Jericho Rosales strives to continue learning despite hardships and hurt he felt in the past
May 20, 2021

Business o film sana ang gustong aralin ni Jericho Rosales nang tanunging ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung anong kurso ang nais nito sanang kunin sa kolehiyo.

Nakausap ng PEP.ph si Echo (palayaw ni Jericho) noong nakaraang April 21, 2021, via Zoom.

Hindi na naipagpatuloy ng 42-year-old ABS-CBN actor ang kanyang college studies noong kabataan pa niya dahil kinailangan niyang mag-focus bilang artista upang may maipangtustos sa kanyang pamilya.

Nakapagtapos si Jericho ng kanyang secondary education sa New Era High School sa Quezon City.

Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo, nanatiling pursigido si Jericho na matuto.

Hindi raw natatakot si Jericho na magtanong kapag hindi nito naiintindihan ang isang bagay.

Aniya, "I guess, the secret to that is humility and just like when you ask for directions sa kalsada, yung magtatanong ka talaga kay Manong.

"I think one ability na na-develop ko before was to never be embarrassed if you're asking something na you don't know.

"Like, 'What's the meaning of this? Ang salita na ito sa Ingles? Anong ibig sabihin niyan, hindi ko po maintindihan?'

"Even now, I still ask Kim, 'Kim, what does this word mean?' She doesn't get tired of answering me, even though Google is just there," banggit pa ni Echo sa kanyang misis na si Kim Jones.

"Also, one thing that excites me... For example, when I have access to big events and I talk to let's say big people, I go to them and I ask them. I learn from them.

"And I listen to a lot of podcasts. I watch TED. I have friends who are professionals in the industry and I learn from them."

Ang TED na tinutukoy ni Jericho ay influential videos na nagpi-feature ng expert speakers on education, business, science, tech, and creativity.

Patuloy pa ni Echo, "I just never get embarrassed that there's something that I don't know because, yun lang, parang that's the only way [you'll learn].

"And I guess, being part of that statistic before na mahirap lang kami, you got to find a way to learn."

Aminado rin si Jericho na nasasaktan siya noon kapag pinag-uusapan at pinagtatawanan kung paano siya magsalita ng English.

"People were laughing at me. 'O, English nang English si Jericho... English nang English, mukha namang ganito, ganyan, di ba? It hurts..."

Sa panayam na ito ng PEP.ph, binalikan din ni Echo ang ilan sa kanyang most memorable moments noong siya ay estudyante pa lamang sa high school at kung gaano siya ka-proud na galing siya sa public school.

Panoorin sa video sa itaas.

HOT STORIES

#JerichoRosales #PEPexclusives

Video Producer: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results