Aiko Melendez launches online shopping website

by Rommel Gonzales
Jun 21, 2021
Aiko Melendez on her business venture, pingmeup.store: "It's a website where you can shop for anything online."
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

May bagong pinagkakabalahan si Aiko: isang online selling website.

"I have a website po, ang pingmeup.store.

"It's a website where you can shop for anything online. Lahat—mapa-sapatos, mapa-gamit.

"Pag pining mo lang iyong website na iyon, lalabas lahat ng gusto niyong bilhin, so para siyang ano...

"Ayokong banggitin, siyempe competitor iyon, at saka mas malakas na sila kaysa sa akin dahil newbie pa lang," at muling tumawa si Aiko.

"So iyon iyong website, iyon iyong concept ng website.

"You can shop online thru this website, pingmeup.store."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga niya, mayroon nang mga ganitong online stores na nauna—malalakas, at milyun-milyon na ang ginagastos sa promo.

AIKO'S BUSINESS EDGE

Paano makikipag-compete ang pingmeup.store ni Aiko sa mga existing online shopping app na ito?

"Siguro ang edge ko kasi, marami akong mga media na kaibigan na katulad niyo na tutulungan ako...

"Na siguro iyong mga big companies, iyong mga tina-tap nila agad na maghe-help sa kanila na PR is big time agad.

"Ako talaga, iyong showbiz press kunsaan lumaki ako, alam ko, confident ako na tutulungan niyo ako para maging sikat din ang aking website.

"Kaya iyon ang panlaban ko sa iba na wala sila," diin niya.

Sa ngayon ay inaayos na ang mismong app ng online store in Aiko.

"For now, kasi mas easy to maintain iyong website, so website muna po kami, and then eventually kapag nag-pick up na po ang aming website, we'll venture into an app."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIKO'S BUSINESS PARTNER

Si Vice Governor Jay Khonghun ba ang katuwang niya sa pingmeup.store?

"Siya ang boss ko po," at tumawa si Aiko.

"Actually, idea ko siya, so nung nag-brainstorm ako sa kanya, pinitch ko iyong idea sa kanya.

"Noong una, kontra pa siya. Sabi niya, 'Ano iyan, ang lalabanan mo, ang laki-laking ano?!?'

"Sabi ko, 'Wala ka bang tiwala sa akin?'

"Sabi niya, 'Sige, sige, sige! Basta galingan mo na lang, galingan mo na lang.'

"Ayun, napa-oo ko siya. Siya ang boss ko dun."

Nakausap si Aiko ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media sa isang Zoom interview nitong nakaraang Huwebes, June 17, 2021.

Natanong naman si Vice Governor Jay na kasama ni Aiko sa Zoom interview kung paano siya nakumbinsi na pasukin nila ang online shopping business.

"Magaling magkumbinsi ito, malambing," ang nakangiting sagot ni Vice Governor Jay.

"Tulad nga ng sinabi ni Aiko, halos lahat ay maaaring mabili o order-in sa pingmeup.store.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Anything that you need for your home—shoes, clothing, make-up."

AIKO OPENS HER BUSINESS TO SELLERS

Gusto rin imbitahan ni Aiko ang mga interesadong sellers na nais maging parte ng pingmeup.store.

Pag-engganyo niya, "Everybody's welcome.

"And what's nice about this website is we will handle the marketing, not to discount iyong ibang mga online shopping...

"Ang online shopping kasi nung mga iba is, di ba may description, 'tapos pagdating sa iyo, iyong isa is kalahati lang pala iyong darating sa iyo.

"Ako, maa-assure ko na iyong website ko, iyong quality control, we have people to check talaga and balance everything para hindi naman kami mapahiya.

"And also para iyong seller din, legit talaga."

AIKO'S PINGMEUP NOT SELLING PRE-LOVED ITEMS

Nilinaw din ni Aiko na hindi siya magtitinda ng pre-loved or second hand na mga damit o gamit niya. Mga items galing sa mga legit online seller daw ang ititinda sa pingmeup.store.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They have their own dashboard, we have our own admin to take care care of it. Meron kaming technical team to guide them on what to do.

"And what's nice about my website, kapag nakita niyo iyong website namin, hindi siya mahirap i-operate.

"Di ba may mga website na ang dami-daming hinihingi sa iyo? Kulang na lang pati passcode ng ATM mo hingin!

"This one, meron kaming security system sa website namin na talagang iyong password mo at iyong username mo, ang makakaalam lang is iyong admin and iyong seller.

"So may protection both sides."

AIKO'S SHOWBIZ PROJECTS

Abala man sa pagiging negosyante, tuloy pa rin ang pag-aartista ni Aiko.

"I'm set to do a movie. Very timely po ang title, Huwag Kang Lalabas.

"Trilogy po ito. Iyong unang episode po is ako, si Tito Bembol Roco, 'tapos may bata kaming kasama.

"Iyong second episode is si Beauty Gonzales," pagkukuwento ni Aiko tungkol sa upcoming movie niya na ang direktor ay si Adolf Alix, Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling nakagawa ng pelikula si Aiko noong 2018, ang Rainbow Sunset, na isang multi-awarded drama film.

"So medyo kakaiba kasi iyong story nitong Huwag Kang Lalabas, suspense/drama siya."

Matagal na raw hindi nakakagawa si Aiko ng nakakatakot na pelikula tulad ng Shake, Rattle & Roll film series na madalas gawin ni Aiko noong araw, at ang Pwera Usog (2017), kaya excited siyang gawin ang Huwag Kang Lalabas.

"So this time around, ipapaubaya ko na lang sa direktor namin kung paano iyong treatment ng pelikula. So, I will just trust his instinct kung ano iyong gusto niyang atake na gagawin ko para sa role ko."

May update na ba ang Book 2 ng highly-successful na Prima Donnas na show nina Aiko sa GMA-7?

"I'm happy to announce that first week of August po, mag-i-start na po kaming mag-taping.

"Hopefully, kapag wala pong aberya at hindi po nag-iba ang protocol po dito sa bansa natin, we'll finally start the Prima Donnas Book 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pa lang talaga akong idea, kasi as of the moment, nung kausap namin ang creative [team], pinag-iisipan nila.

"Iyong last part kasi, doon sa mga nakapanood po, di ba ang end part po at end frame po is dumilat iyong mga mata ni Kendra [her character].

"So hindi natin alam kung pagdilat ng mga mata ni Kendra, bumait ba siya o mas lalong sumama.

"Iyon ang dapat nilang abangan."

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on her business venture, pingmeup.store: "It's a website where you can shop for anything online."
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results