Na-enjoy nang husto ni Andrea del Rosario, 43, ang probinsya life kasama ang longtime boyfriend na si Anthony Garcia, 40.
Si Andrea ay aktres at dating vice mayor sa Calatagan, Batangas.
Si Anthony ay isang professional polo player sa U.S. at dito sa Pilipinas.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa PEP Voice Chat Room sa Calamansi noong Mayo 11.
Dito ibinahagi ni Andrea na namalagi sila sa farm ng kanyang boyfriend mula nang ipatupad ang lockdown noong first quarter of 2020.
"Nung nag-pandemic, we stayed at my boyfriend's farm. He's a professional polo player. He plays here sa Calatagan rin. Dito rin kami nag-meet.
"We were so blessed nung nag-lockdown because dito kami na-lockdown. Malaki siya and it's safe. Dito kami sa probinsya."
Malawak ang farm ni Anthony na nag-aalaga ng mga manok, kambing, at aso kaya hindi raw sila naubusan ng pwedeng pagkaabalahan.
Paliwanag ni Andrea, "Yes, pero siyempre lahat kami quarantine pa rin. Walang lumalabas. Kami rin, bili lang namin ng pagkain every so often.
"Safe naman. Safe dito. Hindi katulad sa Manila na siyempre dikit-dikit mga tao.
"Dito mas maluwag ang aming galawan dito. Layo-layo naman ang bahay ng mga tao. We were safe here."
Nang lumuwag ang community quarantine ay nakabalik din sina Andrea at Anthony sa paglalaro ng polo, isang horseback ball game sa pagitan ng dalawang team na may tig-apat na players.
Nakahiligan na rin kasi ni Andrea ang polo sport kaya nakakasali rin siya sa small tournaments.
HOW ANDREA MET ANTHONY
Tinuruan daw siya ni Anthony na maglaro ng polo noong una silang magkakilala noong 2016.
Balik-tanaw ni Andrea: "We met here in Calatagan nung tumatakbo ako as vice mayor at the time.
"I met his family. We became very good friends. Yun, sunud-sunod na. We dated.
"Tinuruan niya ako maglaro ng polo. We play together. So, masaya naman ang aming partnership."
Hindi ba pangmayaman na sport ang polo?
Natatawang sagot ni Andrea, "Yayamanin talaga siya! Mamahalin talaga! Nanghihiram lang ako ng kabayo.
"Hindi ko siya afford. Ang isang kabayo ay milyon. And to put them on stables, napakamahal.
"But yun nga, I'm very fortunate kasi meron siyang access sa mga ganun. Talagang game for the royalties."
Naranasan na raw ni Andrea na makahalubilo ng royalty kapag may tournament si Anthony sa England.
Biro ng PEP.ph kay Andrea: royal ka na rin?
Natatawang sagot uli ni Andrea, "Hindi! Nakiki-royal tru-orange!"
MODERN FAMILY WITH ANTHONY
Ang paglalaro ng polo ay bonding hindi lang para sa magkasintahan kundi para na rin sa kanilang mga anak.
Si Andrea ay may 11-year-old daughter na si Bea, habang si Anthony ay may anak ding babae na pitong taong gulang.
"It's a family affair. Nung nag-travel kami sa Amerika before, pag naglalaro si Anthony, kasama niya kami lahat.
"You can't help but try to learn, so tinuturuan lang namin sila mag-ride. Ngayon nasa horseback riding pa lang kami."
Kuwento pa ni Andrea, ang pagkakaroon nila ni Anthony ng anak pati na ang kanilang common interests ang nagpatatag ng kanilang relasyon.
"We have what you call a modern-day family. It works well because meron sila matatawag na family.
"Kahit na ganun nangyari sa amin ni Anthony from our previous relationships, it worked out okay.
"We also had something in common. We play together. So, mas lalo nakaka-bond sa amin."
FIVE YEARS TOGETHER
Higit limang taon nang magkarelasyon sina Andrea at Anthony.
Natutunan daw nilang ituring na kaibigan ang isa't isa para maging bukas sila pagdating sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan.
Ayon kay Andrea, "Lahat naman ng relationship hindi perfect.
"But more than anything else, we're friends. We talk. That's an important factor in a relationship—communication.
"We laugh, we play together... So, yeah, yun ang nagbibigay ng longevity sa relationship."
Nagustuhan din daw niya sa nobyo ang pagiging simple nito.
"Anthony is a simple guy. He reminds me of my father.
"He comes from a very good family. They come from a blessed and fortunate family din naman to have all the fine things in life, but he's very grounded.
"I think dahil nagsasabong din siya, he can get along with anybody, kahit na tricycle driver.
"That's what I like about him. He's a simple guy."
WEDDING TALKS
Sa tagal nilang magkarelasyon, aminado si Andrea na napag-uusapan na nila ni Anthony ang pagpapakasal.
Bahagi rin daw ng kanilang future plans ang manirahan sa Chicago, kunsaan nakabase si Anthony para sa kanyang profession.
"We talk about it. Before the pandemic, we were already planning on doing it because he's an American citizen.
"Siyempre, half the time he's based in America. Kalahati ng kontrata niya dun, kalahati dito.
"Ako rin someday, half of the time here, half of the time there.
"Talagang plano rin naman, hopefully, to get married in the near future.
"We wanna share our lives together in America and also here in the Philippines."
Mayroong pag-aaring beach house si Andrea sa Calatagan, Batangas.
Pero sa ngayon ay nasa Manila na uli ang aktres para sa posibleng pagganap nito sa isang teleserye.
Bahagi rin siya ng pelikulang Kaka na pinagbidahan ni Sunshine Guimary.
Ang nobyo naman niyang si Anthony ay nasa U.S. para sa simula ng season ng polo sport.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.