Sabi sa akin, 'Three months na nating ginagawa ito, hindi mo pa rin ma-pronounce nang tama?' E, ang lalim kasi talaga ng Tagalog.

"So I knew then, wala na, end na. Hindi na rin ako tinawagan ng Regal. But I know naman na it was my fault."

Continue reading below ↓

Sa New Zealand lumaki si Kayla kaya hirap talaga siyang magsalita ng Tagalog.

Sinubukan rin daw niyang mag-audition para sa PBB Otso ng ABS-CBN noong 2018. Halos nasa final na raw siya para makapasok, pero hindi raw niya alam ang dahilan kung bakit hindi na siya tinawagan.

Dahil sa mga nangyaring ito ay medyo na-depress si Kayla.

Pero sino ang mag-aakalang sa panahon ng pandemya ay dadami at lalaki ang kanyang fan base.

Sabi ni Kayla, “After that po kasi, siyempre, I was really sad.

"And mahilig na rin po akong mag-online game, mahilig na rin po akong maglaro ng Mobile Legends, I have a friend na nagsabi, 'Bakit hindi ka mag-live streaming?'

“Eventually, I tried."

Nagustuhan niya ang resulta.

"Na-enjoy ko po siya and nagulat na rin ako kasi, ang daming nanonood, dumami po talaga iyong followers ko sa Facebook at social media.”

Naging malaking tulong din sa kanyang pagsasalita ng Tagalog ang pagiging online gamer at live streamer.

Continue reading below ↓

Aniya, “Yes, sa every day kong paglalaro, pagla-live streaming, it helped me a lot. Ang dami kong nakakausap—kids, students, adults."

Sa ngayon, ang Facebook page ni Kayla ay mayroong 2.2 million followers, na ang tawag niya ay Kaybers Squad.

“Hindi ko rin po akalain na makikilala ako rito, even my family, hindi rin nila ine-expect. But they’re happy for me.”

Open pa rin si Kayla na magtuloy sa pagiging artista, lalo na nga raw ngayon na mas may kumpiyansa na siya.

“It was really my dream. Now, I know na kaya ko na.

“Pero blessing in disguise rin po na hindi nangyari. I was introduced to live streaming. I only started last June of 2019 and tuluy-tuloy na po.

“I only had 5,000 followers when I was in Regal, pero ngayon po, nakakatuwa po na [my Facebook page] has more than 2 million na.”

kayla heredia on live streaming AND ONLINE GAMING

Araw-araw nagla-livestreaming si Kayla for Mobile Legends sa kanyang Facebook. Iba-iba ang classification ng kanyang followers, at kabilang na rito ang mga estudyante.

Continue reading below ↓

Ngayong pandemya na nakapirmi lang sa bahay ang mga bata at mas lalong nahihilig sa paglalaro ng mga online games, naniniwala ba si Kayla na maaring maging masamang addiction ang online gaming, lalo na sa mga estudyante pa lang?

Sabi ni Kayla sa PEP.ph, “Ang advice ko sa mga students na nagiging addict na, it’s good naman na maglaro kayo ng Mobile Legends kasi, for me, it’s an anti-depressant thing.

“Malaki rin ang help ng gaming sa community natin ngayon, especially sa mga bata. Kasi, what else is there to do kung hindi maglaro kung may free time sila.

"Pero, mag-focus pa rin sila sa pag-aaral nila and use Mobile Legends as a pasttime nila or bored sila.

“Kasi kung wala kang ginagawa, made-depress talaga ang tao."

Dagdag pa niya, "I really believe na iyong gaming at gaming industry at streamers, malaki ang impact namin sa community ng mga kids, even sa 20 years old and adults na nanonood sa amin.

Continue reading below ↓

"Kasi we provide entertainment na live and nakakausap talaga sila. Kailangan lang balanse ang pag-aaral at paglalaro.”

Hindi raw niya sasabihin na humintong maglaro ang mga kabataan dahil naniniwala raw siya sa malaking tulong na naibibigay nito sa mental health.

Aminado rin si Kayla na may ibang gamers na nagta-trash talk, at hindi magandang impluwesiya sa mga nakakalaro ng mga ito, lalo na kung bata.

Kaya maingat ang dalaga sa kanyang pananalita.

“Hindi po ako nagmumura,” nakangiti niyang sabi.

“Siguro iyong pinaka-ano ko na, ‘Ang porkchop!’ At saka, alam ko kasi, mga viewers ko rin, mga kids. Kasi meron akong group chat sa Facebook. So kung magmura ka talaga, parang nakakahiya sa parents nila.

“Minsan, pine-play nila ako sa TV, sa living room. Nakakahiya kasi pati parents nakikita yata."

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kayla Heredia had 5K Facebook fans as a movie newbie in 2017. During the pandemic, she becomes a gaming video creator who now has 2M fans on Facebook.
PHOTO/S: @kayheredia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results