Kim delos Santos reveals doing odd jobs in the U.S. before becoming a nurse

by Bernie V. Franco
Jul 16, 2021
kim delos santos
Kim delos Santos, one of the most popular Kapuso teen stars in the '90s, is now based in Texas, U.S.A. and works as a dialysis nurse.
PHOTO/S: @kimnicole727 on Instagram / Facebook

Kasalukuyang nagtatrabaho ang dating aktres na si Kim delos Santos bilang dialysis nurse sa Medical Center Kidney Clinic sa Houston, Texas sa Amerika.

Sa kuwento ni Kim sa episode ng Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs noong July 14, 2021, kung anu-anong trabaho raw muna ang kanyang pinasok at sinubukan bago naging nurse.

Pinasok raw niya ang pagluluto sa restaurant, pagsuksok ng I.D. sa envelope, at pagiging clerk dahil hindi siya college graduate.

Pagbabahagi ng dating aktres, “Pumunta ako dito, I had no college degree so I started from the bottom up. As in talagang gapang.”

Ayon kay Kim, matapos silang maghiwalay ng mister at dating ka-love team na si Dino Guevarra ay lumipad na siya patungong U.S.

“So my first job, pinasok ako ng daddy ko sa parang restaurant kasi sabi ko, magku-culinary ako.”

Pero na-realize niya na hindi yun ang career path na gusto niyang tahakin.

“Hindi ko keri ang high level of stress ng pagluluto, so I ended up quitting.

Continue reading below ↓

“My second job was nagsusuksok ng ID cards sa envelope.”

Di nagtagal, nag-quit muli siya sa trabaho.

Ani Kim tungkol sa kanyang pangatlong trabaho, “And after that, nag-receptionist ako,”

Pero hindi rin ito kinaya ni Kim.

Dumating raw sa puntong kinuwestiyon ni Kim ang sarili, “Sabi ko sa loob-loob ko, habang nag-iisip ako. Sabi ko, ‘Ito ba ang ipinunta ko sa Amerika?'"

At dito na nagpasya si Kim na magtapos ng kurso.

Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Dad, I can’t do this anymore. I wanna go back to school.”

Tinanong daw siya ng ama kung ano ang gusto niyang gawin at sumagot si Kim na mag-aaral siya ng nursing.

Natuloy ang kanyang pag-aaral, pero matapos maka-graduate ay hindi raw nakapasa si Kim sa licensure examination.

Sa halip na bumigay ay lalo pang nagpursige si Kim sa pagiging nurse.

Pahayag niya, “Hindi na muna ako nag-RN [registered nurse], nag-LVN muna ako. It’s a license vocational nurse, so it’s like a junior nurse. Pumasa ako.”

Continue reading below ↓

Patuloy ngayon ang pag-aaral ni Kim para maging psychiatric nurse practitioner. Ito ang naisipan niyang kunin dahil siya mismo ay nakaranas ng depression.

NO COMMUNICATION WITH EX-HUSBAND

Samantala, inamin ni Kim na wala silang recent communication ng kanyang ex-husband.

Gayunpaman, bukas daw siya sa posibilidad na makatrabaho ito kung mabigyan ng oportunidad.

“Si Dino, di ko pa siya nakakausap.

“One time I was asked if I would work with him. I said yes.

“Before no, e. Masama pa loob ko. But now, yes.

“Sabi ko if the day comes na if there was an offer, na parang I can actually commit to it, I’m fine working with him.”

Sina Kim at Dino ay naging kilalang love team sa bakuran ng GMA-7 noong mid-90s.

Nagtambal sila sa mga teleserye at pelikula ng Kapuso network.

Ikinasal sila noong 2002.

Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Twenty years old lang noon si Kim habang si Dino ay 21 or 22 anyos.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Kim, “We were both young when we got married, so we were both kids. I was young in love. Hindi pa ready sa totoo lang.

“At that stage when you think you know everything, but you really don’t know nothing.”

Isang taon matapos makipaghiwalay ni Kim, nagkaroon siya ng boyfriend.

Naging fiancé niya ito pero nauwi rin sa hiwalayan pagkatapos ang sampung taon.

Kasalukuyan siyang single ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim delos Santos, one of the most popular Kapuso teen stars in the '90s, is now based in Texas, U.S.A. and works as a dialysis nurse.
PHOTO/S: @kimnicole727 on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results