Joshua Garcia treats pandemic as a period of learning and studying

by Rommel Gonzales
Aug 12, 2021
Joshua Garcia is treating the pandemic as a period of learning and studying. What's his next goal after enrolling in an online entrepreneurship program?
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

Balak ni Joshua Garcia mag-enroll sa Academy of Rock, kung saan isa siyang business partner.

Kuwento ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 18, 2021, "Ako mag-e-enroll ako e, kasi gusto kong ma-master yung paggigitara, e. Kasi naggigitara na ako pero hindi ako ganun kagaling.

"So para masubukan ko rin, di ba, yung sarili naming facility and ma-experience ko rin kung paanong magturo yung mga teachers namin."

Sino ang celebrity friend niya na iimbitahan niyang mag-enroll din sa Academy of Rock?

"Hindi ko masabi kung sino pero ang gusto ko yung makakasabay ko kasi plano ko rin talagang mag-aral ng gitara. Siguro yung makakasabay ko mag-aral.

"Si DJ kasi magaling nang maggitara."

Si Daniel Padilla na matalik niyang kaibigan ang tinutukoy ni Joshua.

Biniro ni Enchong Dee si Joshua na dance classes ang ipa-enroll nito kay Daniel.

"Ah hindi niya gagawin yun," ang tumatawang reaksiyon ni Joshua.

Parehong solid Kapamilya sina Daniel at Joshua. Ano ang mensahe niya para sa mga artists ng ABS-CBN na tulad niya ay hindi umalis kahit nawalan ng prangkisa ang kanilang home network?

Continue reading below ↓

"Ako kasi personally natutuwa ako sa mga artist namin sa Kapamilya kasi nagiging inspirasyon namin yung isa't-isa.

"So siguro... ipagpatuloy lang nila yung ginagawa nila.

"Kasi ako, personally nai-inspire ako sa co-artist ko, sa Kapamilya na hindi lumipat. So siguro ganun, to continue to support each other.

"Kasi sa aming mga artist sa ABS, we support talaga each other, so iyon lang."

JOSHUA ON BEING BUSINESS PARTNERS WITH ENCHONG DEE

Kasosyo ni Joshua si Enchong at walo pang investors sa Academy of Rock.

Sa katunayan, si Enchong ang nagbigay kay Joshua ng opportunity na mag-invest.

Kuwento ni Joshua, "Ako kasi nag-start yung pagiging business-minded ko nung pandemic and since nung pumasok ako sa school."

Nag-enroll ang Kapamilya actor noong October 2020 sa isang online entrepreneurship program. Ginugol rin niya ang unang taon ng pandemya sa pagbabasa ng mga libro.

Kaya noong nagkausap sila ni Enchong tungkol sa business, kahit papaano ay mapukaw na ang interes niya sa pagbi-business.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Joshua, "And si Enchong ang nagbigay sa akin ng opportunity para sa school na ito.

"Ayun, hindi ko sinayang yung pagkakataon para matuto sa kanya, and hindi naman basta investment lang ito, e, education din para sa ibang tao, para mas ma-hone yung talent ng mga local artists natin, di ba?"

Matagal na silang magkaibigan ni Enchong.

"Pero mas naging malapit kami nung nagte-taping ng ASAP kasi buong araw kaming magkakasama.

"Ako masaya lang ako na nagkaroon ako ng kaibigan, hindi lang kaibigan, business partner na si Enchong nga.

"Tinuturuan talaga niya ako kasi siyempre, bago pa lang ako sa investing, and siya talaga yung nagtuturo sa akin."

Maraming naipayo si Enchong kay Joshua tungkol sa pagnenegosyo.

Ayon kay Joshua, sinabihan raw siya ni Enchong na anuman ang in-invest niya ay dapat maging handa siya sa ideya na maaaring kumita at maaaring malugi, dahil isang gamble o risk nga naman ang pagnenegosyo.

Continue reading below ↓

Nais din ni Enchong na maraming matutunan si Joshua sa negosyo para kapag magsasarili na ito sa negosyo at mas malaking pera na ang itataya niya, handa na si Joshua na i-take ang mga risk sa mga papasukan pa niyang negosyo.

Tumanggi silang sabihin kung magkano ang investment ng bawat isa sa Academy of Rock. Ang sigurado ay hindi pantay-pantay ang halaga ng kani-kanilang investment, may malaki, may maliit.

JOSHUA ON ACADEMY OF ROCK

Ayon kay Joshua, bukod sa pagkanta at pagsayaw ay may classes rin o pag-aaral ng musical instruments sa Academy of Rock, na matatagpuan sa #19 Scout Borromeo, South Triangle, Quezon City.

Depende sa preference ng mga magulang at ng mga estudyante kung mag-e-enroll sila sa face-to-face na one-on-one classes o puwede rin namang online.

"Okay rin naman ang online, pero parang as a student mas okay na ma-experience mo na mahawakan mo rin yung instruments, so mas matututo ka."

Continue reading below ↓

Hindi maiwasang maitanong ngayong panahon ng pandemya, gaano ka-safe ang Academy Of Rock?

Lahat raw ng empleyado nila ay bakunado at gumagamit raw sila ng materyales na patented sa Singapore (kung saan nag-originate ang Academy of Rock) tulad ng sahig na yari sa bamco, isang bamboo/charcoal flooring material dahil ang uling ay nag-a-absorb ng odor.

Sa kanila namang recording studio, isang tao lamang ang nasa studio habang ang engineer ay nasa kabilang kuwarto.

At higit sa lahat ay istrikto raw sila sa pagsunod sa health and safety protocol laban sa COVID-19, at pagkakaroon ng one-on-one class na one teacher-one student policy.

"Meron silang sariling room kaya wala silang dapat ika-worry."

Sina Joshua at Enchong ay fully vaccinated na rin ng brand ng Pfizer.

Ano ang mensahe ni Joshua para sa mga taong ayaw o takot magpabakuna?

"Ah huwag layong matakot kasi eventually lahat tayo magiging vaccinated din.

"Para alam mo yun, kasi di ba makikita mo sa States ngayon lahat sila hindi na nagma-mask, so huwag kayong matakot.

Continue reading below ↓

"Huwag kayong matakot, okay lang yun!"

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia is treating the pandemic as a period of learning and studying. What's his next goal after enrolling in an online entrepreneurship program?
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results